Chapter 29

926 24 2
                                    

Kaila's POV

A-Aray!

Napasalampak ako sa sahig dahil.....

Hindi ko napansin na may tao palang nakahiga dito at natilapid ako.

=___=

Sino ba naman kaseng klaseng nilalang ang matutulog sa sahig ng Library?!

Sino paba?! Edi ang magaling na si.....

"HANS?!" sigaw ko.

Aray, ang sakit ng pwet ko! Argh!! Habang si Hans, ayun! Tulog pa din ang loko! Kainis!

"HANS! GUMISING KA JAN!!!" pabulong kong sigaw, gets nyo?

"Mmm ano ba? Bat kaba nang-gigising?!" iritang sagot nya.

"Tingnan mo! Natilapid ako sayo! Bakit ba kase sa gitna ka natutulog!!" sigaw ko ulit.

"Eh masarap matulog sa sahig e, malamig." poker face nyang sagot.

"Tingnan mo nangyare sakin! Ang sakit sakit ng pang-upo ko! Bwisit ka." inis kong saad.

"Anong alam ko? Tulog nga ako diba? Tch." sabi nya at tumayo na.

Tingnan mo 'tong kupal na 'to! Bwisit talagaaaaa di man lang ako tutulungan makatayo!

Kinuha na nya yung bag nya at umalis na.

Bwisit talaga. Sinubukan kong tumayo kaso.....

"Arrgh!" ang hirap! sakit sa pwet, namanhid pa yung paa ko. Masama ata pagkalagpak ko. Kainis!

"Tch. Lampa." sabi ni Hans at bigla akong binuhat.

*Dug dug* *Dug dug*

Ano na naman nangyayari sakin? Kalma.

"Bat ka bumalik? Tsaka teka nga, san mo ko dadalhin? May inutos pa sakin si Miss Reyes!" sabi ko.

"Ang dami mong tanong. Sa Clinic kita dadalhin. Manahimik kana." sabi nya.

"Pero-----"

"Manahimik kana." sabi nya. Oo na po, ito na nga. Mananahimik na. Bwisit.

"Ohmygee! Bakit sya buhat-buhat ni Prince Hans?"

"Dont tell me---"

"Ano ba! Mali yang iniisip mo Kylie okay?"

"Okay okay, fine. Easy."

Mga bulungan nila. Hay tsismis na naman 'to panigurado.

Nakapunta na kami sa School Clinic. Binaba nako ni Hans sa kama.

"Paki-check nung paa nya. Masama yata yung pagkatapilok." utos ni Hans.

Tiningnan agad nung Nurse yung paa ko.

"Saan pong part yung masakit?" tanong nung Nurse, tinuro ko naman kung san banda.

"Namamanhid po ba?"

"Yes po."

Naalala ko yung inutos ni Miss Reyes. Kailangan ko palang bumalik sa room!

Akmang tatayo nako ng pinigilan ako ni Hans.

"And where do you think you're going?" tanong nya.

Ang Probinsyana'ng Babae Meets Mr.WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon