Maxxi's Mom POV
Nandito ako ngayon sa Guidance office ng school nila maxxi, alas nuebe na ng umaga
Kaharap ko ngayon si Madam Virginia na nakatitig ngayon sa akin
Katabi ko naman ang tatlo pang babae. Ang dalawa ay mukang takot ng takot at ang isa naman ay mukang babad ang mata sa kakaiyak
"Uhmm Madam, ano po ba talagang nangyari? May copy po ba kayo ng pangyayari nung isang araw?" Tanong ko na bumasag ng katahimikan ngayon sa kwartong ito
Isang araw na ang nakalipas mula ng madala sa ospital si Maxxii at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay
"Madam, ako po ang ina ni Thea, sino pong pumatay sa anak ko? B-bakit naman po ganon ang nangyari?" Tanong naman ng isang babae na namumugto ang mata
"Bakit naman po kami nadamay dito madam?" Tanong ng isa sa mga babaeng takot na takot
"Mga misis, ang mga anak niyo po ay kasabwat sa pang bubully kay maxxii. Ngunit ang pang bubully po na nangyare ay may mas malagim pa na trahedya ang sumunod, about naman po sa video ng pangyayaring iyon. Yes po, may copy po ang school department ng CCTV footage nung araw na iyon dito sa school" sagot naman ni Madam Virginia habang nililibot ang mata sa aming apat na kaharap niya
"Madam, pwede po bang pakita po ng video, please po" pag mamakaawa ng inang kanina pa umiiyak
Tumayo si Madam V mula sa kanyang kinauupuan atsaka niya kami pinasunod sa kanya
Lumabas kami ng Guidance Office at tumungo kami sa dulong pinto ng building na ito
Pagpasok namin sa loob ng kwartong iyon ay bumungad agad sa amin ang madaming TV Screens at makikita mo mula sa mga ito ang bawat sulok ng school
Nireplay ni Madam ang isang video na naganap noog araw ng pangyayari
Habang titig na titig kami sa video na nagpeplay ngayon sa TV, nang gigigil ako dahil sa nakikita ko ngayon
Kinakaladkad ng tatlong estudyante ang anak ko at sinipa pa ng isang estudyante, napaka walang hiya nila
Nagtinginan sa akin ang tatlong ina pati si Madam V, gusto kong mag mura pero pinigilan ko ang aking sarili at nag patuloy kami sa panunuod
Maya maya pa ay bigla kamig nagulat sa aming nakita
Pag labas ng tatlong esduyante mula sa CR, bigla na lamang bumulagta ang isa sa mga ito
Tumalsik ang dugo nito na nagmula sa kanyang leeg at tsaka ito tumumba, nag lawa naman ang dugo nito sa sahig
Nakita ko rin kung paano nawalan ng malay ang anak ko at kung paano nag kagulo ang mga estudyante
Naglupasay naman ang isang ina na kanina pa umiiyak, ngayon ay na wawala na siya kaya naman tumawag agad ng Security guards si Madam V upang pakalmahin ang ina
"Bitawan niyo ako! Sino pumatay sa anak ko! M-mga wala kayong kwenta! Hinayaan niyong mamatay ang anak ko!" Sigaw nito
"Misis, ginawa naman po ng school ang lahat para malaman kung sino ang gumawa nito pero wala po talagang nakitang sign o ebidensya kung sino ang gumawa" nanlulumong sagot ni Madam V
Tahimik lang ako dito sa gilid at napakalma naman na nila ang babae
Mukang nahimasmasan na ito
Bumalik kami ulit sa Guidance Office para ma usap tungkol dito
"Uhmm Misis, ano po bang balak niyo?" Tanong ni Madam V sa akin
"Ahh ehh, hindi na lang po ako mag sasampa ng reklamo." Matipid na sagot ko
YOU ARE READING
Obsession
Mystery / Thriller"If My Love for You is a crime, I want to be the most wanted criminal" -Unknown ●●● Date written: December 13, 2018 ●●● -DarkestCloud0013