The True Me

0 0 0
                                    

"Ah Jin alis muna ako saglit hehe"sabi ko sabay takbo. San ko kaya yun nawala?Naghanap ako sa labas kung saan ako nang galing kanina pero wala yun don, hanggang sa pumasok ako sa loob ang daming tao kaya naisipan ko na lang na gumapang para makita kung nasan yun

Pero may naramdaman ako basa sa likod ko kaya tumayo ako, nakita ko naman Si Choi Yuna ang ganda niya"Oops!"sabi niya Sabay ngisi.Teka sinadya niya ba to?"Sorry bat ka kasi gumagapang dan ipis kaba?"sabi niya, Aba mayabang to ah, magsasalita na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko at paglingon ko nakita ko Si Jin

At dinala niya ako sa isang room"Ang dumi na ng damit mo dahil natapunan ka ng wine magpalit ka muna ng damit, Sowon!"sabi ni Jin.
"Yes!?"sabi nung babae na bigla na lang sumulpot, Baka siya yung Sowon, "Pakipalitan nga siya ng damit at pagkatapos ikaw na ang bahala sa kanya,okay?"sabi ni Jin."Okay!"sabi ni Sowon, "T-teka ano-"sabi ko ngunit pinutol Ito ni Jin,"Hayaan mo na Si Sowon siya na ang bahala sayo, don't worry mabait naman siya,napatango na lang ako

  "So Tara na?"sabi niya, nagnod na lang ako, mukha naman siyang mabait at maganda pa, maya maya pa at natapos na ang pag aayos niya sakin, tinanggal niya rin yung salamin ko at minake upan niya rin ako, pagtingin ko sa salamin nagulat ako, di ko nakilala ang sarili ko, ang ganda ko!!!!#OAof the year!hahahaha

Paglabas ko nagpunta na kami ni Sowon sa pinuntahan ko kanina kung saan ako natapunan ni Choi Yuna ng wine, lahat ng nakakasalubong ko tumitingin sakin, Ganon bako kaganda?o Ganon lang ako kafeeling?hahaha,pero seryoso nakatingin talaga silang lahat

  "Ms. Eunha ang ganda mo pala pag naayusan!"sabi ni Jhope,"Thank you hehe"nahihiya Kong sabi,"Yes napaka elegante mong tingnan sa ganyang dress Ms. Eunha"puri ni Namjoon,"Thank you din"sabi ko at nagsmile,"Huwag kang magsmile Ms. Eunha Baka himatayin nako sa kilig"sabi ni Suga, haha nakakatuwa naman sila

  Napatingin naman ako Kay Jungkook na nakatingin sakin habang nakanganga,ahaha Parang timang,"Tsk!di naman siya ganon ka ganda, nagmuka lang namang tao"sabi ni Jungkook,"Salamat po huh!!!??"sabi ko

"By the way sumama ka na lang samin Hermione pupunta kami sa bar nitong hotel"yaya ni Namjoon,"Sige Tara"sagot ko,
Pagkarating namin umorder na sila,"Anong sayo Eunha?wag kang mag alala libre ko to"sabi ni Suga,"Ahh Hindi ako umiinom ng alam eh hehe"sagot ko,"Sige ako ng bahala ioorder na lang kita ng iba, OK?"sabi niya, "Okay"sabi ko

  "Oh Eunha eto na lang inumin mo"sabi ni Suga."Salamat Suga"sabi ko, Di ko alam kung Anong ibinigay niya sakin pero ininom ko na lang, Maya Maya nakaramdam ako ng hilo, naikot ang paningin ko ah, wait nandidilim na ang panongin ko, unti unti na akong natumba at ang huli Kong nakita ay Si Jungkook

Loving You Makes Me Really CrazyWhere stories live. Discover now