"Hoy, gumising ka na nga! Bakla ka ng taon, oo. Alas tres na ng hapon natutulog ka pa rin? Puyat ka ba?" tanong niya. Binuksan ko naman ang aking kaliwang mata tsaka pumikit ulit at nagsaklob ng kumot.
"Inaantok pa ako," ungot ko at pumikit pa lalo.
"Hoy! Bumangon ka na d'yan at kakain na tayo. Ano ba ang ginawa mo kagabi at puyat ka ha? Bakla'ng 'to!"
"Eh, inaantok pa nga kasi ako,"
"Hindi, babangon ka o babangon ka?" mataray na sabi niya at hinila pa ang kumot ko. Inis na bumangon ako kahit na inaantok pa rin ako.
"Oo na! Eto na. Bakit ka ba kasi nandito?" masungit na tanong ko bago tuluyan umalis sa kama. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago muling nagmulat ng mata at humarap sa kanya. Nakita ko pa siyang nagtaas ng kilay habang nakapameywang na tumitig sa'kin.
"Umamin ka nga sa'kin. May boyfriend ka na 'no?" Nangunot naman ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Anong boyfriend ang pinagsasasabi mo d'yan? Duh, ako magkakaboyfriend? Ang ganda ko ha?" pabirong sabi ko pero inirapan niya lang ako at agad na hinawakan sa braso.
Ganyan naman talaga siya. Pero dyosa talaga ako. Baka isipin niyo, napakapangit ko.
Haler!
"Che! Eh bakit mukhang puyat ka? Hindi ka naman dating ganyan, ah?" Nagkibit balikat na lang ako bago naupo sa harap ng mesa.
"Ewan ko ba, napapansin ko lang no'ng mga nakaraang araw na palagi na lang akong inaantok at palagi akong pagod. Tapos, iba rin ang pang amoy ko sa mga pagkain,"
"Hala ka dai, seryoso ka? Kung may boyfriend ka, iisipin ko na buntis ka,"
Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Baliw, hindi ako buntis 'no!" natatawang sabi ko. Nagkibit balikat naman siya tsaka binuksan ang nakatakip na pagkain sa mesa.
"Nga pala, anong dahilan at naparito ka? Hulaan ko, nag-away na naman kayo ni Kuya Werner 'no?" nakataas ang kilay na sabi ko. Inirapan naman niya ako bago nilagyan ng pagkain ang plato ko.
"Huwag mong mabanggit-banggit sa akin ang pangit n'yang pangalan! Jusko, mas maganders naman ako kaysa sa kanya 'no!" mataray na sabi niya kaya bahagya akong natawa.
"Eh, ano bang nangyari?" curious na tanong ko. Napabuntong hininga naman siya.
"Nabubwisit kasi ako sa kanya. Biruin mo, sabihan ba naman akong pangit. Eh, siya nga itong hindi naman kagwapuhan ang mukha, nakakaimbyerna!" masungit na sabi niya na sinamahan pa ng pandidiri.
"Sus! gwapo naman ang kuya mo, ah?" pabirong sabi ko kaya nakatikim ako ng masamang tingin mula sa kanya.
"May crush ka ba sa kuya ko?" nakataas ang kilay na sabi niya. Mabilis naman akong umiling habang kagat-kagat ang labi.
"Ikaw kaya 'yong crush ko," natatawang sabi ko sabay kindat sa kanya. Umarte naman siyang parang nasusuka. Baliw talaga.
"Ang bagra bakla, kadiri ka!"
"Hahaha, binibiro lang kita. Assuming ka naman." Inirapan naman niya ako.
"Che!"
Napailing na lang ako bago kumuha ng pagkain sa plato. Isusubo ko na sana nang bigla akong matigilan at mapatakip sa bibig ko.
Sh*t! Nasusuka na naman ako.
Nangunot naman ang noo ni Ken habang nakatingin sa'kin.
"Anong nangyayari sayo?" Hindi na ako nakasagot at mabilis akong napatakbo sa banyo. Agad naman akong napahawak sa sink habang sumusuka.
"Anong nangyari sa---Oh my gosh! Bakit ka nagsusuka?" gulat na gulat na tanong niya habang nanlalaki ang mata. Hindi na ako nakasagot dahil agad akong nahilo kasabay ng pagdilim ng paningin ko.

YOU ARE READING
Seducing My Gay Bestfriend
Romance"Just wait for me, baby. I'm going to seduce you, and you will fall for me harder and faster!" -Marjorie, a playful girl who always gets her way, met Ken, who was both cute and charming. After feeling attracted to him, she does everything to make hi...