Chapter 8

679 14 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Love anong oras ba matatapos yung training niyo mamaya?" Kanina ko pa siya tinatanong pero hindi niya pa din ako sinasagot.

Nandito kami ngayon sa canteen kumakain kaming dalawa. Yes po dalawa lang kami ang kumakain wala po yung mga kaibigan niya ngayon. And yes bumalik na po siya sa team nila ayaw pa nga niya nung una pero pumayag din nung huli. Alam ko naman na gustong gusto niya talaga ang paglalaro ng basketball. And finally okay na din sila ni Juan pero alam ko may galit pa din siya kay Juan dahil sa sinabi ni Juan kay Roxanne noon.

"Kanina ko pa sinasabi sayong wag mo akong tagawin sa endearment na yan. Nakakadiri kasing pakinggan!" Cold as always. Ibang iba na nga ang Ricci na minahal ko noon sa Ricci na kaharap ko ngayon.

"Why not? After all endearment naman talaga natin yan diba? Wait can I have a favor love?"  Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kailangan na mag panggap Jade wala naman si Daddy dito. Kumain ka na nga lang diyan." May halong galit sa tono ng boses niya.

Pero dahil makulit ako syempre hindi ko siya sinunod.

"Love birthday na pala ni Riley next week. Love pwede mo ba akong samahan sa mall bibili lang tayo ng gift for Riley." Masayang sabi ko.

"Malaki ka na kaya mo na yun." Seryosong sabi niya.

"So ayaw mo? Sige kay Tito na lang ako mag papasama para hindi na ako mahirapan na pumili ng gift ko for Riley." Tignan lang natin kung hindi siya papayag.

"Blackmail hah?" His smirking, isa sa mga bagay na namimiss ko sa kanya.

"I don't think so love." Ngumiti ako sa kanya.

"Fine! Sabihin mo lang kung kailan mo gustong umalis. Una nako." and after that tumayo na siya at umalis.

Tumayo din ako at hinabol ko na siya. Bigla kung hinawakan ang kamay niya at sumabay na ako sa kanya sa paglalakad.

"Hindi pa nga tayo tapos kumain love umalis ka na agad. Yan tuloy hindi ako nabusog tsaka sayang yung pagkain na naiwan don." Nakasimangot na sabi ko.

Holding hands while walking, and yes finally hindi niya na inalis ang kamay ko. Last week kasi everytime na gagawin ko sa kanya to inaalis niya agad ang kamay ko at nilalayo niya yung sarili niya sakin.

"First time ata to love, I mean last week ayaw mong hinahawakan kita tapos ngayon parang okay na lang sayo."

"Ilang beses ko ng sinabi sayo na wag kang didikit sakin pero nakinig ka ba? Diba hindi so what the use na pigilan ka. Tsaka baka mag sumbong ka pa kay dad na sinasaktan kita." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis.

"So you mean okay na sayong gawin natin sa public yung ginagawa ng mga couples pag na sa public? Yung kahit na wala si Tito sweet pa rin tayo?"

"Madaming mata na nakatingin satin and who knows baka isa sa kanila ang inutusan ni dad para bantayan tayo. It does not mean na okay na yung treatment ko sayo in public okay na tayo. Dahil sa totoo lang Jade sobra sobra pa din ang galit at sakit dito sa puso ko." ramdam ko sa tono pa lang ng pagkakasabi mo love.

Hindi na lang ako nagsalita baka saan nanaman mapunta ang usapan nato. Naglakad lang kami hanggang sa makadating na kami sa room namin.

The moment na pumasok kami all eyes was on us at nakikita sa mga mukha nila na nagulat silang makitang sabay kami pumasok ni Ricci at magka holding hands pa kami niyan hah.

"Kaya pala nakipag break si Ricci kay Roxanne kasi inahas na ito ng isang malanding transferee." Mataray na sabi ni Alexa.

"Your right girl ang kati kasi masyado. Hindi ko nga alam bakit pinagpalit ni Ricci si Roxanne sa babaeng yan. We all know naman that Roxanne is more better than her." Sabat naman ni Lyka.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now