Chapter Two

125 8 0
                                    

Medyo minadali ko to. Here it is. I love to hear you feedbacks. Enjoy reading. :)

"Cassandra, Im sorry." Parang familiar sa akin ang umiiyak na boses na yun.

"Mama?"

"Cassandra, patawarin mo ako." Lalong lumakas ang iyak ng Mommy niya.

"Mama hindi kita maintindihan, anong kasalanan ang nagawa mo?" Naguguluhan talaga ako. Nilapitan ko siya pero naglakad siya palayo.

"Mama wag mo akong iwan." Napatingin ako sa katabi kong bata.

Hinabol ng bata ang Mommy ko, sumunod ako.

Anong nangyayari?

Ang layo na ng itinatakbo namin at hindi ko na nakikita ang Mommy ko. Pagod na pagod na rin ako. Nang biglang napatingin sa akin yung bata. Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito.

"Kasalanan mo lahat to! Kasalanan mo kung bakit umalis si Mama!"

****

Napabalikwas ako ng bangon. Nahihirapan akong huminga, hingal na hingal at uhaw na uhaw ako. Pakiramdam ko tumakbo ako ng milya milya.

Bumangon ako at nagtungo sa personal ref na nasa sulok ng kwarto para kumuha ng tubig.

"Tsk." Nakalimutan na naman lagyan ni Denisse (her personal assistant) ng tubig yung mga pitcher.

Napilitan akong bumaba sa kitchen. Hindi na ako nag-abalang damputin pa yung robe para takpan ang manipis kong white long lace neglegee. Wala naman ibang tao sa bahay eh. Mga katulong lang at si daddy, at sigurado akong tulog na silang lahat.

Napayakap ako sa sarili ko ng mapadaan ako sa Lanai. Ramdam na ramdam ko ang malamig na panggabing ihip ng hangin.

Hindi na ako nagbukas pa ng ilaw, kabisado ko naman daan papuntang kitchen eh. Dahan dahan akong kumuha ng baso at binuksan ang ref.

Malapit ko ng maubos ang laman ng baso ng may napansin akong gumalaw sa may bandang pintuan. Sa tulong ng ilaw sa nakabukas na ref, nakita ko agad kung ano man ang gumalaw na yun or sino rather. Nagkandasamid-samid ako sa gulat ng mamukhaan kung sino ang pangahas na nanonood sa akin.

The great Ryder Harris!

The nerve!

Tinawanan lang niya ako habang panay ang ubo ko. 

"What the hell are you doing in my house Harris?!" tanong ko ng makabawi sa pagkasamid.

"Well," Sabay hagaod ng tingin sa katawan ko. Noon ko lang naalala na manipis pala ang suot kong pantulog.

Sana nagtank top at pajama na lang ako!

Isinara ko yung ref para kahit papaano mabawasan ang liwanag at maitago sa dilim ang katawan kong pinagpipyestahan ng mga mata niya.

He cleared his throat bago siya nagsalita ulit. "I thought you're some kind of ghost when you passed by at the lanai. I followed you to confirm if im really seing things or-"

"How long you've been watching me?"

"Long enough to memorize every curve of you body." He smirked.

Sweet Sacrifice (EDITING)Where stories live. Discover now