Chapter 4 - P.E. CLASS INTERRUPTION
#7 (Bea's POV)
3 days past...
Ayun ganung set up pa rin..... lagi kong nakikita yung asungot na yun... 5 days a week Tsk!! sira na talaga araw ko sa bwisit na yun... lagi syang nambwewesit, lagi syang nang-aasar.... teka, pareho lang ata yun ah... ah basta lahat na ng kasamaan ng ugali nasa kanya na....
Kakainis sya... bat nabuhay pa sya sa mundong ibabaw?? Psshh!!
Buti na nga lang at nagawa nya yung report namin at kung hindi talagang matitikman nya ang galit ko......
By the way, P.E. class namin ngayon at nandito kami sa Gymnasium at syempre nandito na naman si Asungot at katabi ko pa.... ang ingay ingay naglalaro kasi sya sa ipad nya ng floppy bird, ang lakas pa naman ng sounds rinig ata sa buong gym.....Tsk! mapagalitan ka sana....
At ayan na nga po yung Instructor namin...
nakatingin na sya sa direksyon namin....
Ayan na papalapit na sya sa amin...... at wala syang kamalay-malay na nasa harapan na pala nya si Ma'am Cabrejas at nakatitig sa kanya....
Hahaha I smell good for today.... wahahaha
Kaya lang, for sure ma-iinterrupt na naman ang klase namin dahil sa kanya.... ayaw pa naman daw ni Madam ng ganung klase ng estudyante....
Well, I guess lahat naman ng Teacher ganun ang ayaw ehh. haha ang adik lang kung gusto nila na pasaway ang mga students nila....... sila na ang weird pag ng ka ganun. Hahaha
"Mr. Anderson!!" biglang natigilan ang aking pag-iisip ng marinig ko ang nakakatakot na boses ni Ma'am.... ang lakas kasi talaga ng sigaw nya ehh nag eecho pa sa buong Gymnasium.... Waahhh! nanlilisik na mata ni Madam.
Bigla syang napalingon sa may stage kung saan si Ma'am nakapwesto kanina.... kaso nga nasa harapan nya diba?? haha tanga lang.
"ARE YOU LOOKING FOR ME!!!!!" lahat kami ay talagang nagulat sa sigaw ni Ma'am..
Hahaha agad naman syang napalingon sa pinanggalingan ng boses ni Ma'am..
"Ayy Ma'am nandyan po pala kayo.... hinanap ko kayo dun per-"
"Mr. Anderson, hindi ako nakikipag biruan sayo... at lalong hindi rin ako nakikipagtaguan sayo. so, give me your ipad..." ang lakas talaga ng boses ni Ma'am..
"Per-"
"NOW!!!"
"Eh. sabi ko nga po ito na po oh..." Tss... bwisit talaga tong asungot na toh noh?? galit na nga si Ma'am nakuha pang magbiro....
"Okay!!! that's all for today. see you next week and be ready for your chapter test. Goodbye class."
Lahat kami ay talagang nawindang sa sinabi ni Ma'am..... chapter test na kagad?? so, ibig sabihin kelangan talaga naming mag self study.
Tsk! kasalanan toh ng bwisit na lalaking katabi ko kanina.... ang gulo gulo kasi eh... ngayon hinahabol nya si Ma'am para sa kanya ipad.
Wag na sanang ibigay ni Ma'am para naman matuto sya ng konti.... wala kasing self discipline ehh.....parang high school pa rin kung kumilos.
#8 (James POV)
I am so excited kasi P.E. class na namin....
For sure wala namang masyadong discussion kasi nga P.E. lang naman yun....
Busy si Ma'am sa pag checheck ng attendance... natawag na mana ako kasi nga letter A ako, ako ang nasa top.
Haha makapaglaro nga muna sa ipad ko.... speaking of Ipod bagong bili pala toh ni Ate galing US at first time ko tong gagamitin ngayon...
Adik na adik talaga ako dun sa Floppy bird.... haha enjoy yung larong yun.
Nag eenjoy talaga ako sa larong toh saka ang cute ng sound nya kaya naman naka sagad ang volume nitong ipod ko..... Wooh! Enjoy na enjoy talaga.....saka isa pa katabi ko si Bea my crush, hahaha
But suddenly, someone interrupt me on what I'm doing.... badtrip talaga!!
"Mr. Anderson!!" tinawag nya pa name ko, agad naman akong napalingon sa may stage kung saan naka pwesto si Ma'am.... mahirap na baka narinig pa sya ni Ma'am tapus mahuli pa ako na ginagawang game zone ang Gymnasium na kung saan kami nagkaklase ngayon.
*BOOGSSHH* (A/N - tunog ng pagbangga ng floppy bird)
Putek!! game over na lang ako.... sayang yung 268 score ko Tsk!!
Pero, teka lang.... asan si Ma'am??
Wooooh!! pagkakataon nga naman..... wala si Ma'am??
Ah baka lumabas....hahaha Eh di great!! :PP
"ARE YOU LOOKING FOR ME!!!!!" Woaahh!! bigla akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Ma'am.
Takte yan muntik ko pang mabitawan yung Precious and oh so brand new Ipad ko na dala ni ate from US.
"Ayy Ma'am nandyan po pala kayo.... hinanap ko kayo dun per-" Waahh! hindi na ako pinatapus ni Ma'am magsalita, kakatakot sya!!!
"Mr. Anderson, hindi ako nakikipag biruan sayo... at lalong hindi rin ako nakikipagtaguan sayo. so, give me your---" this time sya naman ang hindi ko pinatapus magsalita.... kala nya huh?!!
"Per-" at ayun ginantihan ako.
"NOW!!!" - Ma'am P.E.
"Eh. sabi ko nga po ito na po oh..." no chOice kaya binigay ko na lang.... napansin ko kasing pati mga classmates ko at lalong lalo na si Bea ay ang sama na naman ng tingin sa akin. Tsk! badtrip talaga!!!
"Okay!!! that's all for today. see you next week and be ready for your chapter test. Goodbye class." and with that umalis na sya....
whoahh!! lahat sila ay nagulat sa sinabing yun ni Ma'am pero ako wa akong care dun basta gusto ko lang makuha yung ipad ko..... brand new pa yun ehh.... wala pang gasgas ni wala pang isang oras kung nagagamit yun eh tapus makokolek lang??
Sinundan ko talaga si Ma'am until makarating sa office nya......
"M-Ma'am...." ako yan, Tsk!
"What's with you Mr. Anderson??" sabi nya habang nagbabasa nung module na iwan ko kung yun yung mudule na ginagamit na namin, like I don't care....
"Ma'am, can I get my Ipad...-" sabi ko habang nakatingin sa kanya... leche yan di man lang bumibitaw sa pag babasa sa module nya.
"NO!!" diretsong sabi nya na para bang sa kanya yun... Aishh!!
"Pero, Ma'am brand new po yun eh di ko pa ma...-"
"What do you think you are saying Mr. Anderson???" finally inalis din nya ang attention nya sa pagbabasa at this time nakatayo na rin sya at ang sama na naman ng aura nya... nakakahiya na tuloy sa ibang Professor na nandito.
"Kas...-"
"You're using your gadget in the middle of our class. so, what do you expect me to do??"
"Ico-collect po...." sabi ko habang nakayuko... putek!! ang lakas ng boses ni Ma'am ehh as in sigaw na yung gawa nya and with that we caught the attention's of everyone here in the faculty office..... WTF!!
"SEE?? ikaw na mismo nag sabi.... so, ano pang ginagawa mo dito?? nasa handbook yan ng university'na ito.nagbabasa ka ba Mr. Anderson?? and even though mga elementary student alam ang rule na yan."
"I'm sorry po..." sabi ko sabay alis na sa mala impyernong faculty office na yun.... kabastusan mang hindi ako nagpaalam, eh pake ko.....Tsk!! asar lang.
#SWEETMALDITAH_XD/LHYNNMERCADODAR#

ВЫ ЧИТАЕТЕ
Forevermore ✍
Художественная проза(Unedited) PROLOGUE: Naniniwala ka ba sa forever?? May Forever ba talaga?? Yan ang usong tanung ng mga kabataan sa panahon ngayon at minsan na rin akong natanung nyan... ngiti at tipid lang ang sagot ko sa kanila.. "EWAN KO" sa totoo lang isa di...