33) Sorry Jayden

46.1K 1K 11
                                    

2 Months Later

MACAU

Wylene's POV

Lima kaming Filipino na nakatira dito sa 2-room condo unit dito sa Macau. Kasama ko si Jeza. Na-hire kasi kami agad noon at inabisuhang ayusin ang mga papeles namin.

God is so good! Dahil noong mga panahong iyon I really need a new environment para maka-move on.

It's been three months simula nang umalis ako sa condo ni Jayden and I must admit di pa ako totally naka-move on. He was my first in everything at alam kong kahit anong gawin ko, hindi na siya mabubura sa ala-ala ko.

There is still pain when I remember him pero kailangan kong harapin ang buhay ng wala siya.

"Ako na!" boluntaryo ko nang sunod-sunod ang pagdoorbell sa unit namin. We are not expecting any visitor.

I looked at the peephole. I suddenly felt nervous.

Ang lalaking pilit kong kinakalimutan ng nagdaang mga buwan ay nasa harap mismo ng unit namin.

Napaatras ako.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jeza.

"Si Jayden!" saad ko.

"Oh, My! Paano niya nalamang nandito ka?" napahawak siya sa pisngi niya. She already knew about what happened between us.

"Jez, magtago tayo!" saad ko. Napatayo naman siya agad.

"Guys, please sabihin niyo sa lalaki sa labas pag nagtanong na walang nakatirang Wylene at Jeza dito." Pakiusap ko sa tatlo naming kasama na kasalukuyang nakaupo sa couch at nanunuod ng TV. Tumango naman sila.

Narinig kong pinipilit ni Jayden na nasa loob ako kaya lang itinanggi ng tatlo.

"Kung ayaw mong maniwala kahit maghintay ka diyan sa labas hanggang bukas." Mataray na saad ng isa naming kasama.

"Sige!" saad naman ni Jayden.

When they closed the door, saka kami lumabas ng room.

Sinilip ko siya sa peephole. Andun pa rin siya sa labas.

Pagkaraan ng dalawang oras andun pa rin siya.

"Wyla, baka hanggang umaga na yan diyan baka di na tayo makapasok sa trabaho niyan." Saad naman ni Jeza.

Napaisip ako. Sino ba kasi ang nagsabing andito ako?

"Kausapin mo na kaya siya?" suhestiyon ni Jeza.

"Oo nga, kawawa naman, ang gwapo pa naman." Segunda naman ng isa pa naming kasama.

I sighed.

"I'm not yet ready..." tugon ko.

I called up Janna.

"Ikaw ba ang nagsabi?" bungad ko.

"I'm sorry ate...nakakaawa kasi tatlong buwan na siyang pabalik-balik dito." Depensa niya. I sighed.

Hinanap niya ba talaga ako?

Baka nakunsensiya lang...

But it doesn't change anything niloko niya pa rin ako. Pero kahit ganun, tanggap ko na...na minsan akong nagpakatanga and it won't happen again.

"Janna, please call him up...Tell him na wala na ako dito... I don't care kung sabihin mong nasa Canada na ako or Zimbabwe or Paraguay!"

"Pero ate...baka mas mabuting kausapin mo siya."

"Please???" pakiusap ko.

"Okay sige, if that's what you like..." tugon niya.

After 30 minutes, nakahinga ako ng maluwag... Umalis na siya.

Jayden's POV

When Janna called para sabihing nasa Canada si Wylene, I felt anguish!

She must be really mad para di ako harapin.

I know she's in there.

Una ko kasi siyang pinuntahan kanina sa Mall na pinapasukan niya. Nakita kong kasama niya si Jeza. In fact, sinundan ko sila pauwi.

I know she's there pero ayaw niya akong makausap.

Maybe, she has already made up her mind to shun me out of her life.

Maybe, this marks the end of our journey together.

Maybe, she is just a reminder that I should always be truthful or else nothing will be left from me.

Maybe, it's about time that I should stop chasing my destiny...and let her fly away...

Destiny Will Chase YouWhere stories live. Discover now