Tama na..

805 7 0
                                    

'Tama na"

Mahal...kita,
Dalawang salitang aking binibitawan ngunit.. hindi nasusuklian.
Mahal..kita,
Dalawang salitang nais kong marinig mula sayo.

Mahal kita..,
Dalawang salita na.. sa ibang babae mo lang sinasabi.
Mahal kita,
Oo mahal kita!

Pinipigilan ko ang aking luha..,
Sa tuwing nakikita kita na.. hinahalikan mo sya.
Ano masarap ba?!
Bakit ba?! Ano bang wala sakin na meron sya?!

Sabihin mo nga!,
Ahh alam ko na..,
Ikaw! Ikaw ang wala ako pero..
Meron sya...

Oo na ako na ang dakilang tanga,
Nagmamahal lang naman ako ah,
Pero bakit kasi tong puso napaka tanga,
Puso ano ba! Bakit sya pa?!

Siguro kung sasagot 'tong puso siguro sasabihin nyang,
'Eh sa gusto ko eh, anong magagawa mo?'.
Nababaliw na talaga ako haha,
Siguro dapat ko nang tigilan tong kabaliwan ko.

Siguro nga dapat ko nang isipin na wala na talaga..,
Hindi mo naman ako masisisi kung bakit sya.
Wala eh sakanya tumibok to,
Sakanya tumibok 'tong puso ko.

Mahal...kita..,
Oo mahal kita..,
Pero masakit na kaya..,
Tama na.

Spoken Poetry (Tagalog)Where stories live. Discover now