CHAPTER ONE

65 3 0
                                    

Date Started: June 28, 2018
.
.


LUNA'S P.O.V.
"Luna!" napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Ang Ate ko pala.

"Ate Selena!" niyakap ko siya ng mahigpit and she did the same. Namiss ko siya ng sobra!!

"How's the trip Ate?" tanong ko. Pinuntahan kasi nila ang limang kaharian sa mundo namin. Bukod sa Moon Kingdom, may lima pang kaharian dito. Sad to say, hindi ko pa nakikita ang mga kaharian ng iba't-ibang elemento.

"Okay lang naman. Maayos ang pamamahala ng kanya-kanyang kaharian." pagkwento niya.

"Sana kasama ako kanina. Gusto kong makita ang ibang kaharian!" sabi ko at nagpout medyo. Inayos naman ni Ate Selena ang buhok ko.

"Pero hindi ka pinayagan ni Inay, tama ba ako?" tanong ni Ate Selena. Tumango naman ako.

"Papayagan ka rin niya sa tamang panahon." sabi niya sa akin at tinignan ako sa mga mata.

"Well I guess it's okay, right? It's better than never. I'll wait patiently." I said with a smile. Napasmile na din si Ate sa sinabi ko.

"Good girl!" sabi niya tapos ginulo ang buhok ko.

"Hindi po ako aso." malabiro kong sabi.

"Bakit? Sinabi ko bang aso ka?" tanong niya.

"Sabi ko nga po. Hindi mo sinabi." sumuko na ako. Hindi magpapatalo itong si Ate eh. Kahit anong gawin ko, ayaw niyang magpatalo.

"Mga prinsesa! Tawag po kayo ng mahal na reyna." yung isang servant namin ang nagsabi. Tumayo na kami ni Ate at pinuntahan na si inay. Bakit niya kaya kami ipinatawag?

.
.
.
.
.

RAIDEN'S P.O.V.
"Yow Thunder man!" napatingin ako sa nagsalita. Si Sky pala. Kasama niya sina Terran at Phoenix.

"I told you, don't call me that!" naiinis na sabi ko. Ang hilig talagang mang-inis ni Sky.

"Sky, huwag mo nang tawagin si Raiden ng ganun." sabi ni Terran.

"Aish! Ang bait mo talaga Terran. Kahit kailan!" sabi ni Sky at ginulo ang buhok ni Terran.

"Oh! Phoenix ba't tahimik ka ngayon?" tanong ni Sky.

"Kailan ba naging maingay yan si Phoenix? Eh nung mga bata pa tayo'y sadyang tahimik na yan eh!" sabi ko. Si Phoenix naman ay tumingin ng bahagya sa amin pero binaling ulit ang attention sa iba.

"Ay teka! You have a special visitor." biglang litanya ni Sky kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino naman?" tanong ko.

Biglang gumalaw ang tubig at naging isang Water Dragon. Di kaya-... andito siya?!

"Princess!!" sigaw ni Terran tapos nilapitan si Cordelia. I can't believe it! She's here!

"Oh! Terran kamusta ka na?"~Cordelia

"Ok naman Princess! Ikaw?"~Terran

"Dahil okay ka, okay na rin ako!" sabi ni Cordelia at nag-apir kay Terran. Tapos kinamusta niya si Phoenix pero wala lang ito. Nagsmile lang ng konti ang loko at ayun! Tapos kay Sky ay kumaway siya then she looked at me. I miss those blue green eyes.

"Miss mo ko no?" palabiro niyang tanong. Namiss ko siya SOBRA! Yung kakulitan niya, yung tawa niya and etc.

Nacurious siguro kayo kung bakit namin siya tinawag na 'Princess'. Ito'y dahil gumawa kami ng grupo at ang tawag sa amin ay E5 o di kaya'y 'The Element Five'. Tapos siya lang naman ang babae sa grupo namin kaya tinawag namin siyang 'Princess'.

The Daughter Of The Moon[On-Going]Where stories live. Discover now