Have You Heard of the Four Spiritual Laws?

579 18 4
                                    

Have You Heard of the Four Spiritual laws? Sa tagalog.

Narinig Mo Na Ba Ang Apat Na Tuntuning Espirituwal?

Di na dapat pinatatagal.So this is it :)

May the Lord continue to touch our hearts ..  Godbless Kapatid!

-JonnahRoncesvalles :)

Dedicated po ito para saiyo.

Kung paanong may batas na pisikal na sinusunod and daigdig,Gayon din naman,May mga tuntuning espirituwal na kinalaman sa iyong kaugnayan sa Diyos.

1.UNANG TUNTUNIN  

INIIBIG ka ng Diyos at Siya'y may magandang PLANO sa iyong buhay.

(Hangga't maaari,Ang talatang binabanggit sa librong ito ay dapat basahinsa kanilang kabuuan mula sa bibliya.)

ANG PAG-IBIG NG DIYOS

"Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan,Na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak,Upang ang sinumang sa kanila'y sumampalataya ay huwag mapahamak ,Kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

(Juan 3:16)

ANG PLANO NG DIYOS

(Si Krito ang nagsasalita) "Ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay at magkaroon ng

kasaganaan nito." (Juan 10:10)

Pero bakit ang karamihan ay hindi nakararanas ng masaganang buhay?

SAPAGKAT ....

2. IKALAWANG TUNTUNIN

Ang tao ay MAKASALANAN at NAHIWALAY sa Diyos,Kaya't hindi niya maaaring malaman at maranasan ang pag-ibig at plano ng Diyos sa kanyang buhay.

ANG TAO AY MAKASALANAN

"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." (Roma 3:23)

Ang tao ay nilikha upang makasama ng Diyos,Subalit ayaw niyang pasakop sa Diyos.Humiwalay siya ng daan,na ikinasira ng pakikisama niya sa Diyos.Ang katigasang ito na nakilala sa tahasang pagsuway o pagwawalang bahala ay nagpapatunay sa tinatawag ng Bibliya na KASALANAN.

NAHIWALAY ANG TAO SA DIYOS

"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan."(Espirituwal na pagkahiwalay sa Diyos) -Roma 6:23

               BANAL NA DIYOS        

           \﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏/

    

                 ⇧⇧⇧⇧⇧⇧⇧⇧

                    ⇧ ⇧⇧⇧⇧⇧

            ﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

                MAKASALANANG   

                           TAO

Inilalarawan dito na banal ang Diyos at makasalanan ang tao,at sila ay magkahiwalay.Patuloy na nagsisikap ang tao na maabot ang Diyos at ang masagang buhay sa pamamagitan ng kanyang sariling paraan,tulad ng mabuting pamumuhay,mabuting kaugalian,pilosopiya o relihiyon-Ngunit siya ay nabigo ...

Ipinaliliwanag ng ikatlong tuntunin ang tanging paraan upang matugunan ang suliranin ng tao..

3. IKATLONG TUNTUNIN

Have You Heard of the Four Spiritual Laws?Kde žijí příběhy. Začni objevovat