14: Ulan

98 9 8
                                    

Mikee's POV

"Ano? Naka siyam na album kami?" Napatayo pa sya sa sobrang gulat.

"Oo mahigit isang daang kanta rin laman nun" Pangiti kong pagmamalaki sa mga likha nila.

Sobrang saya ko ng makita ang ningning sa kanyang mga mata. Kung pwede nga lang sabihin ko sa kanilang lahat ang mangyayari sa future, ay matagal ko ng ginawa. Kung pwede lang gagawin ko ang lahat di lang sila mabuwag, ay gagawin ko kahit ano pa man ang kapalit.

Nakita ko ang di lubos maisip na paghanga nya sa lahat ng kwinento ko sa kanya, pati na rin nung sabihin kong kulay puting salawal ang paborito ni Raimund (silang apat lang kasi talaga ang nakakaalam nun) at  isang buwang pagsusuot ni Marcus ng maong nyang pantalon. Kaya pala minsan nag-aamoy mabantot na sya HAHAHAHA.

"Pero bakit yun lang? Di ba kami nagtagal? Ano pala nangyari?" Tila nag-iba ang ihip ng hangin, halos maiyak ako sa harap ni Buddy, di alam kung anong sasabihin.

"Di ko rin alam" Mahina at nakayuko kung sabi, natahimik sya tila hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"...walang may tunay na alam kung bakit kayo nabuwag, tila panahon na ang nag-udyok sa tuluyan nyong pamamaalam bilang isang banda, ngunit nanatili kayo sa industriya" Tinitigan ko ang tila nalilito nyang mukha sabay sinabi ang mga katagang,

"Kasama ang sari-sarili nyong banda" Ramdam ko ang pagkawasak ng kanyang puso, di makapaniwala sa lahat ng tinuran ko. Di ko sya masisisi, kahit ako nga'y nasaktan sa bagay na yan.

"Di dapat mangyari yan. Hindi mangyayari yan." Inilahad nya ang mga ngiting puno ng pag-asa,  hinawakan nya ang aking mga kamay at mariing nangungusap ang kanyang mga mata sa akin.

"Gagawa tayo ng paraan upang di kailanman mangyari yan."

->>×<<-

Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya na namang magparamdam si dakilang ulan, buti nalang at may dala akong payong. Balak ko sanang pumunta sa kapehan upang makapag-isip isip muna nang sa di inaasahan ay nakasalubong ko si Ely.

Sabay kaming naglakad sa ilalim ng sumasayaw na mga dahon ng mga punong narra, kasabay ng pagalon ng aking itim na buhok sa malamig na pagihip ng hangin. Ngunit di ko inaasahan na hahawakan nya ang aking kanang kamay. Grabe! Parang sasabog na ang puso sa sobrang saya, pilit ko pang pinipigilan ang pagnginig ng aking mga kamay sa sobrang kilig. Napakalamig ng kanyang palad ngunit nagbibigay ito ng init sa buo kong sistema.

Katawan, bibig at utak maawa kayo, I need your help. Makipagcooperate kayo sa akin please.

Natigilan ako ng bigla syang huminto sa paglalakad at malamlam nya akong tinitigan. Humakhang sya upang mapalapit sa akin na halos gahibla nalamang ang layo ng kanyang dibdib sa akong mukha.

Napakabango nya! Amoy baby, kyaaah~

Ginapos nya ang aking buhok gamit ang kanyang palad, naramdaman ko ang dahan-dahang pagdampi ng kanyang mga daliri sa aking leeg. Di na ako mapakali at nanginginig sa sobrang kilig, di ko alam kung kasing kulay ko na ba ang Lechon Cebu sa sobrang pula.

Kinuha nya ang kanyang paboritong itim na stretchable bracelet, at marahan itong itinali sa aking buhok. Umatras sya ng kaunti upang makita ang aking mukha.

"Mas bagay sayo kung nakatali yang buhok mo" Tila isa akong bomba na sumabog matapos nyang sabihin ang mga katagang yun. Natulala ako at nanigas na parang isang isdang bilasa na nilagay sa ref.

Pop U (Eraserheads)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon