Chapter 25

1.3K 33 2
                                    

Trigger Warning: harm


Her POV


Dahan-dahan akong napaupo habang hawak-hawak ang sugat ko nang may mga guard na dumating para pigilan ang mga students na nagtakbuhan naman agad.


Ramdam ko ang kalmot sa buong katawan ko. Ang hapdi. Ang sakit.


Pero mas nasasaktan ako dahil wala na talaga akong kakampi dito.


"Iha, halika sasamahan kita sa clinic." Nag-aalalang sabi sa akin ng guard kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ko. "Ayos ka lang ba?"


"Opo." Pinunasan ko agad ang luha ko at sinubukang tumayo. Medyo nahirapan pa ako kaya tinulungan niya ako. "Mauna na po ako."


Naglakad na ako papaalis sa lugar na 'yun para puntahan sila Pam.


Kahit tinalikuran nila ako ay hahanapin ko pa 'rin sila para magtanong dahil nasasaktan ako sa nakita ko kanina. Ang dami na 'ring pumapasok sa isip ko na sana mali ako. Sana mali ang iniisip ko na tuluyan na nila akong ipinagtatabuyan without knowing my side.


Wala bang gustong makinig sa akin?


Pinunasan ko agad ang luha na muling tumulo sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa kadahilanang mahalaga na sila sa akin pero bakit nila nagawa sa akin 'yun? Bakit nila ako iniwan sa mga oras na kailangan na kailangan ko sila? Sa mga oras na inaasahan ko na sila ang malalapitan ko, na paniniwalaan ako dahil alam kong kilala nila ako.


Pero bakit?


Bakit ginagawa nila sa akin 'to?


Natagpuan ko naman agad sila Pam na may pinag-uusapan sa isang room kaya pumasok na agad ako doon kaso sabay sabay 'rin silang napamaang nang makita ako.


"Pam,"


"Umalis ka na dito, Kyla." Ramdam ko ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko sa sinabi niyang 'yun. "Umalis ka na."


"B-bakit? Bakit ako aalis kung nandito kayo?" Umiiyak kong tanong kaya napaiwas ng tingin sila Wendy. "Nilalayuan niyo ako? Bakit?"


"Dahil sa ginawa mo."


"Ginawa ko?" Mapait akong napangiti sa sinabi niya. "Naniniwala kayong ginawa ko 'yun?"


"Lahat ng evidence ikaw ang itinururo, Kyla." Sagot ni Kel sa akin. "Kaya bakit? Bakit mo ginawa sa kaniya 'yun?"


Natakpan ko ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sa kanila ko pa mismo maririnig ang mga salitang 'yun.


"Umalis ka na dito." Diretsong sabi ni Pam. "Ayaw ka na namin makita."


Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtalikod nila sa akin sa pangalawang pagkakataon.


Tama nga ako.


Naniniwala 'rin silang ginawa ko kay Mika ang bagay na 'yun.


Mas lalo lang akong nadurog——mas lalo akong nasaktan.


Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses nag-unahan tumulo ang mga luha ko sa sunod-sunod na sakit na naranasan ko ngayong araw na 'to.


Iniwan nila ako...


Her Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon