Chapter 6

37 0 0
                                    

*riiiiiiiiiing riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

“H-Hello?”

(Bagong gising ka lang noh?)

“Oo eh. Antok pa din ako, sino ka ba?”

(Ouch, di mo na ko kilala. Boyfriend mo pa naman ako!)

“Ah, ikaw pala yan. Di ko nakita kung sino tumatawag eh.”

(Hmft! Ganan ka naman eh. >.<)

“Sorry na oh?”

(Oo na.)

“Bakit ka nga pala napatawag?”

(Ah, HAPPY 2nd MONTHSARY! I LOVE YOU!)

“Happy 2nd monthsary din po. I love you more! :”>”

(Osige pahinga ka muna ha? I love you.)

“I love you more.”

*toooooooooooooooooooooot*

Ano oras na ba? O_O 1pm na pala! >.< Puyat kasi ako. Kasi naman yung sakit ko, inatake na naman ako kaninang madaling araw. :’(  Nagayos na ko ng sarili ko. Kumain, naligo. At kung ano ano pa! Tsaka ako, nag-ayos ng buhok at pati ng mukha. ^.^ 5:30 na ko natapos. Hahahaha! Kasi naman, nakakatamad kaya magmadali. :P Pupunta na ko doon sa meeting place namin. Park daw eh, :) Nagtext ako sakanya na andito na ako. Pero hindi sya nagrereply. Bakit kaya? Oh well. Hintayin ko na lang sya! ^____^ Patience is always a must. Hehehe!

Ano oras na ba? Hmmm. 7:30 na pala. 2hours na din pala ako naghihintay at wala pa din syang reply. Naglakad lakad muna ako, tapos di ko alam kung bakit dinala ako ng paa ko sa isang lugar na parang tago? Or madilim. Basta ganun. >.< Pero may mga tao pa din na nadaan hindi lang ganoon kadami. Tapos may narinig akong boses, pamilyar yung boses. At may sinasabi sya dun sa lalaki. Tumakbo na ko! Tumakbo ng ko ng malayong malayo! Di ko na to kaya. Nasasaktan na ko! Akala ko totoo na! Akala ko totoo lahat!

:’(

Ang t*nga t*nga ko talaga. Ang bilis ko kasi maniwala eh, ang bilis ko magpadala. :’( Kaya ako nasasaktan eh.

Maybe this Love Ain’t Really Meant to Be. </3

WAAAH! Ayoko na!!! AAAAAHHHHHHHHHHH! Aray.

“Aray!! Ahhhh! ARAY!” sumasakit yung dibdib ko! TULOOOOOONG! Tinawagan ko agad si Mama at agad naman nya tong sinagot. Ang sakit talaga!

“Mommy…. Tu..long….. di..to…ako… sa.. PARK!”

*toooooooooooooooooooot*

Kysler POV

“Eh, pare diba pustahan lang naman natin ay, liligawan mo. Tapos pasasagutin mo. Yun lang, hindi naman dapat patagalin. Parang, nalalabag ka na s kasunduan natin ah? Hahaha! Mahal mo na sya noh? Ano nga pangalan ulit nun? Maryell?” sabi nung kaibigan kong si Matt

“Hindi ko sya mahal! Ok!? Masama bang gamitin ko muna syang panlibangan?! Niloloko ko lang yun noh!? Tingin mo sakin walang taste!? Loko ka pare!!”

“Sigurado ka ba dyan? Hahaha. Tignan mo na sa likod mo.” Huh? Likod? Tinignan ko nga at nakita ko si Maryell naiyak na. Ouch! Hinabol ko sya at nakita ko sya napaluhod na, habang may kausap sa cellphone nya. Tapos nakita kong nawalan na sya ng malay. Dinala ko agad sya sa Ospital at agad tinawagan si Tita. Nagpasalamat pa sa akin si tita at nadala ko daw agad si Maryell ditto. AHHHHHHH! NAKAKAINIS! KASALANAN KO TO! Kung alam lang nya na kasalanan ko to, nakuh! :’( Andito na si Tita. Alalang alala sya kay Maryell. Hay! Dahil sakin kaya sya nagkakaganito! AAAAAAHHHHHH! Naikwento ko kay Tita yung nangyari kung bakit nagkaganon si Maryell. Napaliwanag ko na din sa kanya kung bakit ko yun nasabi. Naintindihan nya ko, pero naiinis pa din ako sa sarili ko!!!

Pumasok ako sa loob ng Kwarto kung na saan si Maryell. Kitang kita mo lungkot sa mukha nya. Kahit tulog sya, may luha padin na pumatak galling sa mga mata nya.

“Maryell. Alam ko, narinig mo yung mga nasabi ko doon sa walang kwenta kong kaibigan. Lahat ng sinabi ko, hindi totoo yon. Maniwala ka! Alam mo namang ikaw lang mahal ko diba? *sob* Ikaw lang naman mahal ko eh! IKAW LANG! Maniwala ka naman oh? MARYELL!! Gumising ka na jan oh? Please? Maryell naman oh! Wag ka ngang ganan! *sob* I love you. Ikaw lang wala ng iba.”

Kinuwento ko kay Maryell kung kelan ko sya nagustuhan kahit na tulog pa sya. Hehehe, simula yun nung nakita ko sya sa National Bookstore. Hehehe! Hindi kasi sya mawala sa isip ko nun eh. Di ko alam kung bakit. :’>

Ilang araw na din ang nakalipas, tulog pa din si Maryell. Halos di na nga ko pumapasok para lang mabantayan sya eh. Dumadalaw din dito yung apat nyang mga kaibigan. At naiyak na lang sila, :’( Pati yung iba namin kaklase pumupunta din. Masaya kasi kasama tong babaeng to eh, akala mo wala syang problema. Akala mo wala syang sakit. Ang lakas lakas nya!

*toooooooooooooooooooooot*

“Dok!? DOK! DOK! DOK!”

This love ain't really meant to be. &lt;/3Where stories live. Discover now