Chapter 11

188 5 0
                                    


Brain Test

Matapos mag-positive ang lahat ng medical test at kung ano-anu pang test na ginawa nila sa katawan ko. Oras na para sa huling test na gagawin nila sa'kin ang brain test.

"Sendy huwag kang matakot. Tatagan mo lang ang loob mo." Bilin ni Miss. Jera bago nila ako pinasok sa loob ng brain scanner.

May tinurok sila sa'kin. Hanggang sa naipikit ko ang mga mata ko. Gising ang diwa ko kahit nakapikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang mga taong abala sa paligid ko. May kung ano-anu silang nilagay sa katawan ko. Nang ipasok nila ako sa scanner. Doon ko pa lang naramdaman ang matinding sakit ng ulo ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang kinukuryente ang buo kong katawan. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Nakakamatay ang sakit. Parang mabibiyak ang ulo ko. Pakiramdam ko mahihiwa ang katawan ko. Hindi ko maintindihan.

'Sendy, apo huwag kang magpadala sa sakit. Labanan mo. Huwag kang magpatalo sa sakit. Kayanin mo apo, kapag nagpadaig ka sa sakit magiging zombie ka. Gagawin ka nilang laruan. Hanggang sa mamatay ka at ipapatapon ka na sa libingan ng mga buhay at patay.'

Nang marinig ko ang boses ni lolo Damian. Saka ko pa naalala ang sinabi niya. Kailangan kong labanan ang sakit, Kailangan ako ni Avery.

Kinalma ko ang sarili ko. Kahit hindi ko na maintindihan ang sakit na nararamdaman ko. Pilit kong nilabanan iyon.

Hanggang sa narinig ko silang nagkagulo sa paligid ko. Hindi ko maintindihan mga sinasabi nila. Naramdaman ko na naman na may tinurok sila sa'kin. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng lakas.

Nagising akong nasa kwarto na namin.

"Aga mo yata nagising alas dos pa lang?" Tanong ni Brenda.

Naguluhan ako bigla.

"Anong nangyari?"

"Huh? May nangyari ba?" Tanong din niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Bakit gan'on? Nanaginip lang ba ako?

"Brenda? Naalala mo ba si lolo Damian?"

"Anong klaseng tanong iyan Sendy, oo naman syempre. Bata ka pa lang noon ng mamatay si lolo Damian." Aniya.

Sumama bigla ang pakiramdam ko.

"Si Avery?"

"Huh? Nakalimutan mo na bang matagal ng wala si Avery. Mula ng pumasok kayong dalawa dito kasama siya sa mga nadetention. Sina phoenix, jagger, Khloe, Sabrina ang mga nadetention na hindi na muling nakabalik pa."

"Wala na si Avery? Ang natatandaan ko ay ako lang mag-isa ang pumasok dito. Hindi ko kasama si Avery."

"May sakit ka ba? Ang weird mo pinsan baka gutom lang yan. Ang mabuti pa maligo kana mauna nalang tayo sa Dinning Hall. Panigurado naman akong magigising na rin ang mga iyan maya maya." sina Hera at Fleigh at ang bago namin kasaman na si Demiree. Mahigit isang buwan din nawala si

Arggh! Bakit gan'on ang panaginip ko parang totoo.

Naligo nalang ako at naghanda para sa pagpasok.

Ang sabi ni Brenda matagal ng wala sila Phoenix at iba pa naming kasama. Pati ang kapatid ko. Ibig-sabihin noon nasa Helveria ang kapatid ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Nasa banyo ako tinitigan ang sarili sa salamin.

SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED )Where stories live. Discover now