Chapter 12: Just having fun 2

5.9K 181 8
                                    

Cc's Pov:

"Aaaa!" sigaw ko ng may bumangga sa akin galing sa likod.

Napaupo ako dahil sa pagkabangga ng babae. Buisit! naman eh! Sasapakin ko talaga 'yun eh. Asan naba 'yun?! Hindi pa ako nakakatayo ng nakita ko na agad 'yong babaeng bumangga sa akin. Ang laki ng space dito sa time zone tapos mababangga pa talaga ako no?

"Hoy! Babaeng mukhang alien!" sigaw ko habang nakaupo parin. Lumingon siya sa akin at tumaas ang kilay. Aba! Aba, bruhang 'to ah!

"Ang laki naman kasi ng lugar dito tapos nambabangga ka! Atsaka bulag ka ba? May mata ka ba?!" sigaw ko. Nanlaki ang mata niya dahil sa sigaw ko at parang naiinsulto.

May mata ba talaga 'tong alien nato? Aaa? Hindi nga pala siya alien, tao siya.

"Are you okay miss? Are you out of your mind?" tanong niya tsaka naglakad papunta sa akin sabay taas ng kanyang kilay. Tse! kung makaenglish. Alam kung magenglish no?! Masampulan nga.

"No, i'm not. I'm just saying that you should be careful next time because you.. you might.. bump anyone again!" sabi ko sabay tayo.

"How dare you shout at me? Huh? You don't even know me!" sigaw niya. Grabe talaga eh no? Sige miss ikaw na. Makaenglish ka naman, Wagas! Ee. mukha nga siyang palaka. Aaa hindi alien sabi eh!

"O Yeah?!" sabi ko. Bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay may nagsalita na naman.

"Sorry Miss. She doesn't know what she's talking about. Mianhe." matigas na english at korean na sabi ng lalaking nasa likod na agad naman akong dinaluhan.

Lumaki ang mata ko ng nasa harap ko si Reinhard. Waaa. My knight in shining armor. Waaa. Ang lapit lapit niya sa akin. At pansin ko naman ang gwapo niyang mukha at mapulapula niyang labi at pisngi.

Napahawak ako sa pisngi ko at napaisip. Hiyang-hiya naman ako sa mukha ko. Natulala ako ng ilang minuto sa mukha niya habang ngumunguso.

"Hey. Czyrah? Are you fine? May nangyari ba sa'yo. Kanina pa ako nagsasalita eh." sabi ni Reinhard. Umiling ako tsaka nagsalita. Ano ba itong iniisip ko?

"Gusto kong kumain ng ice cream." sabi ko. Tumawa siya at umiling. "Crazy Girl." ngumiti siya ng napakalaki.

Haaay. Bakit ang gwapo mo? Dinala niya ako sa ice cream store.

"What flavor do you want to eat?" tanong niya habang tumintingin sa ice cream stall.

"Ahm. I want the pandan."sabi ko sabay ngisi at harap sa kanya. Gusto ko talaga ang pandan. Ang sarap kasi eh! Natulala siya ng ilang segundo bago humarap ulit sa stall.

May dumi ba ako sa mukha? Hmp.

"Two pandan ice cream." sabi niya sabay senyas sa magscoscoop ng ice cream. Pagkatapos ay binigay niya na agad sa akin ang ice cream.

Umupo kami malapit sa time zone habang kumakain. Tahimik lang kami 'nung una pero binasag ko agad ito.

"Masarap no?" sabi ko sabay ngiti at harap sa kanya. Natulala naman siya ng ilang segundo sa mukha ko bago sumagot.

"Oo, masarap nga." sabi niya sabay ngiti sa akin at agad pumula ang kanyang pisngi. Huh? Anong problema nito?

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sabay punas ng labi.

Tumawa siya bago sumagot."Teka lang." sabi niya sabay kapa sa kanyang bulsa. Ha? Ano ba talagang meron.

"Tss. Bakit wala?" bulong niya tsaka humarap sa akin. Lumapit siya sa akin atsaka bumuntong hininga. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko." Anong nangyari dito? Hoy! puso tumigil ka nga!" sabi ng isip ko.

SHE'S THE GANGSTERWhere stories live. Discover now