CHAPTER TWENTY THREE

53 8 2
                                    

Chapter Twenty Three
Dedicated to Mysgeline

Kurt Owen's POV

Alas siyete-singko na nakahanda na kami ni Dave ganun na din ang mga kapulisan . Nakahanda sa pagrescue kay Kheizel.

Ilang linggo na kaming nag-aalala sa kalagayan niya. Kung kumakain ba siya kung okay lang siya. Kung maayos ba siya.

Nakasakay na kami sa sasakyan at hinihintay ang pagsenyas ng chief ng police.

"Ngayon na!"hudyat ng chief para magunahang humarurot ang bawat sasakyan.

Si Mark Dave ang nagmamaneho ng sasakyan. Haba daan bumibigkas ako ng maiiksing panalangin na sana ay magtagumpay kami . Sobrang alala na kami. Ganun din ang pamilya't mga kaibigan ni Kheizel.

Mga ilang minuto ang nagdaan nagring ang phone ni Dave. Agad ko iyong sinagot at pinindot ang loudspeaker.

"Hello, Papunta na kami."si Dave.

"Mabuti, Hinahanda na din namin ang ating pagkikita." anang babae.

"Wag ninyong sasakyan si Precious maawa kayo." nagsusumamong boses ni Dave ang umaalingawngaw sa kabuuan ng kotse.

"See you then." anang babae na humahagalpak pa ng nakakarinding tawa.

Punk man ng kaba agad naming pinakalma ang aming mga sarili maya-maya huminto na kami.

"Nandito na tayo Pare. Ililigtas natin si Precious." si Dave.

"Oo Pare. Lalaban tayo." maawtoridad kong sabi.

McKinley highway...

Pagkababa namin sa sasakyan, Agad sumenyas ang chief sa kanyang mga tauhan at agad naman nilang pinaligiran ang lugar.

Naingli na kami at lumakad na papunta sa lugar.

Magulo,mabaho at napakadilim ang lugar na iyon.
Naglakad kami ni Dave maya-maya may humarang samin na dalawang lalaki.
Kinapkapan kami. Siniguro nilang wala kaming dalang kahit na ano.

"Pasok sa loob!" anang matipunong lalaki na nakasuot ng puros itim.

"Asan ang girlfriend ko?" aniya ni Dave.

"Sa loob." giit nito.

Minadali kaming pinapasok sa loob at maya-maya natanaw ko ba ang babaeng pinakamamahal ko na walang malay,mukang nahihirapan at napakaangos na.

Bumalatay ang galit at inis sa aking mukha. Nagsituluan narin ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.

Gusto ko siyang lapitan ngunit pilit akong hinahawakan ng lalaki.

--

Stacey's POV

"Boss, Nandiyan na po sila ." sabi ng tauhan ko.

Agad kong hinithit ang aking yosi at agad na tumayo kasama si MJ para harapin sila.

Nung makita ko kung gaano umiyak si Kurt  para kay Precious, nag-igting ang bagang ko sa pagpupuyos sa galit.

Maya-maya lumabas na si MJ at hinarap ang dalawa.

"*clap clap clap* Magandang gabi. Welcome sa paraiso. Mabuti at dumating kayo." si MJ.

"Nandito na kami. Pakawalan mo na si Precious. Maawa ka sa kanya. Wala na siyang malay. Maawa kayo." napaluhod si Kurt habang sinasabi iyon.

"Maawa? Hindi ko alam yun."

Inutusan niya ang aming tauhan na buhusan ng malamig na tubig si Precious at agad naman itong sumunod at nagkamalay na si Precious.

Maya-maya sinigawan niya si Mark Dave.

"Oh Hi Dear,Kamusta? Iyan ba ang pinalit mo sa akin ha? Well walang-wala naman siya sa ganda ko? Well! Duh!" sigaw nito sa walang emosyong si Dave.

"Pakawalan mo ang girlfriend ko!" walang tigil nitong sabi kay MJ.

"Well see kung papayag si Boss. Boss labas na!" sigaw nito at agad naman akong umalis sa aking lungga.

Sa aking kulay itim na dress,pulang lipstick at mataas na heels agad akong umentra sa kanilang harapan.

Bakas ang gulat sa kanilang mga mata.

"Hi boys. Well kamusta? Nagalala ba kayo?" paunang mensahe ko sa kanila.

"Stacey?" sabay na sabi ni Kurt at Dave.

"Yes ako nga. May problema?" tatawa-tawa kong sabi sa kanila.

"Stacey, Bakit mo ito ginagawa? Pakawalan mo na si Precious." si Kurt.

"Pakawalan? Ganun-ganun nalang yun tapos kayo masaya? Ako hindi! Hindi ako papayag." mariin kong sabi.

"Maawa ka Stacey,Pakawalan mo ang girlfriend ko. Para mo ng awa." si Dave.

Sa inis ko agad akong lumapit kay Precious at agad kong hinila ang buhok nito.
Tinapat ko sa ulo nito ang aking baril na nakaipit sa aking pantalon.

"Aah aray ko!" daing ni Precious.

"Stacey, pag-usapan natin to." kalmadong sabi ni Dave.

"Hindi mo manlang ako pinatawad Kurt? At malalaman kong niligawan mo pa itong babaeng ito? Tapos ikaw Dave? Sinaktan mo ang kaibigan ko? Mga wala kayong kwenta kaya dapat itong babaeng mahal nito winawakasan na ang buhay!" sigaw ko sa kanila. Diniin ko ang aking baril sa uno ni Precious.

Maya-maya tatangkain sanang lumapit ni Kurt kaso inunahan na siya ng tauhan ko at inumpisahan na siyang bugbugin.

Tatawa-tawa ako habang minamasdang unti-unting nawawalam na ng lakas ang mga lalaking magliligtas sa babaeng bihag ko.

"Stacey pakawalan mo ko!" nagpupumiglas na sabi ni Precious.

"Manahimik ka!" sinampal ko siya.

Maya-maya, may biglang hahampas sana kay Dave ng biglang magsulputan ang mga di mahulugang karayom na bilang ng mga pulis.

Patay na nagoyo kami.

"Stacey Poblete and Mary Jane Salvacion, Sumuko na kayo. Itaas nyo ang inyong kanya! Ibaba nyo ang inyong baril. Now!" sigaw ng chief na nangagalaiti na.

Sa aking takot ihinagis ko ang baril at sumuko. Tinaas naming pareho ang aming kamay.

Agad nila kaming pinosasan at lahat ng mga tauban ko'y nilimas din nila.

--

Precious Kheizel's POV

Nang makarinig ako ng tunog ng sirena ng mga pulis. Nabuhayan ang loob ko na naghuhumiyaw na sa kalungkutan sa pagkakangulila sa kalinga ng aking mga magulang.

Nakatitig ako sa mga nakahandusay na mga lalaki sa buhay ko na pinaglaban ako.

Oo nandun padin ang pagmamahal ko kay Kurt. Pero mas mahal ko si Dave kaso ngayon galit ako sa kanya. Dahil hindi niya sinabi ang tungkol sa fiance niya.

Nailigtas na nila ako sa lugar na kailanman ayaw ko ng balikan.
Ang mapapait na karanasang aking naengkwentro.
Na hindi ko ninais na mangyari.

Sa tulong ng mga health kit ng rescue team nagamot nila ang mga sugat ko.
Lulan ng ambulansya dinala kaming tatlo sa may pinakamalapit na ospital.

Gulong-gulo, Makapigil-hiningang eksena.
Ayoko nang maulit pa ang mga nangyari. Masakit. Sobrang sakit .

💔💔

--
"Even when you have every right to be tired of everything, Never be tired of living."

BayuletPrincess 💜

Sa Ibang MundoWhere stories live. Discover now