Fangirling 07

493 32 6
                                    

Kaya agad akong napatingin dun sa nagsalita. XANDER?

Thet. Sa dinami dami ng lalaking makikita ko, bakit si Xander pa? Na nakikipaglandian sa puritang babaeng 'to?!

"Jessica? May problema ba? Dadaan ka ba? Nakakaabala ka oh." inis na sabi ni Xander sakin.

"Layas nga! Ang landi mo ha! Makatingin ka sa Boyfriend ko!" sigaw nung malanding babae sabay tulak sakin.

Nag iinit ang ulo ko sa babaeng 'to ah! Ang lakas ng loob ako itulak! Hindi naman kagandahan, puro make up!

"Wow ha! Ang kapal naman ng mukha mong itulak at pagsabihan akong malandi! Pwede mo lang ako itulak kung maganda ka! Yung tipong mga Taeyeon! Grabe, nalilito ako kung ano talaga 'yung makapal. Yung make up o yung mukha? Argh." sarkastikong sabi ko dun sa babae.

Nakita kong namumula na yung pagmumukha nung babae. Natahimik lang siya.

Paalis na sana ako, kaso may naalala ako.

"Tsaka please! Kung maglalandian kayo, huwag yung lantad. Paharang harang." sabay tingin kay Xander from head to toe.

Kapal ng mukha nitong lalaking 'to. Pogi pa sayo si Jungkook at Chanyeol! Mukha niya. Bumalik nalang ako sa room, baka madaanan ko na naman 'tong dalawang 'to,eh.

"BESTIEE! Juthko! Si Luhan, napakamanly niya talaga. Sambutin mo ako, bestie! Nafafall ako kay Luhan!" salubong sakin ni Nicole at umaktong matutumba.

Badtrip ako, Nicole. Wag ngayon. Hindi ko muna siya pinansin kaya ayun, bumagsak talaga. Umupo nalang ako sa upuan ko, syempre.

"Jessica, bakit hindi mo ako sinambot? Ang sakit tuloy ng pwet ko."

nag pag pout pa siya. 

"Text ko nalang sayo mamaya. Huwag mo muna ako pansinin, bestie." sabi ko sakanya.

"Okay, bestie. Andito lang ako ha! Yiieee. Joke lang." sabay alis niya sa tabi ko.

Tumungo nalang muna ako. Alam na ni Nicole 'yun. Kapag badtrip ako, talagang hindi ako nangangausap.

-------------

Uwian na. Gusto ko nang makauwi sa Bahay. Kaso mag cocommute pa ako. Hayxczs. Hindi ako Rich Kid eh, kaya tiis nalang.

"Miss, pakiabot naman oh."

"Miss, pakiabot naman! Ano ba?" sabi nung babae sa tabi ko.

"Ay. Sorry, ate." sabay abot ng bayad niya, at syempre, bayad ko din.

Pero sa loob loob ko, aba?! Grabe siya makautos ha! Lakadin niya hanggang sa Driver! Mag uutos na nga lang sisigaw pa.

"KUYA, PARA PO!" sigaw  ko.

"KUYA! PARA!" pero naandar parin.

"KUYA! PA .... WALA NA! LAGPAS NA!" sabay ipinara na ako ng Jeep.

Ipapara niya ako, nasa kabilang kanto na 'yung Subdivision namin! Hay nako.

Lalakadin ko pa tuloy 'tong kanto. Wala na akong pera pang tricycle eh.

Thet. Bakit ngayon pa nagkaroon ng grupo ng mga nag babasketball na mukhang may away. Thet, ganto ba akong kamalas ngayon?

"Chanyeol, iligtas mo ako. Chanyeol mylabs. Gusto pa kitang makita." bulong ko sa sarili ko.

Pero may bigla nalang humila saking lalaki papunta sa medyo tagong pader.

Pakthet. Bakit 'yung mga nakikilala kong lalaki, may kamukha sa BTS? Kamukha siya ni Jimin.

"Bakit ka tumigil dun? Muntikan ka na makita nung isa. Hindi mo ba napansin na walang dumadaan dito.Kung hindi damay ka doon!" bulong sakin nung lalaki.

"A-ah. Sorry, hindi naman ako taga dit----" tinakpan niya agad yung bibig ko.

Nag sign pa siya na manahimik ako. Nakita kong nagsisimula nang mag away 'yung mga lalaki.

Napatingin ako dun sa dadaang lalaki. Baka mapahamak kasi siya dun eh. Tama ba nakikita ko? Si Drake ba 'yun? Oo nga! Jongina! Si Drake!

"Kuya! Tulungan mo 'yun, please! Kapatid ko 'yun!" bulong ko dun sa lalaki.

Nag sign siya na 'wait'.

"Pagbilang ko ng tatlo. Tatakbo tayo. Isasabay natin 'yung kapatid mo ha!" bulong niya sakin.

" Hana."

D________O

" Dul"
"Set, Takbo!" bulong niya na saktong rinig ko.

Tumakbo kami ng mabilis, nakita ko na nakita kami nung mga lalaki.

Hinila ni Lalaking di ko kilala si Drake palayo sa mga nagbubugbugan.

Hinabol kami nung mga lalaki, thet. Mukhang madadamay pa kami dito. Lalo naming binilisan yung takbo namin papunta sa Subdivision namin. Atleast samin, may guard.

"Malapit na tayo!" sabi ko dun sa kamukha ni Jimin. Hindi niya pa kasi alam kung anong Subdivision ako.

"Ate! Bilisan mo! Katanga tanga naman eh!" sigaw ni Drake, habang tinutulungan nila ako makatayo agad.

Nadapa ako, ang bilis kaya nila tumakbo.

"SA WAKAS!" sigaw naming tatlo, kasi nakapasok na kami sa Subdivision. Sinaway na din nung Guard 'yung mga lalaking humahabol samin.

Nakakapagod. Sobrang nakakapagod.

"Ayos lang kayo?" tanong nung lalaki samin habang nahingal pa siya.

"Oo pre. Salamat." sabi ni Drake dun sa Lalaki.

"Ano nga palang pangalan niyo?" tanong samin nung lalaki.

"Ako po si Drake, siya naman po si Jessica. Magkapatid po kami." sabi ni Drake.

"Wow! Galang ah. Sana sakin rin." sabay pout ko. Mahulog ka sa aegyo ko Drake!

"A-ah. Sige. Ako nga pala si Luis." sabi ni Luis, sabay nakipag shake hands siya samin.

Oh. Chanyeol. Ilayo mo ako sa mala tuksong nilalang na ito.

"Sama ka muna sa Bahay namin. Meryenda ka muna. Pasalamat nalang namin." pag aaya ni Drake kay Luis.

-----------

Annyeong haseyo! :) Tinatry ko talagang makapag UD po araw araw. Sorry po ah. Dapat po pala EXO - L na yung Title. XD

Sana po basahin niyo parin! Kamsahamnida. :) <3

ImUnnieDo

Destined to be an EXO-L Where stories live. Discover now