Chapter:6

1.4K 50 0
                                    

Third P.O.V

NAKABALIK ulit sila sa table ng mga magulang.Umupo naman ulit si Fel katabi ang ina at ama,habang si Thunder naman ay umupo at pinagitnaan ng ina at sa ama niya.Magkatapat sila ni Fel.

"So kamusta ang pagkikita niyo ni Liza,Fel?"tanong sakanya ng ina ni Thunder.

"Okay lang naman po, nagku-kwetuhan saglit"sabi niya sabay ngiti.

"Great"ani ng ginang.

"Anak di ka paba uuwi?,mamaya pa kami ng Papa mo"ani ng kanyang ina.

"Hmmm pwede na Ma?'ani niya.

"Hmmm Tren,Teo uuwi na itong anak ko ah... gabi na kasi baka hindi nanamin siya maihatid sakanyang apartment"ani ng ina.

"Uuwi kana ijah? Thun anak pwede mo bang ihatid si Fel?"ani ng ina ni Thunder.

"Sure"ani ng binata.

Tinignan naman siya ni Thunder kaya tumayo na siya.Yumakap siya sa Mama at Papa niya at sa parents ni Thunder.

"Next time ulit,happy birthday ulit Tita Trenity"ani niya.

"Always welcome ijah"ani ng ginang.

Matapos siyang yumakap ay binalingan niya si Thunder at nag signal na aalis na sila.

Nang makalabas sila ng mansion ay pumunta si Thunder sa isang sports car na kulay itim.

"Sakay na"ani ng binata.

Agad naman siyang pumasok katabi si Thunder.Hindi siya pumunta sa likudan para hindi mag mukhang driver niya si Thunder.

"Saan pala ang apartment mo?"tanong ng binata sa kanya.

"Saint Paul street"ani niya.

Habang nasa beyahe ay kinuha niya ulit ang ballpen at notebook niya.Nagsulat ulit siya pangpalipas ng oras habang nag beyahe.

~~~

Habang nag maneho si Thunder ay di niya maiwasang tignan ang dalaga na katabi niya.Kanina pa kasi ito pabago-bago ng mood.May ngumiti,humahalakhak,galit,at nangunot noo.Kanina pa ito habang nagsusulat sa notebook nito.

Hindi nalang niya kinalabit dahil baka nagsusulat ito ng nobela.

'Para siyang tanga'

Napangiti siya ng maisip niya ang salitang tanga.Sa totoo lang hindi naman siya ganito noon,ni hindi nga siya naghahatid ng babae.

Palaging mainit ang ulo niya,pero ng ma-meet niya si Fel ay bigla nalang siyang naging maamong tupa.Sana hindi mahalata sa mga magulang ang pag-iba niya ng mood kasi hindi talaga siya ito ngayon.

Mahigit isang oras din ang beyahe nila.Malayo kasi ang apartment ni Fel kaysa sa village nila.

"Hey!"untag niya sa dalaga.

"Ay! kabayo"panic na usal ng dalaga.

Napatawa naman siya sa reaksiyon nito.

"Tinatawa mo diyan"masungit na sabi ng dalaga sakanya.

"We're here"ani niya.

"Ay! thank you"ani ng dalaga sakanya at lumabas na ng kotse.

Lalabas pa sana siya sa kanyang kotse ng pumasok na ito sa bahay.Kaya umalis nalang siya.

'Ano bang nangyari sa'yo Thunder?'

Habang bumiyahe pabalik sa mansion si Thunder ay nahagip sa kanyang paningin ang notebook ni Fel.Kinuha niya ito at nilagay sakanyang lap.

Nang makabalik na siya sa kanila ay di na siya pumunta sa garden kundi pumasok siya sa bahay at nagtuloy sa kanyang silid.

Binuklat niya agad ang notebook at nakita niya ang pamagat.My Badboy Prince.

Nangunot ang kanyang noo ng makita niya ang kanyang pangalan at pangalan ni Fel.Napangiti siya ng siya pala ang ibini-bida ni Fel sa nobela.

'Ano kaya ang magiging reaksiyon mo kung malaman mong nasa akin ang mahiwaga mong notebook Fel'ani niya sa isip at parang bumalik na ang pagiging barumbado niya.

~~~

Nangmahiga si Fel sa kanyang kama ay hinagilap sa kanyang kamay ang notebook.Sanay na siyang ganon ang ginagawa.Nang hindi niya makapa ay tinignan niya ang gilid kaya bumalikwas siya ng bangon ng maalala niyang nasa bag niya pala ito.

Nang buksan ang bag,laking gulat niya ng wala doon.

"Nasaan naman iyon?"tanong niya sa sarili.

"Patay! nasa kotse yun nahulog!"sigaw niya.

Napa-upo nalang siya sa sahig at asim na asim ang mukha.Paano pagnakita iyon ng binata?.Baka tuksuhin siya nito o baka kasuhan siya dahil ginamit niya ang pangalan nito ng di manlang siya nagpaalam.

Napasambunot nalang siya sa kanyang buhok.Ang dating parang cold na babae ay parang napasukan ng baliw na ispirito.

"Breath in,breath out just chill Fel,everything is going fine"pagpakalma niya sa sarili.

Bumalik na siya sa kama at humiga.Matulog na siya bahala na bukas,kukunin niya nalang ito o ipakuha niya sa kanyang ina.

3:05Am

Gising parin ang diwa ni Fel at hindi makatulog.Iniisip padin kasi niya kung paano niya makuha ang kanyang notebook.Gaga kasi siya,umalis agad ng di niya chini-check kung nadala ba niya ang mga gamit.

"Arggghh"inis niyang usal at nagtalukbong.


Vote and Comment

Destiny Of Mine(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant