1: Dance Your Way Into Love

12 1 0
                                    

Chapter 1

I was silently reading my favourite book nang maramdaman kong parang may nakatingin sa'kin. Tumingin ako sa paligid at doon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng University Gym namin.

Binalik ko ang tingin ko sa libro kong binabasa. Pigilan ko man, I knew I was blushing.

Nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit s'ya sa pwesto ko.

Oh gosh, why does my heart beats faster than normal? Am I having a heart attack?

Boba, wala ka namang sakit sa puso...

E sa isip? Ayan meron na, kinakausap mo na sarili mo.

Touche!

"Hi!" enthusiastic na bati sa akin ng lalaki. I knew him. He's the famous dancer of our University's dance crew. Yes, the guy standing in front of me was none other than Mr. Lance Delgado. The leader and official choreographer of The A-Team Dance Crew.

Hindi ko s'ya pinapansin. Bakit ba!? Feel kong magsuplada... Haha...

But no. Hindi lamang iyon ang dahilan. The fact that he's a dancer, iyon ang pinakaiiwasan ko. He might be cool, and gorgeous standing there next to me doesn't change the fact that he's a dancer.

Yes, I hate their kind. I used to share the same passion ngunit hindi na ngayon.

"Hey! Do you mind if I join you here?" tanong niya sa'kin.

Tiningnan ko s'ya. "Yes, I do mind."

Hindi man lamang siya naapektuhan sa pagtataray ko. Why is that?

"I'm Lance by the way. Lance Delgado." Pakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. Tiningnan ko lamang ang kanyang palad. Wow! Mukhang malambot palad n'ya ha! Parang hindi kamay ng lalaki.

No, don't take his hand.

Sa panlabas ay mukha akong kalmado, I was plainly cool and all that. But inside... I was tortured. Para akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. How come a single guy like Lance can affect me so much? Kaya nga ako lihim na nagngi-ngitngit dahil may epekto s'ya sa'kin. Pasimple ko pang napagmamasdan ang ginagawa niya.

“What can I do for you?” tanong ko kay Lance ng hindi tinatanggap ang kamay niya. Nagbawi na siya ng kamay at umupo sa tabi ko. Ugh! The nerve.

“I was just taking a walk when I saw you here. You looked lonely so I approached you.” Nakangiti pa rin siya sa'kin habang ibinabalik ko ang tingin ko sa hawak kong libro. Oh i wasn't interested talking to him, he spelled trouble. Naalala ko pa noon na nagkaroon ako ng crush kay Lance ngunit nang malaman ko na dancer siya... TURN OFF! I hated that. Grr.

“So, utang na loob ko pa pala na lumapit ka sa’kin?” Sa hina na pagkakasabi ko, hindi ko alam kung narinig n'ya o hindi. I dont care!

"Hahahahah," tawa yan ni Lance.

Hindi n'ya ba nahahalatang ayaw ko s'yang kausap?

“I like you. You’re something.” Umiiling-iling na sabi pa niya na parang sarili lamang niya ang kinakausap.

Hala, baliw na rin. Nakakahawa pala ang pagkausap sa sarili?

“I’m not something. I’m someone.” pambabara ko sa kanya.

Tama naman ah!?

Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Nakatingin lang ako sa binabasa kong libro. Or rather tinitingnan lang talaga at hindi na binabasa. Hehe.

“I don’t mean that literally. What’s you’re name?” malambing na tanong ni Lance. I snorted.

Flirt!!!!! Gusto ko man iyong ipagsigawan ay hindi ko ginawa. I keep myself calm. Naks!

“Look…” No choice. I'm actually pissed.

Weh?

Oo nga!

Hayss... Dahil hindi na naman ako makapag-concentrate sa binabasa ko, isinara ko na ang libro at tumingin kay Lance. All smiles pa rin s'ya sa'kin.

Fine! It was cute. Grr. I hate this man.

Napatingin ako sa mata niya at biglang...

Duug-Duug...Duug-Duug...Duug-Duug...

Hala!! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Abnormalities.

Ang ganda ng mata niya. Para akong nahi-hypnotize ng matitigan ko mata niya. He was like looking right through my soul. I tried my best to look formal and I succeeded...

Yes!!!

“What?” pa-cute na tanong niya.

“I don’t like talking to someone I don’t know so if you don’t mind I would love it if you’ll leave me alone.” mabilis at walang ka-emo-emosyong sagot ko sa kanya. Taray!!!

Walang nagbago sa mukha niya, nakangiti pa rin siya.

Tila nag-isip pa si Lance.

“Well I would love it if I don’t leave. Gusto ko pang malaman ang pangalan mo and that’s just the first thing dahil gusto ko ding malaman ang lahat-lahat tungkol sa’yo.”

Hhhhaaaayyyyssss..... Buntong hininga. Ang kulit pala ng isang ito. Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit pa s'ya nag-aaksaya ng oras sa'kin.

Dapat siguro ay hindi ko na s'ya pansinin. Hindi naman ako pwedeng umalis ng pwesto ko dahil hinihintay ko ang pagdating ng bestfriend kong si Shane.

Bakit nga ba ang tagal n'yang dumating?

“So what’s your name? Nagpakilala na ako kanina kaya naman hindi mo na masasabing stranger ako, 'di ba?” Patuloy na pangungulit nit Lance.

“I don’t want to be rude but can’t you see? Ayokong magpaistorbo. Lalong-lalo na sa’yo.” Pabulong lamang ang pagkakasabi ko and it worked. Tumahimik siya. Haysss...

Just when I thought tapos na nang bigla na naman siyang nagsalita.

“I’m sorry kung makulit ako. I just really wanted to know you.” He looked sincere. Napatingin tuloy ako sa kanya, particularly to his eyes. And again, my heart beats faster than normal. Gosh! Baka ma-High-Blood ako!

It just can’t be helped. He’s a dancer that’s why I don’t like to be involved to him. Ayaw ko ng magkaroon ng kahit anong koneksyon sa pagsasayaw. Kahit sa mga dancer ay iwas ako. Ngunit hindi yata nito gustong lumayo sa akin.

Oo nga pala. My name is Divine Marie Serrano. I used to be an aspiring ballerina. I loved dancing. Bata pa lang ako ay sumasayaw na ako. Tuwang-tuwa pa ang Mommy at Daddy ko dahil sa pagiging bibo ko daw noon. But that was a long time ago. Pagtuntong ko ng anim na taong gulang ay ipinasok ako ni Mommy sa isang sikat na ballet school sa states. Some says I was gifted. Malayo daw ang mararating ko dahil madali akong matuto ng kahit anong sayaw. I can do all sorts of dance. Name it and I can do it. But then, nang tumuntong ako sa edad na katorse, doon na nagsimula ang pagpe-pressure sa'kin ni Mommy. I hate to admit it pero hindi ko kinaya iyon. Kahit katiting na pagkakamali ay sinisita niya. Hindi niya alam kung gaano ka-frustrating para sa'kin nun. Minsan nga sa gabi ay naiiyak na lamang ako sa paninita niya ng wala sa lugar. Hayy life!

---------

Ayan cut muna... hehe... pinapaalis na ako ni kapatid. S'ya naman daw magcocom.

Tell me what you think by your comment.

Tnx. (^^,)('')

Dance your way into LoveWhere stories live. Discover now