eight

679 37 22
                                    

"Bumalik, at muli ka ring aalis.
Tatakbo ka nang mabilis.
Yayakapin nang mahigpit."

- 💛 -

Gaya nga nang sinabi ni Jeonghan. Napilit nilang pauwiin si Soonyoung para makapag-usap sila ni Jihoon.

"S-soons, bumalik ka." Tumakbo si Jihoon papunta kay Soonyoung at niyakap ito nangmahigpit.

"Huwag mong isiping bumalik ako dahil sa'yo, pinilit lang ako nila Cheol hyung." Anya Soonyoung saka pilit na inalis ang mga kamay ni Jihoon na nakapulupot sa kanya.

"Ano bang sasabihin mo?" Direstsong sabi ni Soonyoung.

"S-soons. w-wala na ba talaga?" kinakabahang saad ni Jihoon lahat nang sinabi niya kay Jeonghan nawala. Yung sinabi niyang papakawalan na niya si Soonyoung bumaliktad sa ibang pagmamakaawa na naman.

"Puta. Jihoon. Makinig ka."

"..."

"Sabihin na nating oo, limang taon na tayo. Pero hindi mo ba nakikita yung pagbabago? Yung spark yung kilig. wala na. Hindi ko alam kung bakit ang tindi pa rin ng kapit mo sa'kin eh. Hindi man lang ba magsink in sa'yo na hindi na kita mahal? Hindi mo man lang ba marealize na ayaw ko na? Tama na pagpapakatanga mo Jihoon." malumanay na saad ni Soonyoung pero tila mga kutsilyong tumarak sa puso ni Jihoon ang bawa salita.

"Yun nga yung problema eh, hindi mo na ko mahal pero ikaw mahal na mahal ko pa rin. Bakit ganoon? Sabi ko papakawalan na kita kasi ayaw mo na eh, di naman kita mapipilit na mahalin ulit ako. Pero bakit hindi ko magawa? Patuloy akong nagpapakatanga sayo? Hindi mo rin ba marealize na hindi kita kayang pakawalan kasi mahal na mahal kita? Hindi rin ba magsink in sayo na kahit ayaw mo na, gusto ko pa ring ayusin tayo?"

"Jihoon please lang. Itigil na natin."

"Bakit ba ang dali sayo?! Anong dahilan mo?!" sumisigaw na si Jihoon dahil hindi na niya alam pa ang nararamdaman niya.

"I fell out of love."

"Putangina Hahaha." marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

"Putangina Soonyoung napakababaw naman ng rason mo!" pinalo palo ni Jihoon ang dibdib ni Soonyoung.

"Mahal kita, s-soonyoung. Mahal na mahal." sabi habang hinahayaan lang siya ni Soonyoung na saktan siya.

"You fell out of love? Yun lang? You made a promise! Putanginang promise yan hindi naman pala tutuparin haha." tinalikuran niya Soonyoung saka umupo sa sahig.


"Soonyoung." Ngumiti si Jihoon SA kanya.

"P-pinapalaya na kita. Umalis ka na." Anya Jihoon iniiwasang pumiyok.

"Hindi kita iiwan sa ganyang kalagayan---"

"Puta, kung kailan ka pinapayagang umalis doon ka naman hindi aalis?" Napatawa si Jihoon.

"Ji--"

"Umalis ka na, malaya ka na oh? Break na tayo. Wala nang mangugulit sa'yo. Wala nang ipagsisiksikan yung sarili niya sa'yo, diba dapat matuwa ka na?"

"Ji hindi sa ganon."

"Anong hindi sa ganon? Umalis ka na."

"Ji--"

"UMALIS KA NA PARANG-AWA!" sigaw ni Jihoon, kaya walang nagawa si Soonyoung kung hindi ang umalis na lang.


kahit ayaw mo na ; soonhoon Where stories live. Discover now