When A Snow Prince Fall In Love

4.3K 88 2
                                    

Prologue

Zacch's Pov

"Zacch, I like you, crush kita."

"Sianna, were too young. Tsaka strict ang parents ko. Hahahaha!"

"I'm not joking."

"Pffft, me too."

"Zacch, I swear! When I grow up, magiging isa akong magandang Prinsesa tapos pinapangako kong isa ka sa mga Prinsipeng maaakit sa ganda ko."

"Dream Sianna. Dream."

"No! Magiging totoo 'yon! Pustahan pa tayo oh?"

"Okay, deal."

--

"Zacch, naranasan mo na bang magmahal?"

"Oo."

"Sa opposite sex mo? I mean, nagka girlfriend ka na ba?"

"Of course. Sa itsura kong to himala nalang kung di pa ako nagkakagirlfriend." pagyayabang ko.

"Ah. Ako kasi hindi pa nagkakaboyfriend pero naranasan ko ng magmahal."

"Bakit naman? Sino ba yang mahal mo na di naging kayo?"

"IKAW."

"Hahahahahahahaha!!!" di ko kayang di matawa dahil sa sinabi niya. Alam kong pinagtitripan lang ako ng babaeng to.

"Why are you laughing?"

"Nakakatawa ka kasi. Mahal mo ako? Sianna, mahal din naman kita kasi bestfriend kita."

"Zacch, hindi yun ang ibig kong sabihin. Minahal kita hindi dahil bestfriend kita. Mahal kita dahil ikaw si Zacch. Ikaw si Zacch na kilala ko na mula pagkabata, si Zacch na crush ko, si Zacch na pinangakuan kong maaakit sa ganda ko paglaki ko. Mahal kita kasi mahal kita. Mahirap bang intindihin yon?"

"Sianna, dala lang ng pagkabata natin 'yon. Mag move on na tayo. Teenager na tayo ngayon kaya alam na natin ang pakiramdam ng nagmamahal."

"Pero Zacch..—"

"Shh, kumain ka nalang.. Gutom lang yan." pag iignore ko sa dapat na sasabihin niya. Honestly, parang may parte ng utak ko na gustong maniwala sa kanya pero konti lang naman kaya binalewala ko nalang.

--

"Zacch, siguro naman ngayong lagpas na tayo sa pagiging bata at pagiging teenager, pwede ka ng maniwala sa mga sasabihin ko?"

"Well, go on. After mo, ako naman ang may surprise sayo."

"Zacch, hindi nawala yung pagmamahal ko sayo. Mula pagkabata, nung lumaki tayo at hanggang ngayon mahal pa din kita. Siguro naman may pag asa na akong makapasok jan sa puso mo? Ang panget man tignan na ako ang nanliligaw sayo pero di ko na mapigilan kasi mahal na mahal kita." kahit paulit ulit na nyang sinasabi na mahal niya ako, nagugulat pa din ako.

"Sianna.... I'm sorry."

"B-bakit?"

"May girlfriend na ako. Sianna, meet my girl, Henrietta Henriz. Do you still remember her?" wika ko sabay yakap kay Riett. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Alam kong di niya to ineexpect. Pero di ko naman sya pinaasa diba?

"O-of c-course... A-ah, m-mauna nako sa inyo, may l-lakad pa pala kami ng mga f-friends ko." mautal utal niyang sabi bago tuluyang tumalikod pero hindi naging sapat yon para di ko makita ang pagkislap ng butil ng luhang lumabas mula sa mga mata niya.

--

"Zacch, balita namin may pumoporma ngayon kay Sianna ah? Alam na ba ni Ninang Meigan yan?" bigla akong napaclose fist dahil sa narinig ko kay Winter. Parang bigla nalang ako nakaramdam ng inis ng marinig kong may pumoporma ngayon kay Sianna na di ko naman naramdaman noong may pumorma kay Riett two months after our breakup.

"Hoy! San ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Winter pero di ko nalang pinansin at sumakay na kaagad ako sa kotse ko atsaka 'yon pinaharurot papunta sa bahay nina Sianna. Nang makarating ako don, bigla nalang nagdilim yung paningin ko at walang anu ano'y nasuntok ko yung lalakeng kasama ni Sianna.

"What the hell Zacch?!" galit na sigaw nya sakin.

"Gago ka ah! Sino ka ba?! Bakit basta basta ka nalang nanununtok?!" galit na tanong sakin nung lalakeng sinuntok ko.

"Sino ako?! Boyfriend ako nyang babaeng kasama mo!" ewan ko. Kahit ako nagulat nang bigla yang lumabas sa bibig ko pero di ko pinagsisisihan.

PAK!

"Girlfriend Zacch?! Naririnig mo ba yang pinagsasasabi mo?!" galit na galit na tanong sakin ni Sianna pero di ko magawang sumagot dahil nagulat pa din ako sa malakas na pagkakasampal nya sakin. "Zacch, kung kailan lumayo na ako sa'yo at kung kailan naka move on na ako, tsaka ka naman lalapit saken at sasabihin mong girlfriend moko? Never na naging tayo! Sumuko na ako sa pagiging tanga para mapansin mo! Hindi na kita mahal!" biglang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahang maririnig ko sa kanya ang salitang di na nya ako mahal.

"S-sianna.. Sianna, sorry kung di kita nabigyang pansin noon, Sianna ngayon alam ko na kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo"

"Zacch, it's too late. Hindi na kita mahal, and besides may mahal na akong iba." biglang nag init yung mga mata ko pero pinigilan ko yung mga luhang gustong tumulo. Hindi ako iiyak sa harap ng lalakeng kasama niya.

"Please, fall in love with me again." I pleaded. My tears run through my cheeks when she turn her back on me together with the guy she chose without saying any word.

Napaluhod akong bigla dahil sa sakit na naramdaman ko. Now I know how hurt it is to be refused by the one you love.

When A Snow Prince Fall In Love [Complete]Where stories live. Discover now