1st Battle

306 34 3
                                    

"If love is a fight, you should die with your heart on the trigger."

CHAPTER 1 

Start

"Good evening po ma'am Stef." bati sa akin ng sekretarya ni daddy. Tinanguan ko bago ito umalis. Nandito ako ngayon sa office ni daddy dahil nagtext sa akin kanina si Mang Jun na ipinatatawag daw ako. I surveyed the furnitures na naroroon sa office nya. Black and brown furnitures that complements the cream white walls, not bad huh? Idagdag mo pa ang makapigil hiningang tanawin sa labas. Mga nagniningning na skyscrapers sa kailaliman ng gabi. I couldn't help but smile. Kahit na taga-syudad ako ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa mga gan'tong mga bagay. Marahil na rin ay dahil sa minsan lang akong makapunta sa opisina ni daddy na nasa 57th floor ng building.

"Baby, sorry I'm late." napalingon ako sa nagsalita, si daddy. He was wearing his famous suit and tie.

"Good evening dad!" bati ko at agad na tumakbo papunta sa kanya. I hugged my dad and he hugged me back.

"I can't breathe dad." I joked. Kinalas nya ang pagkakayakap sa akin.

"How's school?" tanong nya at dumiretso sa kanyang swivel chair. I smiled habang nakatayo sa tapat ng lamesa.

"Okay naman dad. As always, busy pa rin ang lola nyo." I giggled while my dad partially laughed.

"Ikaw talagang bata ka! Confidence, huh?" tanong nya habang tinatanggal ang eyeglasses at nilinisan.

"Mana sa'yo eh!" then I winked. Nasamid sya kahit hindi naman sya kumakain at mas lalo akong humagalpak ng tawa nang muntik ng mabagsak ang salamin nya.

"Tsk. Kung ayaw mong mana ako sayo, eh di mana ako kay mommy." Pabiro kong saad. Isinuot muna ni daddy ang salamin nya bago magsalita.

"Ikaw talagang bata ka, ang dami mong inarte." then he laughed. Magsasalita pa lang ako ng bigla nya akong inunahan.

"Magpoprotesta ka kaya uunahan na kita. Try mo Estefania na magprotesta, hindi kita ililibre ng dinner." he raised a brow. Tss. Tinatawag nya na naman akong Estefania. That name is way vintage. Hindi ko nga alam kung bakit iyon sa'kin ipinangalan.

"Dad naman eh! Parati nyo nalang akong inaaasar!" I throwed tantrums on the floor. Well, ganyan ako pag naaasar; pero sa daddy ko lang ako ganyan dahil baka masabihan pa akong childish.

"Estefania Mariz Claveria, pasaway ka talagang bata ka. Nga pala, kanina, tumawag ang mommy mo at sinabing dumating na daw sa bahay ang bisita mo." kumunot ang noo ko. My dad was referring to my so-called music teacher, Zandra Villaber. Dati, gustong gusto ko sya dahil napakagaling nyang tumugtog ng kahit na anong musical instrument kahit nakapikit sya sa buong performance. Magaling din syang arranger kung kaya't hangang hanga ako sa kanya.

But things had to change. Ngayon ay kinokonsidera ko na syang traydor dahil alam kong may lihim silang relasyon ng kuya ko. Mayroon ng asawa si kuya at buntis ng tatlong buwan ang kanyang asawa. Ako pa mismo ang nakahuli sa kanila at sinabi ko ang lahat kina mommy. Pero sa huli, hindi ako pinaniwalaan ng mga tao sa bahay, ani kuya, nung panahon daw na iyon ay nagdesisyon silang mag-usap ng masinsinan upang magkaroon ng closure. Pero syempre, hindi ako naniniwala d'on. Kabisado ko ata ang likaw ng bituka ng kapatid ko 'no!

"Dad, you are considering her as my guest? Oh c'mon! Ayoko na nga sa kanya!" I hissed. Nakaka-asar kasing kinokonsidera nila ang babaeng yun as a guest. Wow lang ha?! Ang kapal talaga nya.

"Mariz, can you just be nice to her? Kahit ngayon lang! May pinagsamahan din naman kayo ng tao! At isa pa, magreresign na rin yung tao." my dad exclaimed. Hindi ko na nagawa pang magprotesta. Lalo pa ngayong tinawag nya akong Mariz, na kalimitan nya lang na ginagamit kapag sinisermunan ako.

HALT THIS FIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon