CHAPTER 7

263 17 0
                                    

Vera.

   "HAPPY birthday Maya!" sabay-sabay naming bati sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Levon. Napangiti ako sa inakto nito at mas lalong lumapit sa kaniya.

"Thank you Kuya Keith sa cake!" masayang sambit ni Maya. Kanina pa ito tuwang-tuwa sa mga regalo ni Levon. Bukod kasi sa regalo ni Levon na cake ay ibinigay pa talaga nito ng napili naming big doll house para kay Maya. Ayun at pinagyayabang na niya sa mga kalaro niya.

"You're welcome lil girl. Ingatan mo lagi si Ate Vera mo ah, tiyaka always be a good girl."

"Oo naman Kuya Keith. Lab ko po si Ate Vera!" bungisngis na sagot nito kay Levon.

"Kiss mo nga ako." ani nito at narinig ko ang matunog na paghalik ni Maya sa pisngi ni Levon na nagpahagikhik sa akin.

  Simple lang naman ang handa ni Maya. Nagpa-pancit lamang si Aling Maymay at ang iba naman ay dala na ni Levon.

"Ate Vera, salamat din." puno ng sinseridad na pasalamat ni Maya. "Salamat din dahil nakilala natin si Kuya Keith."

  Naramdaman ko ang pagyapos sa akin ni Levon. "Naku, nagdra-drama na naman kayong tatlo diyan. Mabuti pa at kumain na muna kayo." ani ni Manag Maymay na nagpatawa sa amin.

   Sinubuan ako ni Levon ng pancit at pinainom ng juice pagkatapos. Nagkwentuhan kami tungkol kay Maya noong bata pa siya. Malungkutin pala dati si Maya. Naging emosyonal pa si Aling Maymay noong ikwinento niya kung paano nagpapasalamat na nakilala din nila ako dahil ako na ang tumayong ate ni Maya. Isang hapon ang ama ni Maya ngunit iniwan na sila nito. Babaero ito kahit pamilyadong tao na.

   Natapos ang handaan at gabi na kaya nagpasyang matulog na lamang dito si Levon. Siya ang matutulog sa sala.

  Habang nag-aayos ako ng higaan ko sa kwarto ko ay nakarinig ako ng katok.

"Pasok." maikling tugon ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Unang amoy ko pa lang, alam kong si Levon na ang nasa harapan ko.

"Vera pwede ba kitang mayayang lumabas? Sa may dalampasigan lang tayo."

  "Sige. Hintayin mo ako sa labas ng pinto." nakangiting sagot ko. Buo naman ang tiwala ko kay Levon na walang mayayaring masama kung sasama ako sa kaniya.

   Nagpalit ako ng damit na mahaba-haba ang manggas. Mahamog na kasi sa dalampasigan ng mga ganitong oras.

   Tinahak ko ang daan palabas at napanatag nang hawakan na ni Levon ang kamay ko. Sabay kaming umupo sa may dalampasigan.

"Vera can you describe me?" Aniya.

Bahagya akong natigilan at pinahilig ang ulo ko sa balikat niya. Ano nga ba?

"Para sa akin uhm, perfect ka? Hindi ko alam. Sabi nila nobody is perfect pero kapag naaalala ko lahat ng ginawa mo sa amin ay nasasabi ko na lamang na maari palang mag-exist ang isang taong katulad mo. Iyong taong almost perfect."

Napabuntong hininga si Levon at inakbayan ako.

"Iyon ba talaga ang tingin mo sa akin?"

Tumango ako sa kaniya.

"Paano kung hindi naman ako ganun? Paano kung hindi  ko kayang mapasaya ka habang-buhay. Paano kung iiwan pala kita pagkatapos nang lahat ng ito?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit naman niya ako iiwan?

"Ano ka ba Levon? Bakit parang iiwan mo naman ako?"

"Tinitignan ko lang kung anong reaksiyon mo kung sakaling iwan kita."

My Heart Knows [✔]Where stories live. Discover now