Katha

19.1K 836 44
                                    

Damdaming ibinubulong sa hangin.

Mga panakaw na tingin.

Ngiti mong sinusubaybayan.

Pag-aasam na mapansin mo man lang.

Pag-ibig na itinatago.

Puso kong laging bigo.

Pag-asang hindi nakikita.

Katotohanang Mahal Kita.

Sadyang bulag sa mga mali mo.

Layuan mo ma'y nandito lang ako.

Isusulat na lamang ang damdamin.

Pag-ibig na hindi kayang aminin.

Sana'y mabasa mo itong aking katha.

Umaamin sa 'yo gamit ang isang tula.

Mahal Kita.

Tinta Ng Ballpen (Mga Tulang Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora