- B I N Y A G -

2 0 0
                                    

One Shot – #12

❝Asan ka na ba Maria? Ano mag nininang ka ba talaga sa anak ko o hindi?❞

Agad napabalikwas ng bangon si Maria dahil sa pag aalburoto ng kaibigan sa kabilang linya.

❝Papunta na kami sa simbahan, Ikaw tapos ka na ba maghanda ano papunta ka na ba?❞

❝Ah, oo papunta na ako. Kita nalang tayo sa simbahan mamaya.❞

❝Alas 10 mag uumpisa kaya wag kang kupad kung ayaw mong lagasin ko yang buhok mo babae ka.❞

❝Grabi siya, papunta na nga e. Sige na babye na.❞

Agad niya binaba ang tawag at agad agad naligo na umabot lang ng 10 minutos, nag ayos ng sarili simpleng lipstick lang at blush on ang kanyang nilagay. Sinoot na niya ang kanyang bagong bili na dress na kulay dirty white na hanggang tuhod niya.

❝Manong sa may Looc Cathedral nga po.❞

Nagmamadaling sumakay agad si Maria sa trisikel, naaasiwa man sa panaka-nakang pag sulyap ng trisikel driver sa kanya ay isinawalang bahala nalang niya. May 20 minutos nalang siya bago mag umpisa ang seremonyas ng binyag.

❝Ang tagal mo Maria hA, at bagong ligo ka aba! sinasabi ko na nga ba kagigising mo lang kanina pag tawag ko at bakit ganyan ang soot mo? Bat baliktad ang dress mo?! My God! nakakahiya kang gaga ka!❞ may pagkabahalang mahina na pagkasabi ng kaibigan sa kanya bago siya kinurot siya ng kaibigan sa may singit.

Agad naman siyang napatingin sa soot niya at tama nga baliktad nga yung pagkasoot niya, ang dapat na nasa harap ay nasa likod niya. Napakagat labi siya sa pagkapahiya.

❝At tsaka nakapag soot ka ba ng panty mo ha Maria o kaya ay short? Bakit parang wala kang soot? Pagkakurot ko sayo kanina wala akong ibang maramdaman na tela bukod sa tela ng soot mo na dress!❞

Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at napagtanto niyang wala nga siyang soot. Tumango nalang siya sa kaibigan.

❝Jusko! Ano bang pinag gagawa mong babae ka?! Umuwi ka nalang nga muna, wala pa din naman ang pare e. O kaya'y pumunta ka muna sa malapit na mall o tindahan na may mga panindang mga damit lalo na panty. Pero ayusin mo muna damit mo. Sorry Lord! Pero tangina mo Maria.❞ natatawang mahabang sabi ng kaibigan niya sa kanya.

— StarGalexia

Random One Shot Stories Where stories live. Discover now