Chapter 1

35.9K 478 26
                                    

"Amber naman e! Pleaseeee! I need youuuuu."

Napahilot naman sa sentido si Amber. Umiling siya nang marahan at aalis na sana nang madapa siya.

Pigil naman ang pagtawa ni Raiko habang tinutulungan ang kaibigan. Nang makatayo ay sinamaan siya nito ng tingin.

"What? I didn't even do anything," sumusukong sabi ni Raiko.

"Raiko naman! Hindi ko kaya. Masyadong magkaiba ang mundo namin ng kapatid mo. Hinding hindi kami magkakasundo!!" todo tanggi si Amber sa gusto ng kaibigan.

Nasabi kasi ni Raiko na kinakailangan ni Amber na bantayan ang kapatid nitong maiiwan sa Crest Academy. Lilipat na kasi ito ng school sa kagustuhang makapag move on na sa dalawang babaeng nagpaikot ng kaniyang mundo.

"Why do you even need to transfer? Iiwan mo lang ako rito, ganon?" nagtatampong tugon ni Amber sa kaibigan.

They've never been into each other. EVER. Hindi sila yung tipong magkakagusto sa isa't isa. No. Ibang iba ang taste nila kumpara sa kanilang dalawa.

"I already told you-----"

"Yeah, right. Don't give me sh*ts about love again. I'm so freaking sick of hearing those," she said then rolled her eyes.

"Alam mo, ambait bait mo naman sa iba pero...ugh!" frustrated na tugon ni Raiko. "Pero there's another reason why I wanna transfer."

"What is that?"

"You already know that my brother is not in good terms with me, right?"

"And?"

"Isa pa yon sa dahilan. Masyado niyang gusto si Ashley na mas nagalit pa siya sakin noong niligawan ko ang babaeng gusto niya."

"For me, that's pretty normal."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Raiko.

"Look. Dark is mad at you, from the start. Kasi feeling niya ay nasa iyo ang lahat ng atensyon. It's quite cliché. So given na yung thought na noong niligawan mo yung babaeng gusto niya, mas nagalit siya sayo. He just tends to overthink that you might steal Ashley's attention just like what you always do. He's innocent, pero nagte-take over kasi yung kagustuhan niyang huwag nang mapunta sayo ang atensyon ni Ashley."

"See? This is the reason why I want you to look for him while I'm gone!"

"What? I don't freaking get you!!"

"Basta. He needs you. So please, do me a favor and save him."

She was taken aback. "Save him? From what?" she confusingly asked.

"Darkness."

...................................

"Why am I freaking here?"

"To support me. Look, ngayon ko nalang uli makikita si Aira. Gusto kong malaman kung may nararamdaman pa ba ako sa kaniya."

"Kakagaling ko lang sa practice tapos tatawagin mo ako para lang jan? I should've known better!" naiinis na nitong sabi.

"Oh, Amber. Remember, hindi mo pa ginagawa yung pabor na hinihingi ko sayo."

"Aba. Nagrereklamo ka pa? I would do that favor for free! Pasalamat ka pa nga at pumayag akong gawin yon."

"Rai!" biglang may high-pitched voice na tumawag sa kaibigan niya. And suddenly... "Woah!"

Tinitigan ng babae ang kasama ni Raiko. Napasimangot naman si Amber.

'Luh, pero magkasama lang kami kanina. Nakalimutan ako ni miss Aira?' naisip na lamang ni Amber.

Agad na lumapit si Airalene sa kaniya. "Is this your girlfriend???" biglaan nitong tanong.

Natawa na lamang si Amber at umiling. "Hindi po, miss Aira. Kaibigan niya po ako."

"Wait...Amber?" biglang napatulala si Airalene. "Naku, I didn't recognize you agad. Sorry, hindi talaga ako magaling sa pagtanda ng pangalan," she facepalm.

"Tingnan mo, kasama mo lang yata siya kanina sa practice tapos nakalimutan mo agad," pabirong sabi ni Raiko.

"Kaya nga e, narecognize ko lang sya sa boses. Ang ganda kasi ng boses niya e, hahaha!" she exclaimed.

Napakamot ng pisngi si Amber, tandang medyo nakakaramdam na siya ng hiya. "That's too much compliment po, miss Aira."

"Totoo naman e. And she's actually one of our best dancers," dagdag ni Airalene. "Saan ka pa, Rai?"

Wala man lang kaalam-alam si Aira na siya pala ang gusto ni Raiko. Napatingin si Amber sa kaibigan at nakitang nakangiti lamang ito ng kaunti. Hindi mapigilan ni Amber na mapaisip kung bakit pumunta sila sa birthday party ng bestfriend ni Aira.

"You're the best dancer," biglang nagsalita si Joseph, na hindi napansin ni Amber ay nandon na pala. "Saan pa ba ko?"

Hindi makapaniwalang napatingin si Amber dito. Nambobola rin pala ang binata? Medyo natawa siya. "Nagjojoke ka rin pala, sir Joseph."

"Blood," pagcocorrect sa kaniya nito.

"Okay," she shrugged.

Nakita niyang medyo hinanap ni Joseph si Airalene. Napatingin siya sa kaibigang kanina pa nakatingin kung nasaan si Airalene.

'Sige, magtinginan nalang kayo jan!' naisip nalang ni Amber.

Habang nakanguso at nakatingin kay Joseph, bigla nalang rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng binata kaya sinundan niya ito ng tingin.

'Bakit ba ang malas ko?' nanghihinayang si Amber habang nakatingin sa mga dumating.

Ang dami dami kasi dapat niyang maaaring gawin, pero heto siya at sinasamahan ang kaibigan na balikan ang nakaraan.

Tapos heto at ang iniiwasan niyang pabor ay kusa nang lumalapit.

Humakbang palapit sa babaeng kasama ni Dark si Joseph para siguro ito ay i-welcome sa bahay niya. Yung para bang 'Maligayang pagdating at maaari ka nang pumasok sa bahay ni kuya.' Charot.

Bigla namang sumunod si Raiko para siguro igreet ang kapatid niya. Pero ang walangya, nag-walk out lang matapos puntahan ni Raiko.

'Aba, aba!' isip ni Amber. 'May attitude ang batang ito ah. Mukhang magkapatid nga sila ni Jung.'

Hanggang sa kumakain na siya, hindi tuloy maalis ang tingin niya sa binatang may pangalang kadiliman. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw nito. Tinitimbang ang emosyong nilalabas nito. Maging ang mga pinipigilang emosyon ay kaniyang nahahalata.

'Ano kaya ang problema ng batang ito sa buhay?' pilit niyang inaalam.

Pero nag-shift ang iniisip niya sa pagtawag niya ritong bata. Narealize niyang magkasing edad lamang pala silang dalawa. At kung titingnan ay mas bata siya kumpara rito.

'Bakit kasi late ako pinanganak? Ugh! Pero di bale na, mukha naman akong mas matanda kay Raiko. Err.'

Umupo sa tabi niya si Raiko. Hindi naman niya ito agad napansin. Kain lamang siya nang kain ng spaghetti.

"You're interested with him now," confident niyang sabi.

"Ayy kadiliman!" gulat na napatingin si Amber sa kaniya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Papatayin mo ba ko?"

"Hindi kita pwedeng patayin kasi kailangan ka pa ng kapatid ko."

"Shet ka."

"Oh ano na? Interested ka na nga? Matutunaw na kapatid ko sa kakatitig mo."

"Asa!" nakanguso na niyang sabi. "I'm curious with him. Gusto ko lang malaman kung bakit siya ganyan," sabay subo uli ng spaghetti.

"Curious, huh?" sabi ni Raiko. "Curiosity always leads you to finding out. Gagawin mo na ba ang hinihingi kong pabor?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Amber. "Just like what you said, curiosity means I wanna find it out myself. Alam mo naman na siguro ang sagot ko."

Playing with the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now