WALANG TIGIL SA PAGTIPA SA keyboard ang mga daliri ni Luna. Tuloy-tuloy lang ang daloy ng mga ideya sa utak niya para sa bagong article na isinusulat niya sa kanyang journal. Ang journal na iyon ang pinaka-diary niya ng mga idea na ilang taon na rin niyang ginagawa sa kapag tinatamaan siya ng inspirasyon sa pagsusulat. Tatlong taon na siyang editor sa sikat na lifestyle and fashion magazine sa publication company na iyon. It was her third job matapos maka-graduate sa college at doon nabuo ang pangarap niyang isang araw ay makikita rin niya ang pangalan niya sa isa sa mga feature articles doon. For years she was honing her writing skills, secretly learning from the articles that she had been editing. At sa pagsusulat nga sa 'journal' niyang iyon ang ginagawa niyang practice sessions niya. Minsan na niyang ipinabasa ang ilang articles sa mga kaibigan niya at sinabi ng mga ito na ipasa na nga raw niya iyon sa editor-in-chief nila. Hindi lang niya ginawa dahil pakiramdam niya ay hindi pa ganon kaayos ang mga articles niya—
"Luna, ipinapatawag ka ni Boss sa opisina niya."
Hindi lang niya ginawa dahil pakiramdam niya ay hindi pa ganon kaayos ang mga articles niya. Maybe someday. Maybe one day. Pero sa ngayon, patuloy siyang mag-aaral sa kung paano magsusulat ng mga articles na papatok—
"Hoy, Luna. Narinig mo ba ako? Ipinapatawag ka ni Boss."
Pero sa ngayon, patuloy siyang mag-aaral sa kung paano—
"Luna, ano ba?"
...patuloy siyang mag-aaral sa kung paano—
"Aray..." Hawak ang nasaktang balikat, nilingon niya ang pumalo sa kanya. Those things that she had been trying to block out from her memories by putting all her thoughts on her writing, just came flooding back in. Walang habas na naman siyang nasamid.
Inabutan siya ng ka-trabaho ng mug ng tubig na hawak nito. "Okay ka lang?" Tumango lang si Luna saka umiling para tanggihan ang alok nitong mug. "Sorry kung napalo kita. Kanina pa kasi kita tinatawag, parang wala kang naririnig."
"O-okay lang." Malakas siyang tumikhim para maibsan kahit paano ang pangangati ng lalamunan niya. "Bakit mo nga pala ako tinatawag?"
"Utos ng boyfriend mo."
"Ha?"
"Si Boss. Pinapapunta ka sa opisina niya nun sekretarya niya."
Inihit na naman ng ubo si Luna. Kinuha na niya ang mug ni Linda at nilagok ang laman niyon.
"Pumunta ka na at nang makabalik na ako sa puwesto ko. Mamaya mahuli pa akong nakikipagtsismisan dito." Tumingala si Linda sa apat na sulok ng kisame ng editorial department. "Nagpakabit siya ng mga CCTV cameras para ma-monitor niya ang galaw ng mga empleyado niya. Sino kaya ang nag-tsismis sa kanya sa past time ng mga tao rito everytime na wala rito sa opisina si Mr. Samonte?"
"Hindi ako!"
"Alam ko," nakangiting baling uli sa kanya ni Linda. "Hindi ka naman kasi tsismosa gaya ng karamihan sa mga empleyado rito. Pero salamat na rin sa boyfriend mo, hindi na ako maaasar sa walang katapusang tsismisan ng mga tao rito. Tingnan mo, nagtatrabaho na sila ngayon sa mga cubicles nila imbes na nagpapagala-gala at naghahanap ng mapagtsitsismisan. Speaking of which, babalik na rin ako sa puwest ko at baka masesante ako kapag nakita ako ni Boss na ang tagal na nakatayo rito. By the way, ang suwerte mo sa boyfriend mo."
"Hindi ko siya—"
"Itago mo siya nang husto kung ayaw mong may ibang higad na umagaw sa kanya."
"Hindi nga sabi..." But Linda was already walking away.
And Luna was left with memories of the man who just turned her world upside down a few minutes ago.
'I'm Juan Miguel Antonio Laxamana...I'm also Luna's long-time boyfriend.'
BINABASA MO ANG
Stupid Love (Completed)
RomanceFirst loves were supposed to be great, right? But hers just ended in a messy disaster. And it was all because of that one guy. Luna: "Juan Miguel Antonio Laxamana. I will never forgive you." Juan Miguel Antonio Laxamana : "...I'...