Chapter Three

8.7K 214 1
                                    

Snobbish Prince
-Eleony Che 

Chapter Three

NAGKAKAPE si Arbi sa dining room nang biglang sumulpot ang kanyang matalik na kaibigan, "So, bessy, how was your plan last night?" tanong ni Angel.

Nilingon niya ito na umupo sa tabi niya, at ngitian na lamang niya.

"Oh! Tell me, sinu-suspense mo ako?" wala itong alam sa nangyari kagabi dahil bago niya tinungo ang mesa nila Xyron kagabi at tinawag siya nito muna saka nagpaalam na mauuwi na umuwi dahil naghihintay si Trent kagabi sa labas ng restaurant.
Itinirik niya ang kanyang mga mata, "Ano pa?! Super suplado at maldito pero hindi siya umubra sa kakulitan ko, I claimed him as my date kaya 'yon.."

"Owwzz? Really? Then.."

Ikinuwento niya rito ang mga nangyari at kung gaano kasuplado si Xryon. She wondered kung bakit pinag-iisipan ng pinsan nitong si Trent na baka beki nga si Xyron.

"Kung sinupladuhan ka pala eh bakit nakangiti ka pa diyan at tila tumitirik 'yan mga mata mo sa kasiyahan. Hindi ka naman pala niya nai-date kagabi?" nagtatakang tanong ng kanyang bessy.

Hindi kagad siya nakasagot. Napasimangot siya nang maalala na hindi pala alam nito na matagal na niyang kilala si Xyron at siya pa mismo na babae ang lumalapit dito. "Mayroon akong sasabihin sa'yo pero ipangako mo na huwag mo ako pagtatawanan o kaya ay pandilatan ng mga mata mo." panimula niya.

Tumango ito, isinalaysay niya rito kung paano niya nakilala si Xyron at kung paano siya naging regular customer nito sa sariling nitong salon, pati na rin ang pagpa-cute niya rito, ang ilang beses na pagyaya niya rito para i-date siya at ang huling tagpo na tinanggihan siya nito.

Na-amaze ang kanyang bess, "What an amazing feelings?"

"Anong amazing do'n? Nakakahiya nga kasi kababae kong tao pero ako itong aligaga na gumagawa ng paraan para lang mapansin tapos siya ang ubod ng suplado, pero hindi ako susuko."

Nginitian siya nito at hinahawakan ang dalawang kamay niya, "Your in love, bessy. Normal lang 'yan, at saka hindi lang ikaw ang babaeng nanliligaw sa lalaki. Ang iba nga ay namimikot para lang makuha ang lalaking minamahal. Kung saan ka masaya, then, gora na."

Tila nag-isip siya, "Maybe he will likes me too?"

"I guess, kaya If I we're you. Show to him kung ano ba talaga ang tunay mo'ng nararamdaman sa kanya, pero huwag mo lang kakalimutan na may posibilidad na masasaktan ka at dapat nakahanda ka sa anu man kahihinatnan at sa sakit na mararamdaman mo kung sakali."

Napaisip siya sa sinabi nito, may punto ito. Isa pa, wala na sila sa panahon makaluma, at marami na ngan mga kababaihan na katulad niya ang nagpapakita ng unang motibo sa lalaki.

"Thank you, bessy. Sorry kung ngayon ko lang ipinagtapat sa'yo kasi nahihiya ako." nakayukong sabi niya sa kay Angel.

Tinignan siya nito mataman, parang may naiisip na kapilyahan lalo na't may ngiti ito sa mga labi nito.

"Bakit?" nagdududang tanong niya pagkatapos kumagat ng tinapay. Uminom din siya ng kape. Iba ang nakikita niyang ngiti sa mukha ng kanyang kaibigan. Para bang may naisip ng plano o anu man.

"I think, we can help you."

Muntik na siyang masamid sa iniinom na kape, "Help me? With who and for what? And how?"

"Wag ka nga mataranta, siyempre kami ni Trent. I will plan a doble date, me and Trent. You and his cousin, Xyron. What can say about that?" kumindat pa ito sa kanya at ubod ng tamis na ngumiti.

"No, ayaw ko. Baka pahiyain lang ako nu'n sa harapan n'yo. Ako na ang bahala dumiskarte if paano ako uli makalapit sa snobbish na 'yon." nag-blush na sabi niya rito.

SNOBBISH PRINCE: XYRONOnde as histórias ganham vida. Descobre agora