Ang Plaka

0 0 0
                                    

Hindi nakakapagod ang magmahal.
Ang nakakapagod ay ang mga sakripisyo,pasensya at sakit na kakambal ng pagmamahal.
Na sa bawat paghingi ng tawad ay ang paulit ulit na panunumbalik ng mga gawing hindi na dapat ulitin.
Sana ang unang paghingi ng tawad ay sya na ring huli.
Na ang unang kapatawaran ay may kasama nang pangakong kailanma'y hindi na uulitin ang pagkakamali.
Dahil ako ma'y napapagod na ring patawarin ka..
Para tayong isang sirang plaka..Paulit-ulit lang..paikut-ikot,pabalikbalik,papatawarin pagkatapos isa na naman sa atin ang uulit at babalik na naman tau sa umpisa..prosesong walang pagbabago. Parang isang sirang plaka paulit ulit.Katulad rin ng plaka, hanggang sa dumating ang oras na ito'y magkaron na ng gasgas, at magsawa na rin sa paulit ulit na pagtugtog ay tuluyan nang mapapagod, masisira.Tuluyan nang susuko't dahan-dahan nang kukupas hanggang sa ito'y kusa nang di tumugtog..di na gagana..Mawawalan na ng musika,ng himig,ng tinig.

Katulad rin natin ang plaka
Sa una'y maganda and tunog,banayad ang pag-ikot.
Ngunit unti-unting nagagasgas
dahan-dahang nagbabago
ang himig ng ating pagmamahalan.
Ang bigkas ng bawat "mahal kita"
pahina ng pahina,lumalabo.
Hanggang sa tayo'y malapit nang sumuko
Kaparis ng lumang plaka
bumabagal dahil puno na ito ng latay.
Katulad nating ang mga puso'y puno na ng sakit,poot,pait,galit.
At wala nang paglagyan ang mga bagong alaala dahil puno na ng sugat.
Pagkatapos ay tapos na
Wala nang marinig,wala nang madama.
Tuluyan nang huminto ang puso sa pagtugtog ng himig ng pagmamahal.
At wala nang marinig na pintig ng pag-ibig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She-who-must-not-be-namedWhere stories live. Discover now