Chapter 1: The First Meet

50 3 5
                                    

Welcome to radio 107.5 FM . Now playing Sleep Tonight by December Avenue~

Gosh...Pasukan nanaman pala. Damn this alarm clock ang aga aga.

Bumangon na ako at naghanap na nang masusuot. First day nga pala ngayon i need to make myself appealing. Habang naghahanap ako sa drawer ko may nakita akong maliit na box.

gosh i miss her kung nandun lang sana ako *sigh*

Ano nanaman ba  tong iniisip ko. Makapag ayos na nga ma-late pa ako first day nang school.

Hindi pa pala ako nakakapag pakilala. Ako nga pala si Alice Clementine, but you can call me Alice or Al. Campus Vice president ako and campus crush din. Hindi naman sa pagmamayabang isa rin ako sa topnotcher nang campus kaya naman halos lahat nang nasa campus ay kilala ako. I'm 5 feet and 7 inches tall, nag mana ako sa mom ko na taga Canada, which explains why im from a well off family. That's enough introduction for me siguro, you will get to know me better, kaya chill ka lang.

Bumaba na ako nang kwarto pag tapos kong mag bihis. Naamoy ko agad yung nilulutong breakfast, kaso late na ako hindi na siguro ako mag breakfast. Pumasok na ako sa kitchen and i saw my mom cooking eggs ang bacon lumapit ako sa mom ko and niyapos ko siya.

 "Good morning mom, ang bango nang niluluto mo ah."

"Oh gising ka na pala kain ka na muna nag luto ako nang breakfast mo."

"Uhm mom di na siguro late na ako e baka sa school na ako mag grab nang light snacks."

"Hmm sige sayang naman ang sarap pa naman nang niluto ko para sayo."

"No worries mom next time aagahan ko para matikman ko niluluto mo sa umaga. By the way asan si Dad?"

"Ay nauna na yun kanina pa umalis tinawagan ata siya nang company niya may emergency meeting ata." 

"Ahh sige na mom pasok na ako byeeeee." Kiniss ko siya sa cheeks.

"Sige ingat ka ah."

Nagmadali narin akong umalis dahil baka ma-late pa ako.

Nang dumating ako sa school ang dami na agad mga group of friends akong nakita. Hinahanap ko rin yung mga kaibigan ko. Pag baba ko nang sasakyan almost all eyes on me. Syempre sa ganda kong to sabay ang ganda pa nang OOTD ko, edi sapaw na sapaw agad yung iba no?

May biglang yumakap sa likod ko "UYYYYY BESHYYYYYYYY!!!!"

"Jusko, nakakagulat ka naman Meg."

"Ano ka ba namiss lang kita ang tagal nang break natin no?"

Siya nga pala si Meghan bestfriend ko x childhood friend x elementary friend x highschool friend sige lahat hahaha kumbaga siya yung beshy ko for life.

Nakaka good mood naman to si Meg. "I miss you too Meg."

"Grabe OOTD mo te ah sapaw ang dapat sapawan e."

"Ano ka ba simple nga lang to e."

"Napaka humble talaga *laugh* tara na nga malate na tayo sa class natin."

"Sige una ka na Meg bibili lang ako snacks sa cafeteria di ako nakapag breakfast e."

"Hmm sige alam mo nanaman room natin diba? Wait kita don, i'll save you a seat."

"Thank you beshy, sige bili lang ako ah byeeee."

Habang naglalakad ako sa campus may napansin ako sa rooftop nang isang building.

MAY ESTUDYANTE NA NAKA UPO SA LEDGE NANG ROOFTOP!?

Dali dali akong nanakbo paakyat nang hagdan 

2nd floor~

bat ba ako nananakbo?

3rd floor~

di ko naman kilala yon.

4th floor~

bakit napaka taas nang building na to.

5th floor~

bahala na siya sa buhay niya.

6th floor~

bahala na raw pero natakbo parin.

Rooftop~

Nakita ko siya nakatayo na

"WAG KANG TATALON LOKO KA!!!"  

"Ha?"

*hinihingal* "Wag kang tatalon marami pang nagmamahal sayo"

"Anong sinasabi mo? Naloloka ka na ba?" iritadong sagot ni Ace.

"Basta pag usapan natin problema mo. Di malulutas nang pagtalon diyan yung problema mo."

"Ewan ko sayo baliw ka na ata."

Di ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bigla akong tumakbo at hinila siya palayo sa dulo nang rooftop.

Napabagsak siya papunta sakin dahilan para mapahiga kami parehas sa sahig.

"Aray!" sabay nilang sabi.

"Bakit mo ko hinila!?" Galit na pagkasabi ni Ace.

"Nililigtas lang kita!" Pasigaw din na sabi ni Alice

"Baliw ka ba di naman ako tatalon doon!"

Habang nagaaway kami biglang bumukas ang pinto nang rooftop.

"Anong nangyayari dito!?" Pasigaw na sabi nang director nang school namin.

Naabutan niya kaming nakahiga sa sahig habang itong lalaki na to nasa ibabaw ko.

"Mr. Carter and Ms. Clementine TO MY OFFICE NOW!"

Patay....












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I don't know youWhere stories live. Discover now