50th Hooked

93.1K 2.5K 454
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Czarina Leahlaine Pasilan. Happy reading!
------------

WARNING: SPG

Sa akin lang dapat

Nanatili rin naman kaming dalawa sa malapad niyang sofa rito sa sala pagkatapos kumain. Hawak ang isang cup ng ice cream, iyon ang kinakain ko habang nanonood kami ng palabas. Ang aking mga hita ay nakapatong sa isa niyang hita habang ang kanyang braso ay nasa aking likuran at nakaakbay roon.

"Ang gwapo naman noong bida... ang hot," pamumuri ko sa isang hollywood actor na bida roon sa In Time. Mabilis na dumilim ang kanyang mga mata kasabay ng pagtalim noon sa akin. Dinilaan ko ang hawak na kutsara na ikinatingin niya roon sandali bago ako humagikhik sa kanyang naging reaksyon.

"Pag napanot ka, siguro ganyan ka rin ka hot..." pang-aasar ko.

Umiling lamang siya at ibinalik ang tingin sa malaking tv. Nakaramdam ako ng lungkot nang hindi na nito nabigyan ng oras ang kanyang ina at namatay sa mismong harapan niya dahil sa estado rin ng kanilang buhay. Oras ang nagiging basehan kung ano ang magiging estado mo sa lipunan. Nahahati ang kanilang populasyon sa mga mayayaman at mahihirap. Iyong mayayaman ay kayang mabuhay ng matagal base narin sa suot nilang oras sa kanilang sarili.

"Iyan na ata iyong patunay sa katagang 'time is gold'" komento ko pa at sumubo muli ng ice cream.

"Ano bang pagkakaintindi sa katagang iyan?" tanong niya sa akin. Sandaling nahulog ang aking tingin sa daliri niyang humahaplos sa aking paa at dinadaanan iyon ng nakakakiliting galaw.

"Hmm," inilagay ko ang kutsara sa pang-ibabang labi habang ang aking mga mata ay nasa ibabaw na ang tingin at doon naghahanap ng maisasagot.

"Siguro... iyong h'wag mong aksayahin ang oras mo sa mga bagay na wala namang kinalaman sa'yo. Na limitado lang ang oras mo sa mundo kaya gamitin mo iyon ng maayos." sagot ko at ibinagsak ang tingin sa mga mata niyang malalim ang paninitig sa akin.

"Eh ikaw?" tanong ko.

Binasa niya sandali ang pang-ibabang labi at ibinalik ang tingin roon sa palabas.

"Time is gold when you're with that special person. Doon mo lang mapapahalagahan ang bawat sigundo ng oras mo dahil hindi mo naman mahuhulaan ang mangyayari bukas. Baka paggising mo... wala na pala siya sa tabi mo." naging malungkot ang boses na iyon at parang may pinanghuhugutan sa salitang binibitawan niya.

Misteryoso talaga ang tingin ko sa mga Buenaventura at hindi na ako magtataka kung ba't may mga salita silang binibitiwan na mapapaisip ka ng husto. Iyong kahit kilalanin mo man sila buong buhay mo ay hindi mo parin sila makakabisado dahil ipapakita lang nila ang mga gusto nilang makita mo sa kanila.

"Masakit nga ang ganoon," sagot ko at itinuon narin ang tingin sa palabas.

"I've been in hell these past 6 years..." pabulong niyang sabi na hindi nakaligtas sa aking tenga.

He sighed heavily as his eyes darkened with something foreign to me. Para iyong binalot ng madalim na lungkot at ni isang liwanag ay wala kang mahanap.

"It's hard to breathe everyday knowing you lost someone you cherish the most..." Umawang ng kaonti ang kanyang mga labi at suminghap ng hangin. Nilingon niya ako, ang kalungkutan sa mga mata ay yumakap narin sa buong mukha niya at mas lalo lamang nagiging misteryoso.

"If you plan on leaving me this time, I assure you... you'll learn it again in a hard way and you'll never get away." May pagbabantang pagkakabitaw niya na ikinalunok ko lalo na't naririnig ko ang katagang "tuso ang angkan nila" na mas nagbibigay lang ng takot sa akin.

H O O K E D (NGS #1)Where stories live. Discover now