*takbo
*takbo
*takbo
Takbo lang ako ng takbo kahit san ako makarating.
May mga tao? Hindi parang hayop na tao! Ah basta yun na yun.
Hinahabol nila ako.
*rawwwwwrrrrrr*
Nakakatakot yung mga ungol nila. Sobra sobra ang kaba ko ngayon.
"Tumigil ka!" Isang babaeng may balabal na itim ang humarang sa tinatahak kong daanan.
Hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ito ng balabal niya. Pero nakatitityak akong isa siyang kalaban.
Kase,Nang sumulpot ang babaeng ito, bigla nalang parang naging maamong hayop ang mga halimaw na kanina lamang ay humahabol saken.
Lahat ng hayop nayon ay nasa likudan ko na at parang maamong pusa, nakaupo at pinapanuod ang mga mangyayari o ngangyayari.
"Ito na ang tamang oras para maningil ako at makapaghiganti!" I can feel na galit na galt siya kahit na hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ano bang kasalanan ko sa iyo? Sa inyo? Huh! Ang alam ko wala naman akong kaaway! At wala akong ginagawan ng masama! I did nothing to you I guess!" Hindi ko ipinahalatang natatakot ako.
Kase naman baka mamaya itake niya yung advantage na atakihin ako eh.
"Ikaw wala! Pero yung pamilya mo..." Itinigil niya ang pagsasalita at tumingin saken. Ramdam ko at kitang kita sa mga mata niya ang lungkot, sakit,at poot kahit na nakakatakot siya.
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang mga nanlilisik niyang mata. Hindi ordinaryo ang kulay ng kanyang mata. Isa itong parang nagbabaga at may halong pagkaviolet I guess.
Pero nakakatakot talaga as in!
"Sila! Malaki ang kasalanan sakin!" Pagpapatuloy niya. Halos matunaw ako sa titig niya. Nag iba din ang tono ng pananalita niya. Kung kanina mababakas mo ang lungkot at sakit. Ngayon, purong galit nalang ang makikita. Pero infairness ang ganda niya.
"Huh? Eh mababait naman ang mommy at daddy ko ih! " pangangatwiran ko. It's true naman eh.
"Yung tunay mong mga magulang ang tinutukoy ko!" My goshh. Sinigawan lang naman niya ko. And what did she just say? Tunay? Anong ibig niyang sabihin? Nababaliw na ata tong babaeng to eh.
"At dahil sa inyo namatay... Na- namat- ah basta! Pagbabayarin kita! Mamatay ka!" Galit na galit na siya. Namatay? Kulang ba'to sa buwan at kulang kulang yung mga sinasabi niya. Haissst.
Itinaaas niya ang kanyang kanay kamay at nagulat ako ng biglang may lumabas na parang itim na apoy dun. Habang tumatagal lumalaki ito. At uni unti siyang lumulutang.
"Tikman mo ang galit ko!" Sigaw niya at pinakawalan niya ang itim na apoy sa kamay niya papunta sa direksiyon ko.
Oh my ghosshhh.
Katapusan ko na ba?
"Aahhhhhhhhhh!" Palapit na saken, konti nalang. Parang dinikit ng shoes glue ang paa ko dahil ni hindi manlang ako makaalis sa kinakatayuan ko. At ni hindi manlang din ako makagalaw.
"Waggggggggggg"!
"Ahhhhh!" Naghahabol ako ng hinihinga.
Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
"Anak. Are you okay? Don't worry it's just a dream. Don't cry darling." Kinocomfort ako ni mommy. Nandito pala sila sa kwarto ko.
"M-mom.*sniff* Yun na naman eh.*sniff* Yun na naman yung napanaginipan ko. *sniff*!" Humahagulhul kong sabi kay mom.
"It's alright anak. Panaginip lang yun. Kahit kailan hindi yun mangyayari." Dagdag pa ni dad.
"O-okay po. *sniff*". Medyo kumalma na naman ako.
"Ahm. Cassie, maghanda kana kase baka malate kana sa school!" Umalis na sila sa pagkakayakap saken. Tumayo na si mom and dad. At pinaalalahanan ako ni dad.
"It's just a dream baby." Pagkasabi niya nun ay lumabas na sila ng kwarto ko. At nagsimula na akong maghanda para sa school.
Yeah I know. It's just a dream but, bakit parang halos madalas kong mapanaginipan ang mga pangyayaring ganon.
Madalas akong managinip ng ganon.
Pag hindi ako papatayin. May magic naman daw ako. As in i have power.
And my parents, sa panaginip ko lumalabas na ampon lang daw ako.
Haissst. Buhay nga naman. I can't believe I live my life like the way it is right now.
To be continue...
YOU ARE READING
Mingde Academy: School Of Immortality
FantasyEveryone has hidden identity. Minsan nga lang malalaman mo yun kung kelan huli na ang lahat. But sometimes, it is wrong timing. Minsan naman, kailangan na talagang malaman. Pero paano kung yung lihim na yun pala ang magbabago ng buhay mo? Pano mo...