Petite Nerdie 22

4.7K 201 0
                                    


Petite Nerdie 22

Kasalukuyan akong nasa bahay pa rin ni Rain, sobra na kasi akong pagod kaya hinde na ako nag-abala pang umuwi. Gusto ko na sanang umuwi para mapakain ko na si Twilight kaya nga lang pagod na ako. Siguro bukas na lang at sana maalala ko.

" siguro napagod kita masyado ngayong araw.. sorry talaga, ibabalik na kita bukas.." sagot niya, nakakatuwa nga itong si rain dahil kanina pa siyang mukhang tanga pagkatapos ko siyang halikan kanina sa pisnge. Pero napakaadorable naman ng mukha niya pag mukha siyang tanga kaya hinde ko maiwasang titigan siya sa mga oras na yon.

Kasalukuyan kasi akong nakahiga sa kama niya, hinde pa nga ako nagpapalit ng damit kasi tinatamad na ako. Kakalabas lang ni rain ng banyo at wala siyang suot kundi yung Boxer lang niya. Grabe, nagkakasala talaga ako pag nakakakita ako ng mga ganun.

" wag kang tatabi sa akin !! malilintikan ka talaga !!" pagbabanta ko sa kanya, nakangisi lang ito habang papalapit siya sa kinahihigaan ko. Namumuro na talaga tung rain na ito sa akin.

Nung malapit na siya ay bumangon na ako at lumipat sa sofa, ayaw ko kasing maulit yung karanasan ko kaninang umaga. Hinde na ako papayag sa ganon.

" Huy, daniel.. sa kama kana matulog.. wala naman akong gagawin sayung masama.. unless kung ikaw ang nagiisip ng masama.." nanunuksong sagot ni rain, kaagad akong pinamulahanan ng mukha sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang manyakis eh siya yung may motibo.

" hinde no, ayaw ko.. matulog ka na lang diyan.." sagot ko sa kanya, kaagad ko namang pinikit ang mata ko para makatulog na ako.

Third Person POV

Habang nadedevelop ang feelings ni rain kay Daniel ay kasalukuyan namang nasa Bar si Kevin at nagpapakalango sa alak. Hinde niya inaakala na magkakaganito siya sa bakla na nakilala niya.

" bakit kasi ganito ?!! Straight ako at hinde ko gustong pumatol sa isang bakla !!! .." sigaw niya, hinde na niya inintinde ang mga taong maaaring makarinig ng sasabihin niya. Ganon siya ka walang pake kung lasing siya.

Sa bawat paginom niya ng alak ay merong mga alaala ang sumisiksik sa kanyang ulo. Mula sa puntong bibigyan na niya ng kanyang card si daniel, at mga oras ng klase na si daniel ang naiisip niya. Sobra na siyang nalulula sa mga nangyayari at ngayon gulong-gulo na siya sa kanyang kasarian.

Hinde na niya alam ang nangyayari kaya dinadaan na lang niya sa paginom.

Sa pagiinom niya ng alak ay nakalimang bote na siya, hinde na niya namalayan ang oras. Sa pag-iisip niya ay biglang dumapo ang mga sinabi ni adrian na nasa bahay ni rain si daniel. Kaagad na nakaramdam ng galit aang isang Kevin Lastimosa.

Napuno na ng galit ang expresyon ni Kevin, habang iniisip niy kung may nangyari ba sa dalawa. Hinde na niya kasi kayang makontrol pa ang sarili hanggang sa hinawakan na niya ang kanyang telepono at tinawagan ang taong nasa speed dial ng cellphone niya para magpasundo sa kung sino man ang natawagan niya.

Hinde na niya alam ang nangyayari pero isa lang ang sigurado, galit na galit siya dahil kasama ni Rain si daniel sa bahay nito.

Kevin Lastimosa POV

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko alam ang gagawin kaya bumaba ako para makapunta ng kusina. Kaagad ko namang nakita si mama na nagluluto sa kusina. Hanggang sa napaisip ako, kaagad kong naisip kung sino ba yung natawagan ko kagabi para dalhin ako sa bahay.

" Nak, hinatid ka pala ng kaibigan mo dito sa bahay.. si Adrian .." kaagad naman akong napatango sa sinabi ni mama. Kaagad namang bumalik sa alaala ko ang mga iniisip ko.

" Nay, paano kung nagkagusto ka sa taong hindi mo inaasahan na magugustuhan mo ? "pagtatanong ko sa kanya, napangiti na lang si mama sa sinabi ko.

" may nagugustuhan naa pala ang anak ko.. syempre anak, magkakagusto ka sa taong yon ay meron ibang dahilan.. hinde naten maiiwasan na tumibok ang puso pero kung siya talaga ang tinitibok nito ay wala na tayung magagawa pa para iwasan yon.. kaya mas magandang harapin mo na yang nararamdaman mo at kilalanin mo yung taong nagugustuhan mo.. tulad din yan dati nung college ako, doon ko nakillala ang papa mo, i feel strange sa kanya kaya sumugal ako.. ang masasabe ko doon ay worth it dahil mahal namen ang isa't- isa.." sabe ni mama, kaagad naman akong napaiyak at lumapit kay mama.

Napayakap na lang ako kay mama dahil siya ang the best palagi talaga siyang nandiyan pag may problema ako. Pero talagang tinamaan ako sa sinabe ni mama. I have feelings towards daniel at gusto kong makumpirma kung ayaw niya sa ganoong relasyon. Bilang lalaki ay ayaw kong mapahiya pero kung siya lang ang mamahalin ko ay handa akong mapahiya basta mapunta lang siya sa akin.

" Ma? Wag kang magagalet ah kase ung nagugustuhan ko eh ano kase..an-o... isa siyang bakla.. " sabi ko kay mama sabay tingin sa baba kase ayokong makita niyang namumula ung pisnge ko, so gay. Ewan ko ba sa tuwing binabanggit o naalala ko ang baklang yon, hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Alam mo anak walang pinipiling kasarian ang pag ibig, tanggap kita kase anak kita doon ako sa ikasisiya ng anak ko.. basta wag mo siyang lolokohin dahil ang tulad nila ay may marurupok na damdamin.. bihira lang sa kanila ang merong matibay na kalooban para harapin ang mga problema.." sabay yakap ng mahigpit ng mama niya sa kanya. hinde ako nakapagsalita sa sinabi ng mama ko, literal akong napatahimik at napaisip sa sinabe niya. Tama nga siya at lagi ko iyon tatandaan.

" Ipakilala mo saken yan ha? Mr. Kevin Lastimosa .. ngapala anak ang pagmamahal ay hinde basta-basta, hinde ito tulad ng fairytale na nag eend sa isang Happy Ending. Kaya ito ang talagang payo ko sayo, kung mahal mo siya ay handa kang magparaya at magbigay.. Give and take lang yan.. tulad ng sa amen ng papa mo.."sabi ng mama niya habang mag kayakap sila.

"Opo Ma! .." sagot ko kay mama di ko alam kung ano mararamdaman ko dahil sa nangyare ngayon tanggap ni mama na ang isa niyang tuwid na anak ay may namumuong pag ibig sa isang bakla at nagpapasalamat akong may maunawain akong nanay na katulad niya.

/ tsaka na yung update.. pero salamat dahil umabot na tayu sa 1k reads xD mgdiwang !!! /

The Petite NerdDove le storie prendono vita. Scoprilo ora