Chapter 4: Purgatory

3 0 0
                                    

Isabel's POV.

Pauwi na sana ko galing sa bahay ni Lilia ng bigla na lamang dumilim at kumulog ng malakas.

"Lilia? "

Naputol na lamang bigla ang sasabihin ko ng makita ko ang isang batang babae sa tabi nya puno ito ng dugo at halos sira ang kalahati ng ulo nito base sa tangkad nito ay nasa labingdalawang taon gulang ito.

Gusto ko sanang sumigaw ng mga sandaling iyon ngunit para bang may pumipigil sa boses ka na lumabas at bukod pa don ay napansin ko na palapit sya ng palapit sa harapan ko mismo habang nakatingin sakin at nakangiti ng nakakatakot.

"Rrrooooaaarrr!!!"

Ungol ng batang babae habang papalapit ng papalapit sakin habang si Lilia naman ay nakatingin lamang sakin na para bang hindi nya alam ang mga nangyayari.

"Lumayo ka sakin kung sino ka man"

Sigaw ko sa batang babae na ngayon ay nasa harap ko at halos isang pulgada na lang ang layo sakin.

"Hehehehehe...."

Ngunit tiningnan nya lamang ako ng masama ang nilalapit ang dulo ng daliri nya sa isang bahagi ng mata ko. Ilang minuto rin akong nanatiling nakatayo sa pwestong iyon hanggang sa kusa na lamang sya naglaho sa harap ko.

*phew* "Mabuti na lang at nawala na sya sa harap ko."

Nakahinga ko ng maluwag sa pagaakalang tuluyan ng umalis ang multo ng batang babae ngunit ilang saglit lamang ay bigla ko na lamang ako nakaramdam ng lamig sa likod ko.

Ito pala ang multo ng batang babae na ngayon ay nasa likod ko at nakaambang itulak ako mula sa likuran habang hawak naman nya sa kaliwang kamay nya ang isang piraso ng matulis na kahoy.

"Hehe..."

Inaasahan ko na itutulak nya ko at pagkatapos ay sasaksakin nya ko gamit ang piraso ng kahoy na iyon kaya naman inunahan ko na sya at yumuko ako upang makailag ngunit ang sumunod na nangyari ang di ko inaasahan huli na ng malaman ko na nakatarak na mismo sa ulo ko ang piraso ng kahoy na kanina lang ay hawak hawak nya.

"Aaaaaahhhhhh.....
Hinde..... hinde..."

Sigaw ni Lilia habang nagpapanik sa nakita nya. Nagpapanik nga ba o isang masamang alaala ang nagbabalik sa kanya ?

Tanging ang sigaw na lamang ni Lilia ang naging huling salitang narinig ko bago tuluyang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.













Gina's POV.

Isang dekada ko mismo pinagdusahan ang paulit ulit na kamatayan sa sinumpang lugar na ito dahil sa isang bagay na hindi ko dapat sana ginawa umpisa palang.

"Sabrina...."

Sa loob ng isang dekada na iyon ay wala akong inisip kung ano ang kalagayan ni Sabrina bawat oras bawat minuto at bawat segundo ay lagi kong iniisip ang kalagayan nya.

"Gina"

Bulong ng isang malalim na boses sa tabi ko na agad ko naman nilingon at tinanong kung sino ito dahil sa pagkakaalam ko ay ako lamang ang buhay sa lugar na ito.

"Dito gina lumapit ka hehehe......"

Agad ko naman pinuntahan ang lugar kung san nanggagaling ang boses at napadpad ako sa isang kwarto ng bahay na ito ang kwarto kung san huling natagpuan si Sarah ang ina ni Sabrina.

Hindi na bago sakin ang makakita ng mga bangkay sa paligid ko ngunit ang kwartong ito lamang ang nakapagbigay kilabot sa mga kalamnam ko at ilang saglit lang ay isang anino na mag pigura ng tao ang lumitaw sa harap ko na may mga mapupulang mata.

The Curse Of ImmortalityWhere stories live. Discover now