Chapter 6
CHLOEE MONTECILLO
Sira na yung araw ko.Sirang sira na talaga.AAAHHH!
Nasabunutan ko yung sarili ko.Damn!it hurts.I slapped myself.It hurts too!Tinampal ko yung noo ko.Pero may nauna na sa akin.
"What the--Aray!"
I glared at him.Guess what?Nandito kami sa kotse netong si Darius.Edi sya na mayaman.
Actually,meron naman kaming service papunta dun sa camp site pero kase etong si Darius mapilit kaya ayun no choice talaga kami. Nakakainis diba?
"Chloee,"
Di ko sya pinansin, bakit ko naman sya papansin diba, diba?
"Darius, malayo pa ba?" Tanong ko.
Tumango si Darius kaya napasimangot ako. Ano ba naman kaseng trip ng school na to at kailangan pang mag-camp lahat ng transferees? Tsaka duh? Duh to the point na pwede na akong magbigti. Limang oras yung biyahe papunta don sa camp site. Eh kung nagklase na lang atleast mas na enjoy ko pa. Time concious kaya ako! Ayokong nasasayang ng oras. Sabi nga nila 'time is gold'. Ang dami kayang pwedeng gawin kada segundo. Tsk.
"Dala nyo ba yung dagger na nasa metal box kanina?" Biglang tanong Darius.
Kailangan palang dalhin yon? Waaah! Naiwan ko sa kwarto ko. Pout.
--
Apat na oras na kaming bumabyahe. Ang sakit sa pwet, nakakangalay eh. Tapos traffic pa! Ano ba yan. Isa pa 'tong si Esco, kunwari tulog para lang makasandal sa balikat ko. Chansing din eh.
Dahan-dahan kong inalis yung ulo nya sa balikat ko. Ingat na ingat pa ako nyan. Syempre nakakahiya naman diba kung ibalibag ko yung ulo nya. Kahit na galit ako dito mabait parin ako. Gets?
Nang maalis ko na yung gulo nya nakahinga ako ng maluwag. Pipikit na sana ako, kaso may naramdaman nanaman akong ulo sa balikat ko.
Tibay!
Inalis ko ulit yung ulo nya pero ibinalik nya ulit.
Alis. Balik.
Alis. Balik.
Alis. Balik.
Alis. Balik-- "Hoy coco! Umamin ka nga! Tulog ka ba talaga?"
Konti na lang takaga magkakaroon na ako ng wrinkles eh. Gosh! Papanget ako dito sa lalaking to. Kumulo lalo yung dugo ko nang humilik sya!
AHHHH! nakakainis talaga to!
Dahil inubos nya nga ang pasensya ko, kumuha ako ng clip sa may shoulder bag lunch.
*SMIRK*
Lagot ka sa akin, ako pa talaga iniinis mo.
"A-Aaah, a-aray! Chloee-- Ouuuch!"
Pumikit na din ako. Ano ka ngayon hahaha.
.--
AERRI
Pakiramdam ko nawalan ako ng kaluluwa. OA na kung OA pero parang ang manhid ko na. Geez.
"Goodmorning transferees!" Masiglang wika ng Mc.
Hindi ko talaga feel ngayon tong camp na 'to. I'd rather sleep than do this camping. I just want to rest!
YOU ARE READING
Lie
Teen FictionPublished: 09|29|2018 Si Aerri Librea Frian ay nabuhay sa kasinungalingan... Subaybayan natin ang kwento at takbo ng buhay ni Aerri. ©Aymeyselll All rights reserved