Chapter 8 : Date

23 3 0
                                        

" Patay gutom kaba? Kanina kapa kain ng kain ah. " Nakasimangot na sabi ni Ken ng muli kaming huminto sa isang stall sa mall.

" Eeeh! Grabe ka talaga sakin. Ang sarap kasing kumain, try mo din kaya. Sungit, sungit.  " I pouted as I wait my ice cream troll.

" Tsk. Matagal paba? " Pagiiba nito ng tanong dahil may panonoorin pa kaming movie.

" Ayan na nga ohh! " I said as I got my ice cream from the counter.

Napailing na lang ito habang pinapanood akong kumain, Kumuha ako ng isang scoop at sinubuan sya, at first iiling iling pa sya pero sinubo rin naman. Hahahaha.

" Baka may iba kapang gusto? Baka kulang pa sayo yang mga kinain mo. Hahaha.  " He teased that made me pouted again.

" Aish. Di naman ako matakaw eh! Ginutom lang talaga ko after class. " I explained pero nagsmirk lang ito at umiling.

He hold my hand as we find a seat for the both of us, lihim akong napapangiti habang pinanonood ko sya na hawak ang kamay ko at tila inaakay ako, We are still wearing our uniform kaya medyo napapalingon rin ang ibang babae, marahil kilala nila si Ken, sikat naman kase ito, lalo na sa mga babae.

" Hey. " Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ang paglapat ng kamay niya sa pisngi ko.

" Tatayo kana lang ba talaga? " Tanong nito at tinap ang katabing upuan niya.

Agad akong naupo sa tabi niya, Dumilim na ang paligid, So the movie will now starting.

Tahimik lang ako habang nakahawak sa braso ni Ken,  hindi ko kase maiwasang hindi matakot sa pinanonood namin, narinig ko naman ang tahimik na pagtawa ni Ken kaya nilingon ko sya.

" Bat ka tumatawa dyan? Aish. Horror kaya tong pinaonood naten. " I whispered para hindi makaistorbo sa ibang nanonood.

" Akala ko ba kase hindi ka takot? Lakas pa ng loob mo kaninang piliin yan. " He replied back kaya napangisi na lang ito.

Sa kalagitnaan ng pagirit at paghampas ko sa kanya ay nakita ko ang pagba vibrate ng phone niya.

Hindi ko na sana papansinin kung sino ang caller pero nahagip pa rin ng mata ko ang pangalan ng caller,

B ♡

Nilingon ako ni Ken kaya agad kong binalik ang tingin ko sa screen at nagpanggap na walang nakita, kahit sa totoo lang, parang kinurot ang puso ko, Sino ba si B?

" I'll just go to the CR. I'll be back. " Paalam ni Ken sakin at tumayo na.

Bakit ganito?

May kung anong takot akong naramdaman sa puso ko ng dahil sa tumawag na yun.

Sa sobrang pagiisip ko nga ay hindi ko na naintindhan ang pinanood ko.

At, hanggang matapos ang movie ay hindi na bumalik si Ken.

I checked my phone at nakita ko na nag message ito.

Yuki, Aalis na ko. Sorry, May mahalaga lang akong pupuntahan.

Napawi ang saya na naramdaman ko kani kanina lang habang magkasama kami,

Napalitan ito ng pangamba.

Iniling ko ang ulo ko at pinilit na wag na lang pagisipan kung sino man yung tumawag kay Ken.

****

" Ate, You're late. Diba alam mo namang wala si Mom, I'm starving to death kanina pa, Kaya nagpadeliver na lang ako. " Kyohei said habang naabutan ko sya na kumakain ng favorite niyang happy meal, somehow masasabi ko na bata pa rin si Kyo.

For the better or for the worstOù les histoires vivent. Découvrez maintenant