Panimula

171 11 0
                                    

Every school has a different characters. A moody one a shytype, Group of boys or girls, Arrogant at iba pa. Ngunit itong paaralan na ito ay sumisimbolong paaralan na ibang iba sa lahat Matatalinong mga studyante, High class ang datingan at bonggahan ang labanan.



"Top 1 ka last month Cassie what happened? Milo stole your place again"


"As always" Tinaasan lamang ng kilay ni Cassie si Marco mula sa likod ng inuupuan nila.



Sa paaralang ito mahirap hanapin kung sino talaga ang Studyanteng Hindi maagawan ng pwesto mula sa School activites at mailarawang bilang Top-notcher student, Dahil halos lahat matatalino at napaka competitive kung umasta. Ito ang Paaralang Welard University of Asia sa madaling salita Paaralang W.U.A.



Ngunit lahat ng ito ay nagbago simula ng Dumating ang taong magbabago sa ikot ng paligid sa W.U.A.


'Goddess of beauty' ang tawag sakaniya dahil sa kaniyang angking Kagandahan. Ngunit hindi lang kagandahan ang taglay niya kundi ubod din ito ng talino, talented at kabaitan.



Kaya sa lahat ng dumarating na School Activities number one siya sa listahan at iyon ay hindi naman ikinagugulat ng lahat dahil para sakanila 'She's more than just a girl'



---

"You have 1hr and 30mins to answer the test, get one and pass" Aniya ni prof namin. Medyo kalmado kami ngayon dahil this is it! 5th monthly exam na to kaya siguradong napag handaan na namin ito.



Sino ba naman hindi ma-eexcite sa huling exam ngayong taon diba? Excited na kaya akong mag summer.. As usual. 



"Kelly kumusta ang exam? panigurado na sagutan mo ng tama"



"Si Kelly pa Top-notcher yan eh"



Kumalabit lamang ako sa braso ng Dalawang asungot kung kaibigan sina Dindo at Willy. 2nd year highschool until now na nasa 3rdyear Highschool na kami sila na talaga ang matatalik kung kaibigan bukod sa pagiging mapagbiro nila matatalino rin sila at may respeto. Wala gaano akong kaibigan na Babae sa school namin mabilang lang. Coz i prefer boys than girls.



Kapatid ang turing ko sakanilang dalawa kaya promise ko sa sarili ko kahit magmuka pa silang Celebrity dahil sa kagwapohan nila.



 Hinding hindi ako magkakagusto sa dalawang to.



"Kain na tayo" Ani ko at hinila ang dalawa patungong canteen. Binalewala ko na lamang ang sinabi nila dahil kung magsasalita pa ako paniguradong hindi na magbabago ang topic namin.


---


Pag uwi ko ng bahay sermon nanaman ni Mommy ang sumalubong sakin dahil nag-away nanamaan siguro sila ni Dada.



"IKAW KELLY SAN MO BA GINAGAMIT YANG TALINO MO? SA PAGMAMAYABANG!? ULTIMO SCHOLAR HINDI MO TINANGGAP IYON NA NGA LANG ANG MAITUTULONG MO SAKIN MAS PINILI MO PANG UMASTANG PARANG SINONG MAYAMAN??" 


Sigaw ni mommy sakin habang ako nakayuko lamang sa harap niya, buo ang respeto ko kay mommy dahil pinalaki niya akong maayos at kahit papano hinding hindi ako mawawalan ng respeto sakaniya.


Ang hindi ko lamang tanggap ay maging isang scholar ng paaralan namin dahil lahat naman kami dun matatalino bakit hindi nalang kaming lahat ang binigyang pagkakataong maging scholar ng paaralan.



At isa pa para sa kanila Mayaman ako dahil sa itsura at mga branded na kagamitan ko na sa totoo lang bigay lang naman ng Auntie ko sa states.



Kaya walang duda na tama si mommy Mayabaang at Ambisyosa ako pero tanggap ko yun dahil alam ko sa sarili kung may mga pangarap ako sa buhay at iyon ang isusukli ko sa paghihirap ng mga magulang ko.



"HINDI KA NA MAG AARAL SA W.U.A!! ANO MAGIGING PAMBAYAD MO DUN HA! HALOS WALA KA NA NGANG MAITUTULONG PWES SA PUBLIC SCHOOL KA ULIT MAG AARAL! WALANG SILBI!"



Ano!? nO No NO! Ano na lang ang sasabihin ng mga studyante sa WUA paniguradong magiging madumi na ang pangalan ko dun. Ano ba naman kasi ang pinag awayan nila ni Dada ang worst ni Mommy ngayon! ng*na naman e!



"Mo-"


"ANO AANGAL KA? SASAMPALIN KITA!"


Hindi ko mapigilang hindi ibuhos ang naging emosyon ko ito na lang talaga ang pagkakataon na mapanatili ako sa WUA hanggang sa maka graduate ako ng High school.


"Tatanggapin ko ang Scholarship ng WUA"  The hardest hit as everywhere, are those who have no choice. ikanga

She's more than just a girlWhere stories live. Discover now