Chapter 10

4.8K 96 29
                                    

MARGUIRET'S POV

Naglalakad ako sa hallway at nakita ko si....Irene?...galing sa Office ni Stacy?...ano naman ginawa nya dun?

First time ko lang makakakita na ka section namin na pumunta sa office ni stacy ah...

Baka wala lang naman siguro yun

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at bumalik sa classroom

Pagkapunta ko sa classroom ay nakita ko si Jackson na nakaupo sa pwesto nya at naka headset. Lumapit naman ako sakanya "hi Jackson!!" Pagbati ko sakanya pero tinignan nya lang ako at nginitian...hmm sanay nako sakanya haha ganyan naman sya parati eh "ano gawa mo??" Tanong ko sakanya

"Humihinga" pamimilosopo nya

"Tss sabi ko nga" sabi ko at umupo sa tabi nya "anong pinapakingan mo?" Tanong ko ulet

"Music" tipid nyang sagot

"Haaaay nako Jackson...jackson, jackson, jackson!"

"Haaay nako Marguiret... Marguiret, Marguiret, Marguiret" sabi nya at tunawa "hahaha kahit kelan talaga makulet ka" sabi nya saakin

"Syempre ako pa ba" sabi ko at tumawa

"Oyy ano ginagawa nyo? Landian nanaman?!" Panira naman ng moment tong si Rose!

"Rooosee! Nakapa perfect timing mo talagaaa!" Sabi ko kay Rose at nginitian sya...kahit kelan talaga tong si rose eh! Panira moment eh

"Ay ganun? Thank u!!" Sabi ni Rose at umupo sa likod ni Jackson

"Hays...anyways..kilala nyo sila Irene diba?" Tanong ni Jackson

"Malamang...kaklase natin yun eh panong hindi?" Sarcastic kong sinabi sakanya

"Ay oo!! Actually gusto ko silang maging kaibigan eh...kaso nahihiya ako..mukang mataray kasi si Irene" sabi ni Rose

"Oo nga naman haha muka nga syang mataray haha pero pagkaalam ko mabait daw sya"  sabi ni jackson

"Pano mo nasabe?" -me

"Sabi sakin ni Vanessa" -Jackson

"WHAT?! KAY VANESSA?! since when mo nakausap si Vanessa?!" Gulat na tanong ni Rose

"Kaya ngaaa..pano?!" Gulat kong tanong

"Uhhm close kami hehe...noon pa kami nag uusap..hindi nyo nakikita??" Tanong nya

"H-hindi!! Luh bulag nakoo!!" Sabi ko

"Buti alam mo hhahahah" ay sige tawa pa! Tawa pa Jackson! Ganyan ka noh! Huhuhu "Noon pa kami naging close...simula nung kumuha sila ng dorm..kasi ako tumulong sakanya kumuha ng dorm..so simula nun close na kami" owww ganun palaaaa..eh? Bakit hindi ko naman alam? Syempre wala ako dun..tanga mo talaga marguiret! Ay hindi hindi..medyo tanga lang...sobrang talino kong tao eh

"Uyy Jackson pag makiki hangout ka sakanilaaa..uhm sama moko plsss gusto ko silang maka close specialy si Ayana at Irene! Hehe kahit na mukang mataray si irene haha kasi she seems cool" sabi ni Rose

"Hindi sya Cool...mainit sya hahahah" sabi ni jackson "haha joke..pero sige sama kita..ikaw marge?" Tanong nya (marge is pronounced 'Marj')

"Ewan hahah d ako sure sa mga yun" sagot ko

"Bakit naman?" Tanong ni Jackson

"Ewan ko ba..feeling ko isa sakanila killer" oo totoo...feeling ko. Pero feeling ko lang ah? D ako sure dun

"Sama mo! Kilalanin mo kaya muna!" Sigaw sakin ni Rose

" 'feeling' ngalang diba? Feeling lang! Feeeeeliiing!" Sabi ko

Class M-13 (ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ) Where stories live. Discover now