Chapter 12

5.6K 102 2
                                    

Last day na ngayon nang sem kasi Christmas break na.

Sinabi na rin ni Jessy kay Jake yung buong storya at tenen bati na rin kami. Nakipagpeace offering na rin ako sa barkada nila sa pamamagitan ni Chris at ayun maayos na, yung iba move on at yung iba nilaro lang din yung laro ko haha. 

Isa na lang talaga ang problema ko, si Charlie. Di pa rin sya nagpapakita, lagi kong hawak yung regalo ko para sa kanya kasi bahala na si tadhana kung magkikita pa ba kami o baka rin hindi na.

Nung natapos yung Christmas party, nagpaalam na sila Jessy sa akin, may date pa daw sila ni Jake, tong dalawa talaga. Nakasalubong ko rin sila Chris pero walang Charlie, isasabay nga dapat nila ako pero nagpaiwan ako para magbakasakali kaya nagba-bye na ako sa kanila.

Umupo ako sa may bench area, inaalala yung mga memories namin kahit maikling panahon lang ang pinagsamahan namin. Habang pinagmamasdan ko yung regalo niya..

"O panyo, umiiyak ka na naman eh" biglang bumilis yung tibok nang puso ko

Dahan dahan, tinignan ko yung nagsalita. Napaluha na ako, si Charlie. Niyakap ko siya

"Oh? Anong nangyayari sayo?" hinigpitan ko yung yakap ko. Maya maya bumitaw ako tapos tinignan siya.

"Namiss mo ko no?" tumango lang ako nang nakangiti sabay abot ng regalo

"Thank you! Ang daya nasa room niyo yung iyo, akala ko kasi umalis ka na" napangiti lang ako lalo.

"Huy! Magsalita ka nga, napipe ka na ba?"

"Ikaw kasi eh!!" habang umiiyak muli

"Ako? Anong ginawa ko?" ngumiti lang ako saka yumakap

"Alam mo namiss din kita. May sasabihin nga ako sayo eh" bumilis si heartbeat. 

Tumango ako para ipagpatuloy niya yung sinasabi niya.

"Gusto ko sanang sabihin sayo na m... ma.... Mahal kita. Simula pa lang gusto na kita pero nung nakilala kita lalo, lalo ding lumalim yung yun. Kaya nung nakita ko kayo nasaktan ako, akala ko wala nang pag-asa pero sinabi sakin ni Chris na wala lang yun kaya.... Huy?! Nakikinig ka ba?" inuuga niya yung balikat niya kung saan nakapatong yung ulo ko

Tumango ako, inangat ko nang kaunti yung ulo ko na yung bibig ko ay katapat nang tenga niya tsaka ko binulong yung salitang di ko nasabi sa kanya

"Mahal din kita, Charlie" hinigit niya ko bigla palayo sa kanya

"Anong... anong sabi mo?" ngumiti ako then look in his eyes

"Sabi ko.. Mahal kita, Charlie"

"H- Huh? Isa.. Isa pa nga" again, ngumiti ako tapos tumingin sa mga mata niya

"Sabi ko.. Mahal kita!!"

"Last na lang talaga" this time, nag fade yung smile ko, hinawakan ko yung braso niya at 

*TSSUUPP*

I kissed him sa lips na ikinagulat niya

After ilang seconds, hinila niya ako para yakapin.. nang mahigpit.

"I love you, Nath" he whispered

"I love you too, Char" I did too

I really really love this guy, this is the most wonderful day, my happiest moment. Thanks to this guy named Charlie. Because of him, I came up to this moment and because of him, I forgot about my Ex and my revenge to my Ex.

--------------------------------------------------  

A/N:  May epilogue pa :)

Revenge to my ExWhere stories live. Discover now