6-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO

25.3K 845 15
                                    

SAVANNAH

NAKA-UPO PARIN AKO dito sa coach sa office ni Gab. Hindi na kasi ako nito pinaalis baka daw sugurin ulit at at saktan nila Paloma.

"Aalis na ako.", Pamimilit ko.

"No."Sabi niya nang hindi man lang inaangat ang tingin sa akin.

Gusto ko nang umalis dahil ibibigay ko pa ang pera kay kuya. Ibibigay ko nalang sa kanya ang naipon ko at mag iipon ulit para naman sa akin.

Siguro naman ay tamang-tama na ito para sa kanya.

"Pero, Gab." Pamimilit ko ulit.

"Why are you in such a hurry to leave?, i said let's go home together so sit there first and wait for me to finish what I'm doing here."sabi niya sa matigas na ingles.

"May pupuntahan pa kasi ako." Pilit ko parin.

"And where are you going? Tell me." Ngayon naman ay nakaangat na ang ulo niya at tiningnan ako.

Napatingin ako sa labi niya, hindi niya suot ang maskara niya kaya kita ko ang mukha niya.

Bigla ulit pumasok sa isip ko yung nangyari kanina kaya naman ay pinamulahan ako ng mukha at agad na nag iwas ng tingin.

"May kikitain lang ako sa may mall, babalik din naman agad ako."sabi ko.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga nito saka inilagay ang kamay sa lamesa at nag salita.

"Fine, then take my bodyguards with you and to find out if you are okay and nothing bad will happen to you." Aniya.

Tiningnan ko siya.

Hindi pwedi baka pag nalaman niyang si kuya ang kikitain ko ay ipagpipilit niya bigyan ito ng pera. Ayoko namang mangyari yun.

"M-mag tataxi nalang ako."i said saka na tumayo at inayos ang damit.

"Is there a problem?" He asked.

"Wala namang problema, kaya please wag mo nang ipagpilit na isama ang mga bodyguards mo. Kaya ko naman na ang sarili ko tsaka lagi kong dala yung stun pen na ibinigay mo sakin." Sabi ko at ipinakita iyon.

Alam kong nagdududa ito pero siniguro kong hindi niya ako mabubuking.

"Is that so? Okay then you can go. Just go home before 6pm." Paalala nito.

Nginitian ko siya saka tumango.

"Text nalang kita pag uuwi na ako." Sabi ko na tinanguan niya naman saka siya bumalik sa lamesa niya para tapusin ang ginagawa.

Umalis na ako sa opisina niya saka nagtungo sa lamesa ko para ayusin ang gamit at nang makaalis.

"Oh? Uuwi kana di ba sasama asawa mo?" Tanong ni Arya sa malakas na tinig.

"Mamaya pa siya uuwi tsaka may pupuntahan pa ako, sige aalis na ako Arya!" Sabi ko saka na umalis sa building at pumara ng taxi papunta sa address na binigay ni kuya sa akin.

Mahigpit kong hawak ang bag na dala ko pati na ang cellphone ko nang mag ring ito.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Nandito na ako, nasan kana?" He asked.

"Papapunta palang kuya." Sabi ko.

"Bilisan mo! Ayoko nang pinaghihintay ako." Sabi niya.

"Opo." Sabi ko.

Naputol ang tawag kaya naman ay mahigpit kong tiningnan ang address na nasa message ko galing kay kuya.

WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon