III

34 18 0
                                    


IT'S really getting cold out here but I want to see mommy and daddy get home. Hindi ko alam kung anong oras na pero nasisigurado kong malalim na ang gabi.

Walang humpay sa pagbuhos ang ulan. Ang lupang kinatatayuan ko ay palambot na nang palambot. Basang-basa na ang aking damit at sapatos pero hindi pa rin nagpapakita ang kotseng sinakyan kanina nina mommy at daddy. Posible kayang nakalimutan na nila ako? Baka masyado akong naging pasaway kaya ayaw na nila sa akin.

"Prudence? Anong ginagawa mo rito sa labas?" Napatingala ako upang kilalanin ang taong nagsasalita.

"Tito Diego?" hindi siguradong wika ko. I can't really remember his name for he rarely visit us. But according to mommy, he is a good guy and I could trust him.

"Yes, it's me. I'm glad you didn't forget my name," nakangiting pagpapakilala niya sa akin. Although, there's something weird about his smile.

"Puro putik ka na, tingnan mo. Ang dungis-dungis na ng inaanak ko. Tara, pumasok muna tayo sa bahay?" aya sa akin ni tito at niyakad ako papasok sa aming bahay na agad kong pinigilan.

"Gusto ko pong hintayin sina mommy at daddy," pangangatwiran ko sa kaniya. Yumuko naman siya upang pantayan ako.

"Hindi ba't ayaw ng mommy mo na magkasakit ka? If you stay longer under the rain, you'll get ill. For sure your mother will be sad. Do you want that?" Mabilis kong sinagot ng tatlong iling ang tanong ni tito.

I know mommy will not only get sad but she'll be also get mad. Papagalitan lang ulit ako ni mommy kapag hindi pa ako sumunod kay Tito Diego. Baka hindi na sila bumalik kapag nalaman nilang nagiging bad girl ako. I don't want that to happen. Gusto ko pang makita si baby girl.

"Okay, tito. Let's get inside the house," pagsang-ayon ko't humawak sa kanan niyang kamay.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad niya akong binalot sa tuwalya. Tinulungan niya rin akong magpalit ng damit at pinainom ng hot chocolate.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin habang inaabala ko ang aking sarili sa panonood ng 'Barbie: Princess and the Pauper'.

"Hindi pa po. Ang sabi po kasi sa akin nina mommy at daddy, maaga po silang babalik at lulutuan nila ako ng sinigang," sagot ko habang hindi inaalis ang atensyon sa pinapanood na palabas.

"Bukas pa kasi makakabalik ang mommy't daddy mo. Kaya sa ngayon, ako muna ang mag-aalaga sa iyo. Ayos ba 'yon?" tanong niya sa akin habang suot-suot ang kakaiba niyang ngiti.

"Kung iyon po ang sabi sa inyo nina mommy at daddy, wala pong problema sa akin," magalang na sagot ko.

"Pasensya na at hindi marunong magluto si tito. Pagtiyagaan mo muna ito, okay?" Bumalot naman agad sa ilong ko ang amoy ng noodles na nilapag niya sa harapan ko. And since I'm starving, I didn't hesitate to quaff it up. No room for being picky today.

"Pagkatapos mo diyan ay magsipilyo ka na't matulog. You have school for tomorrow, am I right?" Kahit hindi ko tingnan si tito ay alam kong tumabi siya sa akin upang panoorin ako dahil sa paggalaw ng sofa.

"Yes, Tito Diego, I will."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Adrestia Trefoil: LacunaWhere stories live. Discover now