FYIP 4

95.8K 2.6K 681
                                    

FYIP 4 : Explanation.

Hana’s POV

“Bakit kayo magkasama ni Allison?” tanong ko.

“Bakit kayo magkasama ni Gab?” balik na tanong naman niya.

“Ako unang nagtanong kaya ikaw tong sumagot.”

“Ikaw—“

“Sino ba ang nahuli na nagsisinungaling?” tanong ko.

“Hanako,kung iniisip mo na nagchicheat ako—“

“Magcheat ka man o hindi,wala na akong pakialam. Wala naman tayo e.” pssh. Bahala siya. Nahuli na nga siyang nagsisinungaling tapos idedeny pa niya.

“Then don’t act like  a jealous girlfriend when we aren’t anything at all.”

Napahinto ako sa sinabi niya.

“Hanako.. im trying my best para hindi ka masaktan,im trying my best to save this. You. Yohan.  This family. Our family. So please… let me explain.”

Hindi na ako nagsalita. Siya naman pinagpatuloy yung mga sasabihin niya. Kung makapagusap kami as if walang yohan na natutulog sa gitna namin.

“So mom… ugh—san ba ako magsisimula?”

“Everything. Ayoko ng lies.”

Tumango ito at huminga ito ng malalim na para bang nagdadalawang isip itong magsabi.

“Arrange marriage. Alam mo na yun diba?”

Tumango ako. So matutuloy nga.

“So gusto nila na… na magpakasal na kami agad.”

“tumawag si Mom kaninang umaga—kahapon..” pagtatama niya. Mag3am na kasi e.

“Gusto niya na makipagmeet—no,sinabihan niya ako na may meeting daw kami ni Allison.  Hindi naman talaga ako pupunta e.”

Tinignan ko siya ng masama,hindi daw pero pumunta naman. >__<

“Wala talaga akong balak pumunta,promise! Peksman! Mamatay man si Allison!” sabay taas pa ng kamay na para bang magpapanatang makabayan.

Napangiti ako sa ‘peksman! Mamatay man si Allison!’ sira ulo talaga to.

“Eh bakit pumunta ka?”

“Naawa ako lang kay Allison.”

“Naawa?”

Forever You and I,Promise! (FYIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon