Akala ko

191 4 0
                                    


Akala ko nung una iba ka,
At Napatunayan mo nga,
Hindi ikaw iyong tipo na magaling sa salita,
Hindi rin iyong tipo na nangangako basta basta,

Masaya kang kasama, 
Hindi boring kahit hindi ka magsalita, 
Hindi gaya ng iba, 
Na uumpisahan sa matatamis na salita para mapabihag ka,

Nakasama kita sa mga lugar na gustong gusto kong puntahan, 
Lugar na gustong gusto kong tambayan, 
Hindi ka maarte gaya ng ibang nakilala kong lalake, 
Kaya nga noong dumating ka di na ako naginarte dahil baka ikaw na iyong hinihintay kong lalake,

Sinimulan kitang ipagdasal, 
Hilingin sa mga bituin na sana sa lalakeng to sumaya na ako,
At oo nga--unti unti dinidinig iyong panalangin ko, 
Hanggang sa bigla nalang nagfireworks yung mga salita mo kahit hindi pa pasko,

Biglang hindi kana sigurado, 
Biglang hanggang ganito lang tayo, 
Hindi mo man lang ako inilaban, 
Hindi mo man lang ako pinanindigan o kaya sinubukan,

Para saan iyong mga mensaheng araw araw kong nababasa, 
Sinakyan mo lang ako ganon ba? 
Sinakyan mo lang yung gusto ko hindi mo na inisip na sa pag go with the flow mo masasaktan ako,

Oo umasa na ako, 
Kasi akala ko may pag asa ako, 
Na baka magwork kasi usapan nating magiging tayo pag tama na yung panahon at oras,
Kaso wala eh,

Sinundo sundo mo pa ako kung lilisanin mo rin naman ako, 
Sinamahan mo pa ako kung hindi ka rin naman tatagal sa buhay ko, 
Tinawag mo pa akong mahal iyon pala hindi naman talaga ako ang mahal mo, 
Nagiloveyou ka pa hindi naman pala totoo,

Hindi ko nga na nga malaman kung saan ako nagkamali sa pagkakakilala sayo, 
Na sa sobrang bait na bait ako sayo,
Wala sa isip ko yung baka una palang wala ng totoo,

Na P.E Class lang to,
Na Laruan lang ng feelings itong ipinaglaban ko,
Takot na takot ako magmahal pero nagawa ko ang mga iyon sayo,
Sinubukan ko ulit magtiwala dahil baka umayon narin sakin ngayon ang tadhana,

Pero wala talaga, "Parang tayo" na nga,
Hindi pa nabigyan ng pagkakataong matuluyang "tayo na"
Puro ka masasaktan lang ako,
Puro ka masasaktan mo lang ako,

Hindi ba mas nakakasakit iyong ipinaramdam mong parang meron na, Tapos bigla kang bibigay at mawawala?
Hindi ba mas masakit iyong pinakita mong sigurado ka pero hindi pala talaga? 
Pero hindi naman kita masisisi kung mas pipiliin mong umalis,

Kung saan ka masaya kung sakanya pa rin ba o bahala kana,
Pero sana noong naisip mo ng hindi mo ako mabibigyan ng pag-asa, 
Sana lumayo kana,
Sana nagkusa ka na,
Kaya mo naman eh,
Pero nanatili ka kahit alam mo sa sarili mong mangiiwan at magpapaiyak ka.

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon