「Preface」

11.1K 258 117
                                    

~•~

"You got your wish

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.







"You got your wish. You got my surname attached next to your name and earned the title of being my fvcking wife. Pero 'wag kang umasa na sasakyan ko ang gusto mong mangyari, na magpapaka-asawa ako sa 'yo. No, I won't give you that satisfaction."





Nasabi mo 'yan sa akin pagkatapos ng wedding ceremony natin. Tandang-tanda ko pa ang ekspresyon ng mukha mo noon, pati ang tono ng boses mo. Galit na galit ka. Sobra. At naiintindihan ko kung bakit. Kahit sino namang malagay sa sitwasyong kinalalagyan mo'y hindi rin matutuwa.





Literal na yaman at pangalan lang ang nag-ugnay sa 'ting dalawa. Kinasal tayo hindi dahil sa nararamdaman nating pagmamahal sa isa't isa, kundi dahil kailangan. Isang pirasong papel—isang pirasong kontrata—lang ang nagbuklod sa 'tin. You were forced because our parents signed a contract. At nangyari 'yon dahil sa kagustuhan ko na mapansin mo ako, sa kagustuhan ko na magkaroon ng parte sa buhay mo. Ginawa kong daan ang mga magulang natin, ibinunyag ko ang lihim mo, sinabi kong may relasyon ka sa isang hindi mayaman at malayo sa katayuan mo. Kaya ang resulta, kinailangan mong iwan ang babaeng 'yon. Kinailangan mong iwan siya para sa 'kin.





Ngayon, ramdam ko ang matinding galit mo sa 'kin. Hindi kita masisisi. You have every right to be mad at me. Pinagkatiwalaan mo ako. Naging mabuting kaibigan ka sa 'kin. Pagkatapos hayun pa ang isinukli ko sa 'yo; tinraydor kita.





Sinayang ko ang tiwalang ibinigay mo, pati ang pagkakaibigan natin. Hindi mo 'yon deserve, kaya humihingi ako ng tawad sa 'yo. I'm sorry, kung ganito ako. I'm so sorry that this is how things turned out.





I wish I could explain my feelings. How the sound of your voice gives me butterflies. How your smile makes my heart skip a beat. Alam mo 'yong pakiramdam na gustung-gusto mo 'yong isang tao? Tipong kapag nariyan siya, ayaw mo siyang umalis. Kapag wala siya, hinahanap mo. Nami-miss mo. Hindi ka mapakali.





Gano'n ang nararamdaman ko sa 'yo e. I want you to be mine. Selfishly, thoughtlessly mine . . .





Because how can I be just friends with someone I want to be with all the time? Kung ang ibang tao, kayang itago ang kanilang tunay na nararamdaman. Ako, hindi. Hindi ko talaga kaya.





Kaso ang sakit kapag naaalala ko na may girlfriend ka na. May girlfriend ka na. May nagmamay-ari na ng puso mo. Ang sakit, sakit. Parang sinasaksak ang puso ko. Lalo pa kapag naaalala ko kung gaano niyo rin kamahal ang isa't isa. Parang dinudurog na ang puso ko sa sakit.





I want to talk to you, ask you things, get to know you better. Pero kailangan kong limitahan ang sarili ko. Bawat kilos, kailangan kong pag-isipan. Kailangan kong mag-ingat. It sucks, dahil hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko. Ang dami kong gustong gawin kasama ka, pero hindi ko magawa dahil sa linyang humahati sa ating dalawa.





Sobrang sakit kapag nakikita kitang nakatingin sa kanya, kapag nakikita ko na magkasama kayo at magka-hawak pa ang mga kamay. Hindi dapat ako nasasaktan e. Umpisa pa lang ay alam ko nang malabong maging tayo. Pero ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili ko.





I love the feeling I get when I see you smile. But when I see you smile because of her, it kills me inside.






I always ask myself . . . if I'll ever be that girl.





If I'll ever be good enough for you.




Nakakatawa, di ba? Sino ba ako para maghangad ng gano'n? Mabuti sana kung wala siya, may tsansa pa ako. E kaso nariyan siya, malinaw na wala akong puwang sa buhay mo.





Actually, I wasn't planning on falling for anyone so soon. Wala talaga akong balak na magkaroon ng boyfriend o kung anong relasyon sa isang lalaki. 'Yon ang mindset ko simula nang magkolehiyo ako. Hangga't maaari ay iniiwasan kong magkaroon ng interes sa gano'ng mga bagay.





But then I met you.





Naging magkaibigan tayo.





And that was it . . . Lahat nang ipinangako ko sa sarili'y kinain ko na lang.





I fell in love with you. I don't know how. I don't know why. I just did.





Alam kong mali . . . Maling-mali, dahil una'y may karelasyon ka na. Pangalawa'y magkaibigan tayo. Dapat nirespeto ko kung anong meron tayo. Wala akong espesyal na lugar diyan sa puso mo, you never saw me as more than a friend. Kaya hindi ko na dapat ini-entertain itong nararamdaman ko.





Pero anong ginawa ko? Hinayaan ko pa rin ang sarili ko. Worst, pinilit pa kitang pakasalan ako. Talagang gumawa ako ng paraan para mapapayag ka. Wala e. Sarili ko na lang ang binigyan ko ng pansin. Hindi ko na naisip ang saloobin mo, ang kaligayahan mo, ang mga bagay na mawawala sa 'yo. Naging makitid na ang pang-unawa ko.





I don't know, I cared about you so much that it became draining. I became exhausted and weak. I couldn't hold on any longer. Gusto ko nang maging akin ka. Gusto ko nang mapansin mo ako. Kaya nagawa ko ang makasariling desisyon na 'yon.





Pero kung iniisip mo na hindi ko sinubukang pigilan ang nararamdaman ko para sa iyo, nagkakamali ka. Sinubukan ko naman. Walang araw na hindi ko pinaalalahanan ang sarili ko na hindi pwede, na hindi tayo para sa isa't isa, na may girlfriend ka na at siya ang gusto mo. Na hanggang tingin na lang ako sa 'yo, dahil hinding-hindi mo ako magugustuhan.





Kaso kahit anong pigil ko, ayaw talaga e. Hindi ko maturuan ang puso ko na huwag kang mahalin. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Kaya 'yong mga bagay na akala ko noo'y hindi ko magagawa, nagawa ko. 'Yong mga bagay na akala ko noo'y hindi mangyayari, nangyari.





Siya dapat ang kasama mo ngayon, hindi ba? Pero dahil sa ginawa ko, nagkaroon ng balakid. Dahil sa pagpapakasal natin, imposible nang magpatuloy kayo sa relasyon ninyo. From a trusted friend, suddenly I became the antagonist in your story.





Gayunpaman, hindi ko gustong baguhin ang mga nangyari. Kahit mali ang ginawa ko, hindi ko 'yon gustong itama. Ang sama kong tao. Oo. Aminado ako ro'n. Ayaw ko kasing mawala ka uli. I can lose everything, but not you. I can't afford to lose you. I know it sounds sick, but the thought of losing you really scares me.





I'm sorry, pero naniniwala ako na may rason ang pagdating mo sa buhay ko. Maybe it's God. Maybe it's fate. But I know it's not an accident that I met you.








I will take the risk, because this is my first love.

















시작

Because This Is My First LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora