043

240 17 39
                                    

keira.

"Waiting for his reply, huh?" Tumingin kaagad ako sa salamin upang makita kung sino ang nagsalita mula sa likod ko. It's freaking Dalton Isaiah!

"Umalis ka nga dito! Wala ako sa mood makipag biruan ngayon ha," Hindi naman siya tumigil kakaasar saakin at wala na akong nagawa kundi ang murahin siya. Bakit ba siya nandito? Invited ba siya? I can't remember giving ticket to him?

"Hayaan mo na, Kei! Andyan naman si Sphinx! Malay mo siya yung pumalit sa pwesto ni August," Binato ko lang siya ng unan at nag patuloy sa pags-scroll sa  Instagram.

He's not coming.

And it breaks my heart.

Umasa ako eh! Kaya nga ako pumayag na kantahin yung When You Came para sabihin na namin sa tao na kami ang singers non at gusto kong malaman nila ang hardwork namin ni August dito. Pero anong nangyari? Bakit iniwan niya ako bigla sa ere? Akala ko naman pwede ko nang masabi sakanya yung totoong nararamdaman ko ngayon pero wala, hindi siya dadating.

"Hoy Gaga! Anong ine emote emote mo dyan?!" Nakaramdam ako ng kutos galing kay Lexi. Tignan mo nga naman 'tong babaeng 'to! Imbes na i-comfort ako eh parang ayaw pa akong maging masaya nito.

"Anong emote? Sinong nage emote?" Nagmaang maangan pa ako pero knowing Lexi? Magician yata yan at nababasa ang saloobin mo. Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya mabasa ang totoong nararamdaman ni Jax sakanya.

"Sinong niloloko mo? Sarili mo?" Dagdag pa ni Sapphire. Bwisit na babae 'to! Sana hindi nalang siya umuwi galing Laguna.

"Bahala nga kayo dyan," Pinagtawanan nila ako at hindi ko nalang sila pinansin kasi nagsimula na ang mga makeup artists ko na makeup-an ako.

5 Hours passed at wala manlang chat galing kay August! I hate him! Siguro niloloko niya lang ako nung sinabi niyang gusto niya ako? Kasi kung hindi naman siya nagloloko edi sana nandito siya? Call it immature pero nasasaktan ako and no one can ease it. Minsan lang kasi ako iwanan sa ere ng mga taong mahal ko at sobrang tindi ng epekto nun saakin.

This is my last concert, last performance and last time standing in front of many people singing my own song.

"Keira, stand by na ha. Magsisimula na tayo in 15 minutes," Tinanguan ko lang ang manager ko. I don't know if I can pull this of lalo na't wala ako sa mood ngayon but I know myself, I know I can do it. Without him.

I stopped refreshing my texts and my Instagram dms. Okay, tanggap ko nang hindi siya magpaparamdam saakin ngayon. Tanggap ko na na in the end ako parin ang uuwing talunan.

"Bitch, good luck! Kaya mo yan kahit wala siya, okay?! Gotta go now. I love you," Niyakap ako ni Lexi at nagsimulang sumunod kayla Jax na paalis na ng backstage. Tangina Keira! This is it!

"Ma'am Keira, start na po," And there, I closed my eyes and quietly prayed that I can pull everything and make everyone happy tonight.

The concert started and I nearly cried when I saw how much people attended my last concert.

"Hello," I greeted everyone with a smile. Nagulat ako sa lakas ng sigawan. Gosh! I'm not expecting this! Akala ko kakaunti na lang ang naniniwala sa kakayanan ko pagka tapos kong mag hiatus last year.

"I-I did not expect this! Ang tagal kong nawala sa Music Industry at akala ko unti unti na kayong nawala. But I guess I'm wrong? Nandito parin kayo," Andami kong naririnig na sumisigaw ng 'I Love You' at ang lakas ng epekto nito saakin.

Kinanta ko ang This Is Me mula sa palabas na The Greatest Showman. Paborito ko ang palabas na yun siguro dahil nandun si Zac Efron? Sino bang hindi nainlove kay Zac Efron diba?

Mabilis ang mga pangyayari at biglang oras na para kantahin ko ang When You Came. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! I started panicking dahil walang kakanta ng parts ni August! Pero yung mga staff at manager ko chill chill lang. Sabi nila ayos na daw pero iba parin ang nararamdaman ko! I'm nervous! I mean kanina pa naman pero yung kaba ko ngayon? Parang triple ng kaba ko kanina! May nasesense akong mangyayari pero hindi ko maidentify!

"Uhm, kakanta ako ngayon ng kantang hindi niyo ineexpect! Sana magustuhan niyo kasi pinaghirapan 'namin' 'to," I emphasized the word 'namin' dahil gusto kong makahalata din ang mga tao. I like teasing people.

"Everything in me was falling apart," Nakita ko ang pagka gulat ng mga tao at ako? Kahit ako nagulat sa reaksyon nila. They were screaming like wild animals! All of them were so wild!

I sang graciously. I sang like no one was watching me. I sang as if he's here.

Natapos ang line ko at line na ni August. Sobrang nagpapanic ako! Sinong kakanta ng part nya shit!

"But then I saw your eyes," Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na kanina ko pa hinahanap hanap.

"And there I knew you're the one," Nakita ko ang paglakad niya papuntang stage. Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao. Naramdaman ko ang pag slowmo ng paligid ko.

All I see is him.

"When you came, everything went right," He smiled at me and was reaching for my hand. Syempre iniabot ko naman ang kamay ko dahil dakilang marupok ako.

"Because baby, when you came I knew I'll love you," Naglapit ang katawan namin at amoy na amoy ko na ang pabango niya. Titig na titig lang ako sa mukha niya hanggang sa nagsalita siya.

"I love you," Hindi ko inaakalang narinig pala ng buong crowd yun dahil nakataas parin ang mic na hawak ko at ito ang pumagitan saaming dalawa.

Hinawakan niya ang kamay ko at biglang lumuhod sa harapan ko. Woah! Hindi naman siguro siya magp propose sakin diba? Baka himatayin na ako!

"Keira, you know how I liked you since the first day I met you right?" I nodded. Naalala ko pa nung trainee palang kaming dalawa. Nagkakilala kami sa auditions at sabay din kaming natanggap sa company. We were basically best friends pero nawala ang closeness namin dahil sa pagd debut namin.

"I never got the chance to confess my true feelings for you, lagi nalang akong nauunahan ng iba,"

"Pero ngayon? I can give up everything just to get your answer," Dahan dahang bumigat ang pag hinga ko. Shit.

"Ember Keira Valencia delos Reyes, will you be my girlfriend?" At doon ako nagsimulang umiyak ng todo! Pakiramdam ko babaha na dito dahil sa kakaiyak ko. Ni hindi ko na pinansin ang lakas ng sigawan at pag sigaw nila ng 'Yes' dahil iyak ako ng iyak at hindi parin nagpr process ang sinabi niya.

"Yes!" Mabilis siyang tumayo at niyakap ako. Niyakap niya ako at mabilis na binuhat. Nararamdaman ko din ang luha niyang pumapatak sa braso ko.

"Tangina mo, August! Kanina lang sinasaktan mo ako ngayon pinapakilig mo na ako!" Hindi ko parin binibitawan ang kamay niya kahit nagpapawis na ang kamay ko dahil sa sobrang kaba at tuwa.

"You don't know how much I'm thankful for having you in my life, Keira," And then, he kissed my head and I knew I said 'Yes' to the right guy.

———————————————————

gRABE SOBRANG TAGAL NG LAST UPDATE KO SORRY AHAHAHAH BABAWI AKO NEXT NEXT WEEK PROMISE!!! EXAMS NAMIN NEXTWEEK SERI NE HAAHHAAH

when you cameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon