FINALE: Version 2.0

2.1K 12 0
                                    



Sam's POV

Its been a year since yung nangyari sa amin ni Joshua. Yes, you read it right. Isang taon na akong single. Himala. Babait din pala ang dating malandi. Pero pag may lalaki. Lalandi na? Joke. Hahahaha



"Uy Sam. Working hard? Desidido talaga?" Sabi sa akin ni Antonette. New friend ko. In short Gym buddies kami.


Hahahahaha. Tama kayo. Naggigym ako. Gusto kong pumayat. Gusto kong pagsisihan nila kung sino ang pinakawalan nila.

"Yes Tonet. Hahaha. Kailangan kong pumayat at magpaganda. Sobrang taba ko na dahil sa stress eating. Hahaha." Parehas kaming chubby ni Tonet. Kaya eto kami. Ang bonding namin is paggigym. Hahaha.

Two months na kaming naggigym at nakakatuwa dahil 15 kilos na agad ang nababawas sa akin. Hindi na kase ako kumakain madalas ng softdrinks, baboy, fastfood. Lahat ng madaling makataba iniiwasan ko na.

Maraming nakapansin na pumapayat ako. Gusto ko pang ipagpatuloy. Yung sakto lang. Ayoko naman ng masyadong sexy. Baka mag laway na sila.

Si Oliver? Hanggang ngayon walang girlfriend. Ako lang ata ang tangang pumatol sa itsura niya. Hahaha.

Si Joshua? Staying strong ang relationship nila ni Ate Yam. Happy naman na ako sa kanila.

Nakamove on naman na ako kahit papaano. Ilang months din akong umiyak. Nakakapangsisi lang kase ang bad influence nila sa akin. Sana nakapag aral man lang ako ng mabuti.





"Beshy. Tara ng umuwe. Medyo maggagabi na rin." Yaya sa akin ni Tonet.

"Oo sige. Tara na." Gumayak naman kami para makauwe na. Halos dalawang oras na rin kase kaming nasa gym.

"Pero kamusta ka naman?" Out of nowhere niyang tanong.

"Seriously? Hahahahha. Okay lang naman ako noh. Strong na ako." Natatawa kong sagot sa kanya.

Totoo naman kase eh. Masaya naman na ako eh. Ang saya pala kapag sarili mo ang minamahal mo.

"Oo na besh. Sige na. Parehas na tayong masaya. Baka kase di ka pa kako nakakamove on." Seryosong sabi ni Tonet.

Tinawanan ko na lang siya. Nakamove on na kaya ako noh. Hahahahahaha.



Nang makarating kami sa sakayan ay nagpaalam na kami sa isat isa para umuwe.

Hay. Ganito pala ang pakiramdam ng walang boyfriend. Nakakamiss din pala. Hahahaha. Ang sarap sa feeling na masaya ako dahil mahal ko ang sarili ko.

Friends? Madami na ako niyan ngayon. Hopefully, sana mababait na sila.




Excited na ako kay Samantha Lorraine  Santos Version 2.0. Hanggang sa muli.



--

May book 2? Ahm. Malalaman niyo next Chapter.

Flirt Sam vs. Good SamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon