Cover by: Junoel LyCaster
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
"Wala iyon, siguro ay mga bagay na hindi mo muna dapat isipin lalo na kung hindi pa naman ito magaganap. Oo nga't maganda ang maging handa o pag handaan ito ngunit kung minsan ang sobrang pag iisip sa isang bagay ay nakaka praning, nakaka baliw. Basta kahit ano ang mangyari ay nandito ako, naniniwala ako sa kakayahan mo." ang naka ngiting wika ni Bart sabay lagay ng kanin sa aking plato. "Kain ka pa. Eto ubusin mo."
Napatingin naman ako sa mukha niya, mahirap ialis sa aking isipan na kapag kasama ko si Bart ay para bang nasa paligid lamang si Serapin. Kung minsan ay nag babalik sa akin ang anino ng kahapon kung saan ang sugat ng kanilang pag tataksil ay naalala ko pa rin na parang isang sirang plaka na paulit ulit umaandar sa aking isipan. Nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba kapag sumasagi sa aking utak na muli kaming mag kasakitan katulad noon.
Hinawakan ni Bart ang aking pisngi at ngumiti ito. "Wag kana mag isip, please. Magiging maayos rin ang lahat."
Part 4: Babala ng Kalawakan
"Siya na talaga pinsan, ang bango bango niya, ang lambot lambot ng kamay at ang laki ng bukol. Nakita ko siyang nag sswimming sa pool area. Hay Pablo, ikaw na talaga ang isinisigaw ng puso kong nalulumbay." ang malanding wika ni Cookie habang naka higa
"Itigil mo na nga iyang kabaliwan mo, the last time na nag kagusto ka sa isang gwapong doktor ay nadiskubre natin na isa siyang halimaw. At hindi basta halimaw dahil siya ang may ari ng itim na kristal." suway ko
"Hindi halimaw si Pablo dahil para sa akin ay isa siyang anghel na may hawak na pana at inasinta niya ang puso kong nalulumbay. Mister kupido sa kanya'y dead na dead ako, huwag mo nang tagalan ang pag hihirap ng puso kooooo!." ang pag kanta pa nito
"Hoy!! Cooke itigil mo nga iyang pag kanta mo gabing gabi na ay nag papalahaw ka pa! Walang darating na ulan kahit kumokak ka mag hapon! Palakang to!" ang sigaw ng aking madrasta.
"Panget! Bullfrog!!" ang sagot ni Cookie
"Sabi ko sa iyo wag kana maingay eh. Kulit mo kasi." tugon ko naman.
"Basta itaga mo ito sa bato Narding, itong baklang ito ang bobongga at iyang si Pablo ay mapapasa akin sa kapangyarihan ng pag ibig at katarungan!" ang sagot niya sabay higa.
Maya maya ay nakatulog na ito.. Agad agad..
Tahimik..
Ako naman ay napatitig lang sa kisame habang umiikot ang ceiling fan dito, halos sa mga naka lipas na araw ay tila binabagabag pa rin ang aking isipan ng kung anong pangamba at ang nakapag tataka ay simula noong nawala sa aking bato ay parang humina ang aking pag katao o baka naman naging dependable lamang ako sa kung anumang kapangyarihan ang ibinibigay nito.
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding BOOK 2 (BXB Fantasy 2018)
FantasyMuli nating samahan si Narding sa kanyang pag lipad patungo sa hamon ng mapag larong tadhana. Kasabay ng muli pag bubukas ng kanyang aklat ay ang pag sibol rin ng mga bagong pag subok at bagong kalaban na hahatol sa kanyang katatagan. Hawakan mo ang...