Sa Walong Taon

26 2 0
                                    


Sa walong taon ako'y iyong binusog ng iyong pagmamahal
mga matatamis na salita ng tulad kay Balagtas na makata.

Sa walong taon ay hindi mo nakakaligtaan na sabihan ako ng 'I love you' sa paggising man o sa pagtulog.

Sa walong taon na ako'y iyo
at ikaw ay akin lamang
Mga masasayang araw natin
kahit sa paglubog ng araw ay ni ayaw magkahiwalay.

Sa walong taon puno ng ngiti
tila walang pagsidlan ng galak
mga puso natin ay punong puno ng pagmamahalan.

Sa walong taon na siyang kay tamis,biko ang kapares.
Mga yakap mo sa lamig
at mga halik na kay ibig.

Sa walong taon ika'y unti-unting nanlamig.
Ika'y tinanong pero wala kang sagot
Ang noon kay init ay nanlamig na ngayon
Walong taon na iyo lamang sinayang at tinapon.

Tula Ko(My Poems)Where stories live. Discover now