Chapter 2: Their paths crossed

4.3K 106 19
                                    

August 17, 2014

GOLD RISING 3 at SM SAN LAZARO

10 AM start na ng selling of books. 1 PM start ng program. Pupunta ako at ang iba pang Gold authors. Grab a copy of  my books:

1. MY CASANOVA HUSBAND (COMPLETE) -185

2. COURTING MY FUTURE HUSBAND (VOLUME 1) -195

==

Chapter 2

Kinausap ko si Joseph, ang secretary ni Mommy para tulungan akong malaman kung ano'ng oras ng flight ng Time Machine Band patungong Boracay. Hindi ko siya mapapayag noong una. Mabuti at nagbago ang isip niyang tulungan ako dahil sa pangungulit ko. Alam niyang hindi ko siya lulubayan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Ipinangako ko sa kanyang hindi ito malalaman ni Mommy at hindi siya masisibak sa trabaho.


I am wearing a simple short and blouse. Tinernuhan ko ito ng paborito kong rubber shoes. Sa wakas ay malaya kong maisusuot ang mga gusto kong damit ngayon. Pagkatapos ng anim na buwan ay siguradong matatali na talaga ako sa business namin. Ultimo pananamit ko ay kontrolado na niya.


Nang makasakay ako sa eroplano ay luminga-linga agad ako sa mga taong nakaupo na sa kanilang seat. Hinahanap ko kung nasaan na ang Time Machine Band. Gusto ko lang talagang makita si Tristan Dela Rosa bago ako maghanap ng magiging trabaho. Gusto kong malaman kung anong klaseng ugali meron siya. Kilala ba niya ako o hindi?


Medyo nainis ako sa ideyang maaaring wala siyang alam kung paano niya natapakan ang pride ko nang hindi niya ako siputin sa blind date namin three years ago. Mas nakakainis pa dahil hindi man lang siya humingi ng sorry. Ang Mommy pa niya ang humingi ng tawad sa akin sa hindi mabilang na beses.


May tatlong lalaki na nakasuot ng shades ang dumating. Nahinuha kong hinahanap nila ang seat number nila. Matatangkad sila at halata sa aura nila na hindi sila ordinaryong tao lang. Mukha silang mga modelo na rumarampa.


Ang seat nila ay nasa unahan ko kaya narinig ko ang mga pinag-uusapan nila.


"Bakit kasi hindi sumama si Tristan eh. What an ass," sabi ng isang lalaking katatanggal lang ng kanyang shades.


"You know him. Pagkatapos ng isang matinding performance, he wants to be in a quiet place," ani ng katabi ng naunang magsalita.


"His unit sucks. Mamamatay ka sa sobrang tahimik," sabi naman ng isa.


Nanlaki ang mga mata ko nang malaman na mga miyembro ng TMB ang mga lalaking nasa unahan ko. Gusto kong umirit sa pagkainis dahil wala naman pala ang lalaking pupuntahan ko. I rolled my eyes at saka umiling. I hope my trip to Boracay will be a good one without my major goal.


All I want now is to see him and know him. Hindi naman ako magpapakilala na ako iyong babaeng hindi niya sinipot noon unless he already knew. After that, wala na akong magiging pakialam sa kanya.


Nagpa-book ako sa isa sa magagandang hotels dito. I didn't expect TMB will be accomodating the same hotel as mine. Sayang, wala si Tristan. I thought I could see him finally in person. Siguro ay hindi talaga mapagku-krus ang mga landas namin. Maybe it was fate who doesn't want us to get along.

10 Ways to mend his broken heart (Tristan Dela Rosa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon